"LYNDON, nag-iisa ka lang bang dumating?" tanong ni January. "Remember me?"
"January Mariano," sagot ni Lyndon at bahagyang ngumiti. "You look the same. Gaya ko at nilang lahat, tumanda lang nang kaunti ang hitsura mo." Tumawa ito nang bahaw bago nilagok ang natitirang alak sa hawak na baso.
"Kumusta ka na?"
"Fine," mabilis na sagot nito. "Aren't you going to ask about Prin?" prangkang tanong nito. "Mula nang dumating ako kanina ay si Princess Grace na ang hinahanap sa akin. Nakalimutan ko na nga kung ilang beses kong sinagot ang tanong na iyon ng: 'Masama ang pakiramdam niya. Hindi niya kayang magbiyahe.'"
Hindi agad nakakibo si January. Ramdam na ramdam niya ang iritasyon sa boses ng dating kaklase. Saglit siyang nag-isip kung mas mabuting iwan na lang niya ito. Para kasing hindi ito ang Lyndon na natatandaan niya na masayahin, parang hindi marunong mapikon, mabiro pero seryoso rin sa buhay. Bakit parang kaseryosuhan na lang ang natira dito ngayon?
"Kumusta ka na?"
Ikinagulat niya ang paglambot ng boses ng lalaki.
"Hindi ka ba natuloy na maging singer? Napapanood ka namin dati sa TV. Lumalaban ka sa mga singing contests. Umabot ka sa grand finals, 'di ba? Nag-absent pa si Prin noon sa trabaho para panoorin iyon. Nalungkot nga siya dahil hindi ka nag-champion."
"T-talaga?"
Tumango si Lyndon. "I guess, kanya-kanya lang ng suwerte ang tao. Look at you. Kahit na sino ang tanungin mo rito, walang magsasabi na pangit ang boses mo. Lahat ay umasa na magiging professional singer ka. Pero hindi nangyari. Kunsabagay, kung ano naman ang expectation sa atin ng tao noon, iyon ang hindi nangyayari."
Hindi alam ni January kung ano ang mararamdaman para kay Lyndon. Parang napakabigat ng problemang dinadala nito. At sa tingin niya, parang mas sa sarili nito sinasabi ang pangungusap na iyon kaysa sa kanya.
Hindi na tuloy niya nagawang kumustahin pa si Princess Grace. Malakas ang pakiramdam niyang hindi na siya dapat magtanong pa.
"Excuse me, Lyndon. May kasama kasi ako. Baka naiinip na. Lumapit lang ako sandali sa iyo para kumustahin ka."
"Okay," sagot nito. "See you around."
I guess you think you really know me. I keep all the secrets you've told me. We're such good friends, that's where it ends. But at night I am dreaming that you hold me...
Kagaya noong high school ay nagtilian ang marami nang pumailanlang ang pamilyar na kantang iyon.
"Parang prom night natin noon, classmates!" ani Amor na may hawak ng mikropono. "Let's all dance!"
Para namang masunuring mga estudyante na pumunta sa gitna ng hall ang mga dating kaklase nila.
Maybe we've known each other too long. You've laughed and you've cried on my shoulder...
"Hindi ba tayo makikisali sa kanila?" tanong ni August.
Napangiti si January. "Iyan ang hindi kasama sa talent ko. Singer lang ako, never a dancer."
"Look at them. Para namang hindi sila sumasayaw. Sweet dance lang naman iyan. Madaling sabayan ang tugtog."
"Are you inviting me?" she asked.
Tumango ang lalaki. "May I?"
Huminga siya nang malalim. "This is my first time."
Namilog naman ang mga mata nito. "Really?"
"Yes."
"Wow! Ako naman yata ang may edge sa iyo ngayon." Inilahad nito ang kamay. "Come on. Madali lang sayawin iyan."
BINABASA MO ANG
Class Picture Series 4 - January For August
Romance"Alisin mo sa isip mo na kaya lang ako nakipaglapit ay para makuha ang gusto ko sa iyo. Hindi pampisikal lang ang hangad ko. I love you so much. I want to share the rest of my life with you." Nakilala ni January si August nang um-attend siya sa reun...