A/N - Class Picture series was written in 2002. Timeline of these stories revolved around that period. I hope you enjoy them.
**********
P R O L O G U E
"AMOR, ang laki-laki na ng tiyan mo. Hindi kaya manganganak ka na niyan?" komento ni Fatima Mae.
Ngumiti si Amor at hinimas ang maumbok nang tiyan. "Anong manganganak? Sa January pa nga ang due ko, sabi ng doktor."
"January? Hindi ba't sabi mo dati December?"
"Well, iyon din ang akala ko. Pero mabuti nga at January. At least, hindi na nag-aalala si Joel. Alam mo naman iyon, over sa concern kapag itong anak na namin ang pinag-uusapan."
"Nakakapagtaka pa ba iyan? Si Alejo din, ganyan din sa akin, eh."
Tinitigan niya si Fatima Mae. At sa ngiting ipinukol nito sa kanya ay hindi na niya kailangang manghula pa. "Buntis ka na rin, Ting?"
Nangingislap ang mga mata na tumango ito. "Yes. At long last, nakabuo uli. Alam mo naman siguro na nakunan ako dati. Kaya si Alejo, kulang na lang iupo ako sa wheelchair. Halos ayaw na akong pakilusin."
Amor rolled her eyes. "Ang mga lalaki talaga, OA," natatawang sabi niya.
"Ano pa nga ba? Para namang wala na tayong magagawa kapag buntis. Alam mo ba, noong nalaman ni Alejo na buntis ako, kulang na lang ay ipa-cancel ang reunion natin next month. Baka raw ma-stress ako at makasama sa bata."
Napahalakhak siya. "Ganyan din si Joel. Ang laki na raw ng tiyan ko, baka raw mapaanak ako nang 'di oras sa pag-aasikaso ng party. Ayoko nga. Ito na nga ang parang exercise ko since pumirmi ako rito sa Sierra Carmela."
"Exactly. Tumigil na muna ako sa pag-oopisina sa kompanya ni Papa. Kung hindi pa ako magiging busy sa pagpaplano ng reunion natin, baka makunan ako dahil sa boredom at hindi sa stress." Hinagod din ng babae ang maliit pang tiyan. "Seriously, iniingatan ko rin naman itong ipinagbubuntis ko. Ten weeks pa lang ito. Nakaka-trauma din naman iyong nangyari sa akin dati. Ayoko nang makunan uli."
"Basta sundin mo ang lahat ng advice ng doktor at samahan mo ng prayers," payo niya. "Mabuti na lang ako, walang problema sa pagbubuntis."
"Oo nga. Mukhang nagagawa mo pa ngang tumalon."
"Hindi naman. Exaggerated na iyon. O, kumusta ang mga kaklase natin? Marami na bang nag-respond sa mga ipinadala nating invitation?"
Tumango si Fatima Mae. "Excited na nga ako, eh. Remember Lemuel and Joanna Marie? Hindi ba't noong pinaplano natin itong reunion ay sila ang pinag-usapan natin? Aba'y sila rin pala ang nagkatuluyan."
"Talaga?" Natuwa si Amor.
"Oo. Katatawag lang ni Joanna Marie. Darating daw sila. 'Sus, ang dalawang iyon, pang-soap opera ang love story."
"Ikinuwento sa iyo?"
"Hindi masyado, pahapyaw lang. Kapag nagkita-kita na lang daw tayo."
"Ting, sweetheart!" malakas na tawag ni Alejo pagpasok pa lang sa bahay.
"We're here! Nandito si Amor," sagot ni Ting sa asawa. Nasa dining room sila at pinagsasaluhan ang inihanda nitong lasagna habang nag-uusap.
Hinalikan ni Alejo si Ting bago bumaling sa kanya. "Si Joel?"
"Inihatid lang ako rito," sagot ni Amor.
BINABASA MO ANG
Class Picture Series 4 - January For August
Romance"Alisin mo sa isip mo na kaya lang ako nakipaglapit ay para makuha ang gusto ko sa iyo. Hindi pampisikal lang ang hangad ko. I love you so much. I want to share the rest of my life with you." Nakilala ni January si August nang um-attend siya sa reun...