Chapter(23)

131 2 0
                                    

"I can't say goodbye to you"

Chapter :23

"Day 1..." Bulong ni Jane at sinulat sa kanyang notebook...

Ito ang kauna -unahang araw na wala nang sasayanging oras silang dalawa....
"Magluluto muna ako... " bulong niya at bumaba, maaga siya gumising para siya ang maghahanda nang almusal nilang mag asawa... Ngumiti siya,
"Bilang mag-asawa...." Bulong niya at nagsimula na magluto nang mga paborito ni Jeff...

Naalimpungatan si Jeff at dumilat,  napansin niya ang mukha ni Jane na nakatunghay sa kanya....
"Hi.... " bati niya at pumikit muli,  ngunit bigla din siya dumilat at mabilis na nagtakip nang kumot....
"A-anung ginagawa mo dito heart? " tanong niya,

"Bakit parang nagulat ka?  Remember 1st day natin ngayon... "

"Oo nga alam ko yun,  pero-pero bakit andidito ka sa kwarto ko? " tanong ulit ni Jeff, paano kasi ay naka boxer brief lang siya matulog... Komportable siya sa ganuon lalu kapag mag isa lang sa kwarto....

Natawa bigla si Jane....
"Mr. Combs... Baka nakakalimutan mo? Nakita ko na dati yan, kaya nga ako napasigaw nung gabi sa Hotel!" At sinamahan pa ng kindat, napahinto si Jeff ...

Kalalabas lang niya nang banyo, kaya panatag siya na nakahubad nun... Nang biglang may sumigaw kaya agad siya nag tapis at kinuha ang roba at dun nga niya nakita si Jane na nagtatago...

Napailing siya bigla nang maalala yun,
"Kung ganun... Parehas lang pala kami...." Sa isip niya at biglang ngumiti,

"Bakit ka ngumingiti?" Tanong ni Jane,

"Wala..." Napilitan siyang abutin ang kanyang roba,
"Tumalikod ka muna, naka brief lang ako..." Utos ni Jeff, tumalikod naman si Jane... Sinuot niya muna ang roba at tinali na...
"Nagluto ka nang breakfast?"

"Yup! Halika na heart kain na tayo!" Yaya niya,

lumapit muna si Jeff at niyakap siya sabay halik sa pisngi....
"I heart you,  i care you....  And i love you! "

napangiti si Jane at humarap kay Jeff dinampian niya ang labi nito ng isang smack na kiss...
"Kain na tayo.... " sabi niya,  napatango si Jeff at hinawakan ang kamay niya,  ito ang mga pinag usapan nila kagabi....

~

Tanghali sila namasyal,   pumunta sila muli sa park at doon ay kumuha nang bike iisang bike lang at nasa likod siya umangkas...

Nakayap lang siya kay Jeff habang nagmamaneho ito,  basta ang alam lang nila parehas silang masaya sa bonding na ginagawa nila...

"Saan mo naman balak bukas mamasyal? " tanong ni Jeff nakaupo sila sa bench,  hawak niya ang kamay ni Jane at nakahiga ang ulo nito sa balikat niya....

"Kahit saan...  Basta yung mage-enjoy tayo parehas... " sagot nito,  tinitingnan nila ang paglubog nang araw...
"Talaga yatang, mabilis ang araw... " wika ni Jane, 

"Ayaw mo bang bumilis? " tanong ni Jeff,

"Ayoko lang matapos yung araw na magkasama tayo... "

bahagyang tumingin si Jeff sa kanya at hinaplos ang buhok niya...
"Kahit ako,  ayokong matapos yung araw na magkasama tayo... " hindi alam ni Jeff na tumulo na ang luha ni Jane... 
Masyado siyang nasasaktan lalu at tinatago naman niya ang totoong nararamdaman para dito....

"Ready na ang kama natin! " nakangiting sabi niya,  napailing si Jeff at pumasok na sa kwarto...
"Anu kayang magandang panuorin?  Para bago tayo matulog? "

napalingon siya sa sinabi ni Jane...
"Marami akong collection na movie diyan,  hindi lang movie ko... " sagot ni Jeff at naunang pumunta sa kama,  tiningnan muna niya ang cellphone at chineck kung meron siyang tawag....
Nakita niya na puro kay Monique ang missed call kaya denelete niya lahat yun,  at pinatay na ang cellphone....

I Can't Say Goodbye To You (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon