Chapter (6)

153 3 0
                                    

"I can't say goodbye to you"

Chapter :6

Kakauwi lang ni Jeff sa kanyang bahay,  hinatid na muna si Jane bago siya dumiretsong umuwi... 

Napaupo muna siya sa kama, kanina nang makita itong pauwi na galing sa studio ay sinundan talaga ito...  Nagtaka pa siya dahil ang layo nang nilakad nito, mula trabaho hanggang sa apartment na tinutuluyan.... 

Pinakilala din nito ang kaibigan na si Carol, bigla na lamang siya napangiti...  Hindi niya alam kung bakit siya natutuwa dito, lalu sa pagiging tila inosente nitong babae... O sadya talagang inosente ito.... Kanina halos mga simpleng damit lang napili, binilhan na din niya ito nang mga maaring gamitin kapag sa opisina na pumasok... Bigla siya napatingin sa kama at nakita ang isang box na binili kanina, lihim siyang bumili nang cellphone para dito...

Ang totoo gusto talaga niya na may magamit ito na cellphone, at alam niyang gusto din nitong makakuha nang mga litrato... Kaya naisipan niyang palitan ang lumang cellphone na ginagamit pa nito...

Nag ring ang kanyang cellphone at nakitang tumatawag si Sylvia... Sinagot iyon at nag connect sa video...

"How's your day Jeff?"

"Ayos lang... Thank you pala..." Natawa ito...

"Maliit na bagay, but.. I'm so curious, type mo ba siya?"

"Prangkang tanong ahhh!" Natawa muli ito...

"She is too young, 24 years old lang yun... Nabasa ko sa profile niya na binigay mo sa akin... Gusto ko lang siya tulungan...."

"But i see, sobrang pagtulong yan!" Bahagyang ngumiti si Jeff,

"Di ko rin alam, parang na challenge ako sa taong ito..."

"Challenge or inlove?" Napatigil siya at sumandal....
"Mr. Jeffrey Combs it's time naman na open mo na ang puso mo, aba baka tumanda ka nang binata... You're  not young anymore my dear brother..." Napahinga siya nang malalim...

"I need to rest, maaga pa ako bukas...."

"Okay! Nyt!"

Tumango siya at pinindot na ang End call....
Napahiga na siya at tumingin sa kisame... Muli siyang nagpakawala nang hangin,
"Mary Jane? bakit ba ginugulo mo isipan ko ngayon?" Bulong niya....

~

"Ang swerte mo talaga Jane, akalain mo artista pa magiging boss mo!" Bigla siya napangiti, kanina pinabayaan siya mamili nang kanyang mga damit para pa nga siya mapapagalitan nito dahil tatlong piraso lang ang kinuha niya...

Binigyan din siya nang pera nito, halos isang libong dolyar... At ito pa mismo ang nagpadala sa Pilipinas...
Iniwanan na din siya nang pera nito, para ibigay kay Carol bilang bayad sa upa ng apartment at sa mga pagkain na nagastos nito...

"Hoy! Lalim nang iniisip mo ahh!"

"Naisip ko lang sa bahay, sana maging maayos na si Inay..."

Umakbay ito sa kanya,
"Huwag ka mag alala, may awa ang Diyos, tingnan mo naman at tinulungan ka niya..."

"Kaya nga eh,  sa totoo lang sobrang swerte ko at pinagpala pa din ako.... "

"Hay naku baka umiyak kapa,  magpahinga ka na... Di ba bukas maaga pa kayo pupunta sa new york! " napatango siya....

"Sige na tulog ka na... "

"Sige...  Goodnight  Carol! " at pumasok na siya sa kanyang kwarto,  nakangiting napapa iling naman ang kanyang kaibigan...

~

"Wow!!! " halos hindi niya maintindihan ang excitement nang makarating sila sa pag sho-shootingan nito...

I Can't Say Goodbye To You (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon