PART 2

17 4 0
                                    

  CLHOE'S POV

- KINABUKASAN -

Monday.

Nagising ako sa alarm clock na nakapatong sa side ng table ko. Pinatay ko ito at‘tsaka tinignan  yung cellphone sa tabi ng kama ko. Napangiti naman ako agad ng makita kong may message si Vince sa akin agad kong binuksan iyon.

-Message- Vince (Hon ko)

'Goodmorning Hon. I Love You. magbreakfast ka na before you go to work. Sorry di na ako nakatawag kagabi hope you understand Hon. I Miss You so much.'

Pagkatapos kong basahin yung message niya agad kong dinial yung Number niya.

KRIIIING KRIIIINGG

"Hello Hon. Good Morning." bati ko sakanya. 

"Goodmorning din Hon." halatang kagigising palang niya.

"Sorry nagising ba kita sa tawag ko?"

"No Hon, medyo puyat lang kasi ako. nagbreakfast ka na?"

"Hindi pa kagigising ko lang din eh. may work ka ba ngayon?"

"Yes Hon. meron. hmmmm why?"

"Ah wala, nga pala Hon. I won't be here for the whole week, magpapaalam lang sana ako kasi this night byabyahe kami sa tagaytagy kasama ko ang banda."

"What? ang layo nun Hon ah. Paano yung work mo niyan kung 1 week kang nasa Tagaytay?"

"Magleleave muna ako ng 1 week Hon, kailangan ko din naman to,sabi ni Marc malaki ang kikitaen namin dito."

"I guess di mo na kailangan magpaalam, magpaalam ka man o hindi pupunta ka parin kahit hindi ako papayag." nasa tono niya ang pagtatampo.

"I'm sorry Hon. 1 week lang naman eh. huwag ka ng magtampo diyan oh. I love you Hon."

"Hindi! ayoko Huwag kang pumunta, malayo ‘yun. Tsaka makakasama mo mga lalaki ng 1 week. No I won't let you."

"Hon. Hindi lang nman mga lalaki ang kasama ko eh kasama ko naman doon si Liz."

"Bahala ka sa buhay mo. pumunta ka kung gusto mo." pagkasabi nun sa akin ay binababaan na niya ako.

nakakapanlumo naman ang ganito ayaw niya pero kailangan kong pumunta dahil kailangan ko din naman toh. haaay. Bahala na kung magalit siya ngayon subukan ko nalang siyang tawagan mamaya. 

Nilapag ko na yung cellphone ko sa kama saka nagtuloy tuloy na sa pagligo at ayusin sarili ko para pumasok sa trabaho. Paglabas ko ng kwarto nakita ko na agad si Mama na nagaayos ng sarili sa salamin at mukhang may pupuntahan.

Ang aga namang lakad yan.

Nang matapos siya sa pagaayos ng damit niya sa salamin ay humarap siya sa akin

"Kumain ka na diyan. Ikaw na bahala asikasuhin sarili mo, may kailangan akong asikasuhin.  yung pangalan ng kuya Jeff mo para sa trabaho niya. Kahapon pa ako kinukulit kung kelan ko aasikasuhin eh wala pa naman akong pera." sabi niya habang inaayos yung bag niya paalis.

"Bakit kasi hinahayaan niyong kayo ang magayos niyan? Malaki na siya Ma, kung ikaw lang din ang gagastos wag mo nang asikasuhin may trabaho naman yun dapat lang na magbigay siya ng panggastos sa paglalakad mo ng papeles. Masyado mo kasing iniispoil si kuya Ma eh."

"Eh sa wala din siyang pera daw, kailangan niya din naman to pagdating ng araw."

"Walang pera? kalokohan na yan Ma."sagot ko kay mama. "oh well ano pa nga ba eh siya ang paborito eh." mahina kong sagot para hindi niya marinig ang sinabi ko.

Save me, I'm Falling...Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon