Chapter (29)

110 1 0
                                    

"I can't say goodbye to you"

Chapter :29

"Yes?  What can i do for you? " pansin kasi ni Sylvia na may babaeng nakatayo sa kanyang desk,  humarap ito at ngumiti....  Nung una ay hindi makilala ngunit agad din niya namukhaan...
"Oh my god!  Jane is that you? " napangiti si Jane at yumakap kay Sylvia...

"Opo ma'am ako pa rin ito.... "

"Pwede tigilan mo na nga pag ma'am sa akin, How many times i told you na asawa ka naman nang kuya ko! " bigla siya natahimik at naupo...

"Totoo pala,  hindi kami divorce? " bumuntong hininga si Sylvia at naupo sa tapat niya....

"Actually, huli ko na nalaman yun... Binago pala ni kuya ang contract, kasi ayaw niya na mawala ka sa piling niya.... Jeff really loves you, at naghintay siya nang matagal na panahon..."

Napailing si Jane at tumayo sabay yakap sa sarili...
"Mahal?  Pero two months lang ako nawala,  nakikipag halikan na siya kay Monique? "

nagtaka naman si Sylvia sa sinabi nito...
"Nakipag halikan ang kapatid ko?  Bakit,  kelan ka ba bumalik? " muling nagkibit balikat si Jane...

"2 months lang ako nagbakasyon,  tapos bumalik ako nang California...  Pinagbuksan pa nga ako ni liza yung bagong katulong niya noon, sakto naman na pagpasok ko nakita ko sila sa sofa...."

"Sa bahay mismo ni Jeff? November ka ba bumalik?" Magkasunod na tanong ni Sylvia, napatango siya...

Inisip maigi ni Sylvia yun...

"Kuya... Anu ka ba dapat di ka na kasi pumasok...  Ang taas nang lagnat mo.... " halos pagalitan na niya ang kanyang kuya dahil nagpakapagod ito sa maghapon na meeting....

Napailing si Sylvia,  at pansin niyang sumandal na lang ito sa sofa...

"Hi! " nagulat siya nang makita si Monique na pumasok,

"Anung ginagawa mo dito? " tanong niya,

"May masama ba na pasyalan ko si Jeff? Tsaka mukhang, wala naman misis niya dito!"

Napairap na lang si Sylvia,  at bumalik sa kusina para palitan ang pamunas...
Busy siya nun nang may marinig na pumasok,  pagkalabas niya ay nakita niyang nakaupo na ito sa tabi nang kanyang kuya...

"May,  may tao bang dumating?"

"Wala,  walang dumating... " tumayo na din ito,
"I need to go,  sinilip ko lang talaga siya... " sabi nito at lumabas na,  nagtataka naman si Sylvia pero binalewala na lang at muling lumapit sa kapatid at pinunasan iyon....

Tumulo ang luha ni Jane sa narinig mula dito,  ang mali lang din niya hindi niya muna kasi tiningnan o tinanong si Jeff basta na lang siya umalis nang walang paalam,  nasaktan kasi siya nang sobra kaya yun na lang ang naisipan ang lumayo...

"Hanggang ngayon ba dumidikit pa rin ang babaeng yun? "

"Yup...  Alam ko magkasama sila sa new movie ni Jeff pero tapos na yung taping,  baka sa red carpet.... " lumingon siya kay Sylvia...

"Red carpet? " ulit niya,  tumango ito... Tamang-tama at guest siya doon para kumanta...
"Sylvia, pwede bang...  Huwag mo muna sabihin ito sa kuya mo,  na pumunta ako dito... Actually nagkita na kami sa Las Vegas,  kaso hindi naging maganda pag uusap namin doon... "

"Okay, makaka-asa ka, hipag!" Sabay tawa nito, natawa na din si Jane....

"Salamat... Ngayon, tingnan namin nang Monique na yan kung hanggang saan ang pagiging kontrabida niya sa buhay namin mag asawa!"

Napatingin sa kanya si Sylvia ...
"Ibig sabihin, mahal mo na din si Kuya noon?"

Ngumiti siya dito...
"Natakot lang ako,  lalu at hindi din ako sigurado...  Pero yung six months na pinagsamahan namin...  Maraming nangyari,  maraming naging masayang moments na mahirap kalimutan,  lahat nang pagmamahal na pinakita at pinadama sa akin ni Jeff...  Yun ang the best na naramdaman ko... Mahal na mahal ko siya,  naramdaman ko yun nung araw nang kasal namin... " napangiti si Sylvia,

"Hayy... Kapag nalaman ni kuya yan, lolokohin na naman ako nun.... Sasabihin niya sa akin, hindi siya natalo!" At nagtawanan na silang dalawa...

~

"Kuya! "

"Pasok! " sigaw ni Jeff,

  pumasok naman si Sylvia at may dalang damit para sa kanya...

"Dumating na etong damit na  pinabili mo! Ang aga mo naman kasi umuwi, kaya kailangan ko dalhin dito sa bahay mo..."

"Sige ilagay mo lang diyan,  tinatapos ko lang ito... " sagot ni Jeff, 

pansin niyang nagbabasa ito nang script at ang isang kamay ay parang nilalaro ang ballpen....  Napangiti siya,  hindi na nawala sa kuya niya ang ganung style lalu kapag kabado ito...

"Kinakabahan ka? " tanong nito,  lumingon siya kay Sylvia at binitawan ang papel pati na din ang ballpen... Sumandal siya at bumuntong-hininga...

"Nagkita na kami ni Jane.... "

"Talaga?  Kelan at,  saan? " kunwari niyang tanong pero alam naman na talaga niya ang totoo... Tumango si Jeff,

"Pero ibang-iba na siya ngayon,  at hindi lang yun sikat na singer na siya...."

"Anung balak mo? " tanong Sylvia,

"Well,  hahanap lang muna ako nang time na pag di na ako busy...  Gusto ko na magkalinawan kami, at kung bakit ba siya galit na galit sa akin... "

"Okay kuya!  Ikaw bahala... Maiwan na kita,  kailangan ko na muna umuwi... " tumayo na ito,

"Nag dinner ka na ba? "

"Yup!  Bago ako dumiretso dito... " sagot niya,  niyaya siya kanina ni Jane na kumain... 

Ang totoo wala naman nagbago dito,  madaldal pa din at maraming kwento....  Pero pinaliwanag nito ang naging trabaho niya at kung paano nakatuntong sa pagiging sikat na singer,  at ang isa pa na kinatuwaan niya ay ang pagkain nito nang ice cream....

"Sige kuya...  Gudluck na lang sa Red Carpet bukas,  sayang at hindi ako pwede gusto ko pa naman makita ang movie mo.... " napangiti lang si Jeff,

"Okay lang... "

"Ay,  siya nga pala...  Magiging patner mo ba si Monique bukas?" Bigla niyang tanong,

"Not sure... Kasi, wala ako ka patner... Pero di pa naman sigurado bukas, alam mo naman yun mahilig lang dumikit sa akin..." Napatango siya sa sinabi nito...

"Sige kuya! Bye!" Humalik na siya sa pisngi ni Jeff at lumabas na nang kwarto, muling naupo si Jeff at sumandal...

Hindi na naalis sa isipan niya ang bagong itsura ni Jane, kaya pala MJ initial yun nang name niya na Mary Jane....

~

"Talaga? buti na lang napaliwanag sayo ni ma'am Sylvia!"

Di makapaniwala si Carol sa kwento niya, nasa sala sila at kumakain nang pizza at ice cream.... Nakapag pundar na din siya nang bahay sa state, eto ngayon ang bahay nilang mag bestfriend... Sa california din siya nagpatayo, may dalawang oras ang biyahe mula sa kanila hanggang kela Jeff....

"Kaya nga, mabuti na lang nagkausap kami... Siguro baka hanggang ngayon hindi pa rin malinaw sa akin ang lahat..." Sabay kagat ng pizza,

"Eh, pano yan? Kelan kayo mag uusap?" Bumuntong hininga si Jane...

"May gagawin muna ako, masyado kasi nag enjoy ang Monique na yun porke wala ako eh! Makikita nang babaeng yan! "Natawa si Carol sa inasta niya,

"Mukhang war eto ah!" Natawa na din siya.... Pero talagang nakaisip siya nang magandang plano para bukas, para sa Red Carpet....

I Can't Say Goodbye To You (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon