CHLOE'S POV
Sunday
Gabi na ng matapos kami sa practice ng banda. Nagreready na rin kaming umuwi nang biglang magsalita si Liz.
Yes, si Lizzy Sobremoñes. my bestfriend since highschool. though nagkalayo man kami ng school sa college hindi naman nawala communication namin. Siya ang dahilan kung bakit ako nandito sa pagbabanda. nirecommend niya ako sa banda niya kaya naman kahit papaano naging part time ko na to.
"Wait guys'. hintayin natin si Marc. may sasabihin siya sa atin before we go. oh ayan na siya"
"Sinabi mo na ba love?"
"Hindi pa love, Ikaw na magsabi. hehehe"
"Ok, guys. tomorrow evening byabyahe tayo. may offer sa atin and this time mas malaki ang kita. get ready for 1 week trip to tagaytay."
"Ayos! tagaytay bro! cool. go ako diyan." si Jonas lead guitar ng banda na tuwang tuwa sa narinig
"I'm in." si Gab Bass guitar namin
"oh ikaw bhez?" baling sa akin ni Liz
"Di ko alam. biglaan naman ata yan Marc?"
Dati Rati kasi kapag tumutugtog kami hindi ganitong biglaan. Hindi ko tuloy alam kung paano ako magleleave ng isang linggo sa trabaho ko.
"biglaan lang din request nila. at tsaka isa pa nakapag oo na ako sa pinsan ko. nirequest niya sa akin kung pwede tayo ang tumugtog sa hotel na pinapangalagaan niya sa tagaytay at sakto din na nagpatulong yung kaibigan ng pinsan ko na humanap ng entertainer na tutugtog din sa birthday ng kaibigan niya sa tuesday. all set na lahat.
all set na agad wow ah. ang bilis ah. haay ano pa magagawa ko eh di magleleave nalang ako. Bahala na si batman sa trabaho ko sana lang payagan ako.
Napabuntong hininga nalang ako sa isiping mawawala ako nang isang linggo sa trabaho. pero pera din naman tong pupuntahan namin eh at mukhang mas malaki pa kaysa sa sahod ko nang isang araw sa Office.
"Bhez. magleave ka nalang, depende nalang din kong papayagan ka ng boyfriend mo."
"Oo na magleleave ako. wala naman na akong choice eh."
"Eh paano si bf? kung ako sayo wag ka ng magpaalam. uhmmmpff. sana mauntog ka."
"Bhez ha. tigilan mo ko. pupunta na nga ako di ba. dami mo pang satsat diyan eh." sabay irap ko sakanya.
"Love that's enough baka kung saan pa mapunta yan eh. So, okay na tayo dun? For your information guys magsstay tayo sa rest house namin well sa pinsan ko nga lang nakapangalan. I will make sure na mageenjoy kayo doon."
" Yun eh kung may mga chicks pre. hahaha." komento ni Jonas na todo ngisi pa.
"Oo nga pre, alam mo na hindi pwedeng walang chicks" ngingisi ngisi ding dagdag ni gab sa sinabi ni Jonas.
haay naku lalaki nga naman oh.
"Hahaha kayo talaga. Bahala kayo sa buhay niyo doon. basta ako mageenjoy akong kasama tong mahal ko."
"Hahaha" tawanan ng lahat ngisi ngisi lang ako sa tabi habang nililigpit ang mga gamit ko.
"Dapat lang nuh, wala kang dapat na tignan na iba kundi ako lang." sinabayan pa ng malaking ngiti sa labi niya at ayun nanaman ang kasweetan nilang magsyota. halos lagi lagi.
" Hooy Bhez tigilan niyo na yan dahil masyado na kayong PDA. Hindi man lang mahiya sa amin, sus maryosep kayo." singit ko sakanila habang naglalambingan.
"Halah ayan nanaman. hahaha. pre uwi na kami baka maarmalite pa kami tong dalawang babae. Hahaha bahala ka na diyan umawat sa kanila. hehehe." si jonas na paalis na kasama si Gab
"Loko. sige ingat kayo pre." paalam ni marc sakanila.
tanging tungo lang naman ang sagot namin ni liz at tsaka niya ako binalingan.
"Inggit ka lang kasi bhez, eh paano yang bf mo nawawala pagkasweet ayan tuloy unti unti ka nang bitter."
"tssk."
Naglalakad na kami palabas papunta sa sasakyan ni marc. Hindi ko na inimik pa si liz, ipamukha pa talaga sa akin na hindi na ganun ka kasweet si vince. haay huwag naman sana.
"Love wait niyo nalang ako diyan kunin ko lang yung kotse okay. Chloe sabay ka na samin kung di ka masusundo ngayon."
"Oo sige." sagot ko . Tsaka kami tinalikuran ni Marc papunta sa parking lot kung saan nakapark yung kotse niya.
"Bakit naman daw di ka niya masusundo aber? busy nanaman ang boylet mo?" nakangusong pang tanong niya sa akin.
Dapat ba akong magtampo dahil super busy na niya magmula nang magwork siya sa kompanyang pinasukan niya. hindi narin kami nakakapagkita hanggang txt or tawag nalang pero hindi rin nagtatagal. kung magkikita naman kami once a week lang depende sa free time niya. Noong una gusto kong maghinala na may iba siya pero kapag tinatanong ko siya sa bagay na nagdududa ako, ang tanging sagot niya lang eh wala, dahil ako lang daw yung nagiisang babaeng mahal niya at wala na siyang hahanapin pa. Bagay na pinanghahawakan ko at dahil na rin siguro kapag nagkikita kami pinaparamdam niya kung gaano niya ko kamahal kahit pa hindi siya showy sa feelings niya sa akin pero kapag kami lang dalawa doon niya nilalabas ang pagkasweet niya sa akin. Isa na rin siguro ito sa mga bagay na ayaw ni Liz sakanya. Pero kahit ganon alam kong di ako sasaktan ni vince.
Hindi ko na nasagot ang mga tanong ni Liz sa akin dahil naglakbay ang utak ko kung saan saan. Pero sa pagulit niya ng tanong doon lang ako natinag dahil sa lakas ng pagtapik niya sa braso ko.
"Ha?" tanging sambit ko sakanya na mataman kong tinignan.
" Anong ha? ok ka lang ba Bhez? tinatanong kita kung bakit wala siya. haler sunday ngayon at wala silang trabaho." sigaw niya sa akin habang nakahalukipkip.
"May trabaho siya. May kinocover silang wedding ngayon and kailangan siya doon." sagot ko sa tanong niya .
"Kahit sunday? grabe tapos ok lang sayo? tumango tango lang naman ako sakanya bilang sagot.
"Hind ko alam kung anong klaseng relasyon ang meron kayo ni Vince. mahal mo ba talaga siya? o mahal ka ba talaga niya at okay lang na hindi kayo magkita ng ilang araw.? kung ako yan kasi mababaliw ako sa pagkamiss mamatay ako pag nangyari sa amin ni Marc 'yan.
"Eh kaso po hindi ako ikaw at hindi kami kayo kaya magkaiba tayo okay? nandiyan na si Marc umayos ayos ka sa akin at baka pati si Marc pektusan ko pag nagkataon." pagbabanta ko sakanya.
"Hahaha. pikon si Bhez kasi totoo. Fine mananahamik na ako pero not forever, ngayon lang dahil ramdam kong talo ka na sa akin. heheheh." tatawa pa niyang sagot.
pinarada ni marc yung sasakyan niya sa harap namin saka kami pinagbuksan isa isa ng pintuan. wala ng kibuan ang nangyari hanggang sa maihatid ako sa bahay namin. Nagpaalam ako sakanila. si Liz naman bumaba ng kotse saka ako hinarap.
'huk~ hinug niya ako tsaka siya nagpaalam sa akin.
kahit ganun siya ka hard sa akin alam ko naman na di niya ako matitiis. ako lang nakakatiis sakanya.
BINABASA MO ANG
Save me, I'm Falling...
RandomTwo people that fell in Love in the wrong place at the wrong time. A simple girl who lives a simple life, happy and contented but everythings changed, her feelings for his Boyfriend bacame cold until the time that she has fall out of love and reali...