LIZ POV
Nagugulat ako sa sinasabi nitong lalaking pinakilala sa amin ni Marc dito sa table namin. Girlfriend? Sino si Chloe, gusto ko nalang matawa sa sinasabi niya pero hindi ko magawa. Nakakagulat naman kasi pati ‘tong pinsan ni Marc na si Darvien tinawag pang Babe si Chloe. The last time I checked badtrip siya sakanya and now my endearment na silang naririnig ko. Ang mas lalong pinagtaka ko nung tinanong ni Matt kung talaga bang Boyfriend niya si Darvien at sumagot nang oo itong loka lokang babaeng ‘to doon ko siya sinirangan nang tingin si Chloe, huh! Gets na niya siguro iyon. Kung pati sila hindi makapaniwala mas lalo na ako dahil alam ko mismo na hindi mangyayaring Boyfriend niya si Darvien, hhayy how I wish na sana totoo nga pero hindi eh, May boyrfriend si Chloe at hindi si Darvien ‘yun. pero bakit umu-oo si Chloe na Boyfriend niya si Darvien. May nangyayari talagang hindi ko alam. Lagot ka sa akin Bhez.
Ikinagulat pa namin ngayon ‘yung mga action ni Darvien, hindi ko inaasahan na hahapitin pa niya sa beywang si Chloe na para bang mawawala siya sakanya. Gusto kong matawa sa nakikita ko ngayon pati sa pinapakita at sinasabi ni Darvien kay Bhez. Pero mali ‘to eh, kasi may boyfriend si Chloe, baka mamaya dahil dito masaktan siya. Kinain at nilunok na ba niya ‘yung sinabi niya sa akin kanina? ang bilis naman. Pero hindi eh, nagpapanggap lang ‘tong mga ‘to. Malakas ang kutob ko. I know my bestfriend hindi niya magagawang iwan si Vince kahit pa ilang beses ko nang hilingin at ipagdasal na sana magbreak na sila ni Vince, or pareho silang mauntog tapos marerealize nilang hindi pala nila mahal ang isa’t isa. Uh.. bahala na. Kailangan parin ni Chloe na iexplain lahat ng ‘to sa akin mamaya.
“Hindi na tayo tutugtog diba.?” tanong ni Chloe na bumasag sa katahimikan, pano kasi nakatuon lang ang paningin namin sakanilang dalawa na hanggang ngayon hindi pa naghihiwalay talo pa kami ni Marc Love ko. Kung makapaglandi lang eh, oh well pagbigyan dahil wala ang Vince niya na boring ang buhay. After this magpapaliwanag sa akin si Chloe.
“Wala na bakit kasi Chloe.?” Takang tanong ni Jonas sakanya.
“Pwede umuwi na tayo.? Masakit na din kasi ‘yung paa ko.”
“Sobrang sakit ba? Iuuwi na kita para matignan ko nang mabuti ‘yang paa mo” sabat naman ni Darvien habang hawak hawak parin ang kamay ni Chloe. Abah! Boyfriend na Boyfriend ang dating and consistent ang hawak ah, grabe. Bilib na rin ako sakanya and aaayyy!, ang sweet concerned lang ang lolo mo, pero parang gandang pakinggan pagkakaconcerned niya. hahaha. If only you could see Chloe right now. Masasabi kong hindi niya ito maitatago sa oras sabihin nilang namumula ang pisngi niya. Ang cute talaga ni Bhez.
“hahaha” malakas na tawa ni Marc sa tabi ko na sinundan din nila Jonas at Gab. “Sige uwi na tayo pero itutuloy natin doon ‘yung inuman mga pare, Insan, huwag kang tatakas marami kayong dapat sabihin sa amin.” Sabay akbay ni Marc kay Darvien habang ngitngiti niyang sabi.
Nagpaalam sina Marc and Darvien kay Matt ganon din kami. “Chloe right?, Nakalimutan kong sabihin ang ganda pala ng perforamance niyo kanina. To tell you honestly nakakainlove ang boses mo. you got my attention, I hope to see you again” sabay kindat niya kay Bhez. Haba nang hair! Bongga kulang nalang maging Rapunzel ‘tong bestfriend ko.
“Huwag kang asa Matt, walang see you again ang mangyayari.” Sabay hila ni Darvien si Chloe palapit sakanya tsaka niya hinalikan sa ulo. Kyaaaah! Hindi ko na matake lahat nang nakikita kong ginagawa ni Darvien. Ang haba haba na talaga nang hair ng bestfriend ko hahaha. Pwede bang kantahin ko ngayon ‘yung commercial nang Rejoice, hahaha. ‘lalalala haba nang hair’ Kung titignan mo ngayon si Bhez akala mo kung namunga ng kamatis ang mukha niya. Ngayon lang siya naging ganyan ah, never ko pang nakita siyang ganyan kapag kasama niya Vince. Hahaha weird ng Bhez ko. Maganda naman kasi siya eh, hindi nga lang halata hindi niya lang pinagtutuunan ang sarili niya sa pagpapaganda, basta maayos siyang tignan ok na. Siguro kung inalaagan nito yung kutis niya, yung katawan niya lahat maraming magkakandarapa dito sa bestfriend kong ‘to.
BINABASA MO ANG
Save me, I'm Falling...
De TodoTwo people that fell in Love in the wrong place at the wrong time. A simple girl who lives a simple life, happy and contented but everythings changed, her feelings for his Boyfriend bacame cold until the time that she has fall out of love and reali...