Chapter(22)

119 1 1
                                    

"I can't say goodbye to you"

Chapter :22

Hindi naman magawang makatulog ni Jeff,  pakiramdam niya ay sobra pa ding init....  Sobra na lakas nang aircon at nagbabad na din siya kanina sa shower....
"Hayy Jane,  mahihirapan tuloy ako makatulog nito... " bulong niya at umupo saglit... 

Sobrang tagal na mula huli siya nakipag one night Affair kaya nga binigay ni Casey si Jane sa kanya... Bihirang-bihira naman kasi siya talaga tumabi sa babae kapag may mood lang,  pero iba ang dating ni Jane lalu at ito ay asawa na niya...
Pinilig niya ang ulo at tumayo,  nagapabalik-balik siya nang lakad....

"Heart! "

narinig niyang tawag ni Jane,  napalunok siya nang sunod - sunod at naalala na naman niya ang hubad na katawan nito...
"Jeff?  Okay ka lang ba? " muling nagsalita si Jane,  hindi naman niya magawang sagutin ito...

"Yahhh magpapahinga na ako Heart! " sagot niya,  at dahan-dahan lumapit sa pintuan pinakinggan niya kung nakaalis na ito...

"Sige....  Goodnight.... " narinig niyang sabi nito,

nagpakawala naman nang hangin si Jeff at napailing...
"Sa kanya lang ako natakot nang ganito!" Sabay hawak niya sa dibdib, talagang kinakabahan siya kapag mga ganuong eksena na....

~

Month of August....
Ito ang buwan na birthday ni Jane,  ganap na itong 25 years old... 

Napangiti si Jeff nang makita niya ang binili ni Sylvia na damit para dito....

"Basta ihahatid mo siya sa Hollywood,  maghihintay na lang ako dun! " sabi nito at muling napangiti...

"Kuya! "

"Yup... " may pinakita ito at yun ang kanilang divorce papers...

"Tapos na kontrata ninyo.... "

"Tatapusin ko lang birthday niya,  bago ko ito ibigay sa kanya...  Bigyan mo ako nang one week... " tumango si Sylvia, 

may inabot sa kanya si Jeff na folder...
"Sa kanya na nakapangalan yan,  bilang asawa ko...  I hope na ikaw magbibigay sa kanya,  dahil sigurado ako na tatanggapin niya yan pati itong card.... "

"Kuya... "

"Mula makasal kami,  lahat nang perang binigay niya sa pamilya niya ay sariling sikap niya...  Kahit dito na lang makabawi ako! "

parang naiyak si Sylvia sa sinabi nang kuya niya, kaya napatingin si Jeff sa kanya...
"Bakit? "

napailing lang ito....
"Napaka tapang mo kasi,  kahit alam mo na talo ka....  Pinipilit mo pa rin lumaban... "

napangiti si Jeff at niyakap ito.... Lalu lang naiyak si Sylvia,  paano ay ngayon na lang siya ulit nayakap nang kapatid....

"Salamat at sinuportahan mo ako.... " bulong ni Jeff, 

"Natural!  Kuya kita eh... " natawa si Jeff at pinagmasdan si Sylvia...

"Pakabait ka na din! " biro ni Jeff sa kanya natawa naman si Sylvia sa sinabi nito....

~

Halos hindi pa niya naipapakita kay Jane ang divorce papers nila,  kailangan lang naman nila pirmahan iyon at pagkatapos ay malaya na muli silang dalawa...

Bumuntong hininga si Jeff, bukas na ang birthday nito at gusto niya na maging masaya muna ito sa ilang araw nilang pagsasama.... Kahit na mahirap sa kanyang damdamin ay tatanggapin niya, para lang din sa ikaliligaya nang babaeng mahal niya....

I Can't Say Goodbye To You (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon