Chapter(21)

115 3 0
                                    

"I can't say goodbye to you"

Chapter :21

"Ganito talaga kapag buwan na nang June hanggang pa August , maraming tawag kay Jeff at siguradong sunod -sunod convention nun? " wika ni Sylvia,  paano ay napansin na marami siyang sinusulat...

"Pansin ko nga... "

"Parang wala ka sa mood ngayon ahh? "

pinilit niya ngumiti, sa totoo lang sobrang sakit nang ulo niya kagabi pa...
"Masakit lang ulo ko Ma'am Sylvia.. "

"Naku, umuwi ka na kaya? Baka mamaya mapagalitan ako ni kuya baka sabihin masyado ka nagbababad dito at pinababayaan kita...."

Napangiti siya sa sinabi nito....
"Malapit na din umuwi si heart.." Sagot niya,

"Aba,  heart talaga tawagan ninyo ahh! " tukso ni Sylvia, 

tumayo na si Jane at humakbang patungong pinto....
"Uuwi na ako Ma'am Sylvia.... "

"Sige...  Mukhang masama talaga pakiramdam mo eh... " wika nito, 

pagbukas nang pinto ay nagulat pa siya nang bumungad si Jeff...  May dala itong bulaklak at nakangiti sa kanya....

"Hi!  Na miss kita heart! " sabi nito sabay yakap sa kanya nang mahigpit....

Ang totoo alam ni Sylvia na uuwi na ang kanyang kuya,  at nagbilin ito na supresahin si Jane...

"Na miss din kita... " ngunit biglang nawalan ito nang malay, 

"Jane! " ngayon lang nahipo ni Jeff na mataas ang lagnat nito....
Agad itong binuhat ni Jeff at nagmamadaling dadalhin sa Hospital....

~

"Kamusta po lagay niya?  Doc? "

"Over fatigue and sobra sa puyat.... Kailangan niya mag vitamins,  mukhang hindi din siya masyadong kumakain.... " sabi nang doctor, 

napansin nga ni Jeff na pumayat si Jane...  Dapat talaga ay bukas pa ang kanyang uwi,  ngunit napaaga lang dahil kahapon na tinapos ang convention nila....

"Eto ang mga gamot at vitamins,  sa ngayon magpahinga muna siya sa trabaho... "

napatango siya,  lumabas na ang doctor at sinamahan naman ni Sylvia yun sa labas...
Hinawakan niya ang kamay nito,

"Jane,  heart....  Bakit pinababayaan mo sarili mo?" Kausap niya dito kahit na tulog naman ito...

"Kuya! " lumingon siya kay Sylvia...

"Bakit.... "

"Uuwi muna ako,  siya nga pala...  Napirmahan na papeles niya...  Baka mapaaga yun dumating,  pati ang green card. Sinabi sa akin with in 3 month i release na daw yun, kaya need kayo magpakita sa embassy...."

Tumango si Jeff,
"Ibig sabihin,  hindi aabutin nang six months?"
Umiling si Sylvia,  at hinawakan siya sa balikat...
"May 3 months ka na lang,  nasa sayo na yan kung....  Susugal ka pa o hindi na? "

bumuntong hininga si Jeff at tiningnan si Jane...
"I can handle... " napatango naman si Sylvia,

"Sige uuwi na ako kuya.... " at lumabas na ito nang kwarto....

Hinaplos niya ang buhok nito at hinalikan ang noo,
"I have 3 months, at gusto ko na talaga munang mag stay sa piling mo...." Bulong niya....

~

Napadilat si Jane, pansin niya ang puting kisame... Hindi ito kwarto ni Jeff kundi nasa ibang lugar siya, agad siya bumangon nang maalala na nakita niya si Jeff bago pa siya mawalan nang malay....

I Can't Say Goodbye To You (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon