CHLOE'S POV
Naiilang ako sakanya hay! Ewan ko ba pero naiinis din ako kasi lumalayo na nga ako andiyan parin siya. Mahaheart attack na ata ako nito eh. Oo aminin ko na gwapo siya pero gwapo din naman si Vince eh, mas lamang nga lang itong lalaking kasama kong naglalakad ngayon. Panigurado sa itsura nitong lalaking to marami nang babaeng naloko at marami pang malolokong babae. Teka pake' ko ba kung madami na siyang nalokong babae.
Dahil nga hanggang balikat niya lang ako tumingala ako nang tingin sakanya. grabe ang seryoso nang mukha, pero gwapo. Bakit ba nakakunot ang noo nitong lalaking to habang naglalakad. Napalingon naman ako sa mga babaeng nadadaanan namin halos mabali leeg nila at magspring ang mga mata nila sa kakatingin dito sa kasama ko. Iba talaga kagwapuhan nitong lalaking 'to eh.
Natinag lang ako nang magsalita siya sa tabi ko "Saan ka ba pupunta?Kanina ka pa naglalakad eh, tssk." Sambit niya sa akin na mukhang naiirita na siya sa kakalakad
"Kung saan ako dadalhin nang mga paa ko malamang." I said in a sarcastic way. Sininghalan niya lang ako saka niya ako hinila sa kamay paupo sa isang bench. Doon ko lang din napansin na nasa isang park kami. May mga batang naglalaro sa mga swings at slide na katabi nang Basketball Court.
"Anong tawag niyo dito? Mini Park?" Panimula ko, nang wala akong makuhang sagot galing sakanya unti unti ko siyang tinignan.LUNOK..oh gosh!Nagtama ang paningin namin. Nakatingin lang siya sa akin nagiwas ako ng tingin. Bakit ba kasi ganon nalang siya makatingin. Sheteymen! nakakapatay ang titig nito. Narinig ko ang konting pagtawa niya kaya binalingan ko siya na nakakunot ang noo ko. Ngayon naman nakangiti siya hindi katulad kanina na seryoso ang mukha habang titig na titig sa akin. Ano bang trip nito?
"Bakit?" taas kilay kong tanong sakanya.
"Wala, nakakatawa lang 'yang mukha mo" then he laughed at me. Hinampas ko siya nang pagkalakas lakas, nakakainis ano ako clown para sabihing nakakatuwa ang mukha ko. Bumilis yung tibok ng puso ko ng ilapit niya ang mukha niya sa mukha ko. Sobrang lapit na konting pagkakamali ko ulit nang galaw baka magtama naman ang labi namin. Bakit nga ba ang bango bango niya. Naamoy ko 'yung pabango niya. Hindi ko alam pero mulat na mulat ang mata ko, naduduling nadin ako sa sobrang lapit niya sa mukha ko.
"Masakit 'yun,wala pang sino mang babaeng hinampas ako nang katulad nang ginawa mo. Alam mo ba 'yun?" seryoso niyang sabi, kaya naman kinabahan ako sa biglaang pagseseryoso niya habang ang lapit lapit parin ng mukha niya sa mukha ko. Amoy ko din ang bango at ramdam ko ang init ng hininga niya. Shocks! Magkaka-hallucinate ata ako nito. bago pa man ako hindi makahinga nang maayos inilayo na niya ang mukha niya sa akin. Nakahinga naman ako ng konti, pero sobrang bilis parin ng tibok ng puso ko. Ewan ko pero kakaiba. Bwisit kang lalaki ka. Tinalikuran ko nalang siya saka naglakad pabalik sa bahay nila o bahay niya. Whatever! Nanginginig pa nga ako sa kaba dahil sa ginawa niya.
"Hoy sandal!." Sigaw niyang tawag sa akin.
Hindi ko siya pinapansin at nagtuloy tuloy lang ako sa paglalakad hanggang sa makarating kami sa bahay nila. Ayun at ang mga kabanda ko wala parin kaya naman kami ulit ang magkasama pati si Liz wala pa. Bwisit! naman asan ba kasi sila. hindi man lang nila ako sinama at iniwan pa ako dito sa lalaking 'to.
"Hoy!" kalabit niya sa akin.
"Ano!" bulyaw ko sakanya, sa totoo lang hindi siya nakakatulong. Gusto kong lumayo sakanya. Naninikip ang dibdib ko sakanya, para akong magkakaheart attack kahit wala naman akong sakit. Tssk.
"Bakit ka naninigaw?"
Hindi ko na sinagot pa ang tanong niya. Tinalikuran ko na siya tsaka pumasok sa bahay nila pero bago pa ako makahakbang sa hagdanan hinila na niya ang kamay ko paharap sakanya.
"kinakausap kita." Kunot ang noo niya sa akin. Marahas kong hinila yung kamay ko na hawak niya.
"Bakit ba?!" singhal ko sakanya. Uhmmmpf. Then, I looked at him naku, galit ang itsura niya. Okay. So? kong galit siya.
"Alam mo bang ikaw lang nakakagawa sa akin nito ha? First of all Miss. I saved you from falling on the stairs. You didn't even bother to say thank you, ah yeah! I heard you said that magic words but not in a nice way. Second ginamot ko 'yang paa mo, Third Hinampas mo ako sa balikat, masakit 'yun. You want me to try it to you and let's see if how you're going to react, and you even scolded me. You are unbelievable. Uulitin ko ulit sayo, wala pang sinong babaeng nanakit sa akin." galit niyang sambit, hindi man pasigaw ang ginawa niya pero ramdam ko 'yung galit.
Hindi ako nakapagsalita. Bigla atang umurong dila ko dahil sa nakikita kong galit niya ngayon. Yung mga mata niya nanlilisik na parang nilalamon ako ng titig niya at halos magsalubong na 'yung kilay niya. Kasalan ko ba? eh, I have reasons kung bakit ko naman nagawa iyon?.
Idedefend ko na sana ang sarili ko nang may biglang umubo. Napatingin agad ako sa pinanggalingan ng umubo. Laking gulat ko dahil lahat sila nandoon nakatayo na nanunuod lang sa amin.
Napatingin naman ako sa mukha ngayon ni Darvien titig na titig pa din sa akin. Kahit sulyap man lang sa umubo kanina hindi niya ginawa. Okay. back off Chloe. Ano ako ngayon, napatiklop ako nitong lalaking 'to.
Unti unti siyang lumapit sa akin "badtrip ka!" madiing bulong niya saka naglakad sa hagdanan pataas sa second floor nang bahay nila.
Natameme ako doon. Hindi ako makagalaw sa kinatatayuan ko ngayon. Naestatwa lang ako sa kinatatayuan ko. Saka lang ako bumalik sa ulirat ng may humila sa dulo ng buhok ko.
"Halah ka lagot ka." panimula ni Liz. oo siya lang naman ang mahilig maghila ng hibla ng buhok ko.
"Tsk, tssk, mukhang badtrip na badtrip sayo, ano kasing ginawa mo?" sinamaan ko naman siya nang tingin, kasalan ko pa ngayon. Anong gagawin ko nainis lang naman ako sakanya eh. Masyado naman kasi siyang presko. Bakit kasi nilapit lapit niya ang mukha niya sa akin. Sinong matinong tao ang gagawa 'nun, kailangan ba kasing ilapit ang mukha niya sa mukha ko . 'Tsaka pinagmukha niya akong clown kanina eh. tssk.
Pagkatapos nang scene na iyon kanina, bumungad ang isa sa katulong nila at sinabing nakahain na ang pananghalian. Tahimik lang ang lahat habang kumakaen.
"Manang pakidalhan nalang ng pagkaen si Darvien sa kwarto niya." sabi ni Marc sa katulong nila.
"Ah sir, sabi niya hindi daw siya kakaen at 'tsaka umalis po siya, kaalis lang po niya" sagot 'nung katulong na nagseserve sa amin nang pagkaen sa mesa.
"ganon ba? sige salamat."
"sige po sir" tumango naman si Marc saka tumingin sa akin.
"Chloe, will you talk to him later? Kinausap ko na din siya kanina eh. Kaso talagang badtrip parin siya, ano ba kasing nangyari kanina sa inyo?."
"I will, I've been so rude to him. I'm sorry" naguiguilty kong sabi.
"Bhez, just say sorry." Singit ni Liz sa amin. Nagsisagot din ng "oo nga" sila Gab, Jonas.
Lahat naman sila naghihintay kung anong isasagot ko.Huminga ako ng malalim tsaka ko sila tinignan isa isa.
"Okay, I was wrong. Alam ko naman yun guys. I will say sorry to him later. Kapag nagkaroon ng pagkakataon na makausap ko siya.
Ano pa bang magagawa ko eh di ako ang magsosorry.
OO alam ko may Mali naman ako eh. Hindi dapat ganon ang inasal ko dahil nga nakikitira lang kami ngayon dito. Hindi ko rin naman alam na sa simpleng bagay pala na 'yun magagalit siya. Malay ko din ba na mababa lang ang kordon nung lalaking 'yun.
Nasa tapat na ako ngayon ng kwarto ni Darvien na tinuro sa akin ni Marc kanina. Kinakabahan ako baka makita ko ulit yung galit niyang mukha. Nagagalit din naman sa akin si Vince pero hindi yung katulad ni Darvien na sa titig niya palang parang gusto mo ng magtago dahil sa takot.
Huminga ako ng malalim bago ako kumatok. Nakailang katok na ako sa pintuan niya pero wala paring sumasagot o nagbubukas man lang. Baka galit pa siya Chloe. Tsaka ko nalang siya kakausapin kapag lumabas na siya at makita ko siya. Umalis nalang ako doon at nagpunta na ng kwarto ko. Inihanda ko muna ang susuotin kong damit bago ako humiga para umidlip ng konti para mamayang gabi na gig namin. Birthday celebration daw 'yung unang gig namin at 'yun ay mamayang gabi na. Susunod naman sa Hotel na balita ko kami ang tutugtog doon nang 2 gabi.
BINABASA MO ANG
Save me, I'm Falling...
عشوائيTwo people that fell in Love in the wrong place at the wrong time. A simple girl who lives a simple life, happy and contented but everythings changed, her feelings for his Boyfriend bacame cold until the time that she has fall out of love and reali...