Chapter (10)

136 3 0
                                    

"I can't say goodbye to you"

Chapter :10

Mabilis naman siyang nakabili nang pagkain ng mga ito,  pero hindi siya bumili nang para sa kanya nahihiya kasi siya kay ma'am Sylvia...

Malapit na siya sa studio nang may humarang sa kanya,

"Pilipina? " tila nalalaliman siya sa mga sinasabi nito,

"Visa? "

bigla siya kinabahan sa narinig,  mukhang hinahanap nito ang kanyang Visa...

Hindi naman niya magawang ibigay sa mga ito at siguradong idedeport siya...
"Nasa bahay po sir!  Hindi ko po dala dito sa trabaho! " sagot niya,  hindi na din niya alam ang gagawin nang mga oras na yun... 

Bigla kasi natakot lalu at hindi niya maintindihan ang mga pinagsasabi nang mga ito. Bigla siya hinawakan sa kamay...

"Wait... Wait...  Kailangan ko muna magpaalam sa boss ko! " iniingatan pa niya ang hawak niyang pagkain na pinabili sa kanya...

"Excuse me! " napalingon siya at nakita si Ma'am Sylvia niya,
"Saan ninyo dadalhin ang kaibigan namin? " tanong nito...

"Sa embassy...  Mukhang TNT siya at walang maipakitang visa... "

"Hindi siya TNT...  Inaayos na ang green card niya...  So leave her alone... "

napakamot na din nang ulo ang dalawa,  nakita na din niya si Jeff at agad lumapit sa kanya...

"Officer!  Leave Ms. Jane,  inaasikaso na green card niya as soon as possible... "

"Babalikan namin siya,  kaya sana may maipakita na kayo sa amin! " at umalis na ang dalawa... 

Nakahinga na nang maluwag si Jane,  at lumingon sa kanyang mga boss...

~

"Meron ba solusyon ito Sylvia? " tanong ni Jeff habang pabalik-balik ang lakad, 

nakatayo si Sylvia at siya ang nakaupo...  Kung hindi dumating ang dalawa marahil na deport na siya pauwing Pilipinas...

"Only fixed married ang solution! " napalingon si Jeff at maging si Jane kay Sylvia...

"Kasal po? " ulit niyang tanong,  tumango ito..

"Nauso kasi dito,  na ang mga pinoy or pinay ay nagapapakasal...  Pero fixed married lang yun,  depende sa ibang couple na minsan nagkakatuluyan.... " paliwanag nito, 

naisip niya na marahil ganito ang ginawa nang kanyang ate Stella kaya naging citizen na ito sa america....
"Pero,  wala naman po ako kilala na pwede ko pakasalan...  At isa pa natatakot din ako,  paano kung hindi mabait yung pwede ko mapakiusapan... "

"Okay... " napalingon sila kay Jeff,
"I volunteer! "

napatitig si Jane sa sinabi nang kanyang boss at biglang napatayo,
"Sir... "

"Fixed married lang ito Jane,  kaya walang problema...  Aayusin lang natin papel mo,  after magkaroon ka na nang green card at visa bilang citizen dito sa america...  We can divorce! " paliwanag ni Jeff,

"But you need both of you na magsama sa loob nang six months!  Kasi marani magiging tanong ang embassy! " dagdag ni Sylvia....

Tila naguguluhan si Jane,  ngayon kailangan niya magpakasal at ang mapapakasalan ay ang kanyang boss na idolo pa,  hindi naman pwedeng hindi niya gawin ang ganuong proseso.. Lalu at kailangan niya nang trabaho,  kailangan niya pa maiahon ang pamilya sa hirap...
"Jane...  Only fixed married..  Walang mangyayaring masama,  at kung magkakasama man tayo sa iisang bahay...  Maraming kwarto sa bahay ko! "

I Can't Say Goodbye To You (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon