CHLOE”S POV
KINABUKASAN
Maaga akong nagising hindi katulad ng mga kasama ko na mahimbing pa ata ang tulog dahil sa puyat.
Lumabas ako ng bahay nila Marc naglakad lakad hanggang mapunta ako sa pinaka main gate ng bahay. Hindi ko napansin to kagabi. Ngayon na maliwanag, kitang kita ko ‘yung ganda ng paligid. Napapalibutan ito ng maraming halaman at bulaklak na talagang nagpaganda sa pambungad ng gate nila. Mahaba haba ang daan bago ka makakapasok sa magarbong bahay na tinutuluyan namin. Talagang pang mayaman ang dating.
Habang nagmumuni muni ako, Naisip ko tuloy si Vince at tinignan ko yung phone ko na wala paring text o tawag man lang galing sakanya. Napanguso nalang ako at naglakad lakad hanggang sa may madaanan akong hagdanan pababa. Bababa sana ako para tignan kung anong meron doon pero biglang may nakita akong asong palapit sa akin. Kinabahan ako ng sobra sobra na baka bigla niya akong sakmalin.
"aw aw aw aw"
"Shet anong gagawin ko. tatakbo o ano."
Wala akong nagawa kondi ang umatras pa lalo dahil nakikita kong papalapit ng papalapit sa akin yung aso. Malapit lapit na ako sa dead end dahil hagdanan na ang nasa likod ko. Sa sobrang lapit na nung aso sa akin napaatras pa ako lalo.
"boooghzzz....."
LUNOK
Ayan katangan ba ang tawag dito? Nahulog ako, pero hindi sa lupa. Nahulog ako sa ibabaw ng isang lalaki. Lalaki?!! Oh my Golly… paggalaw ko ng ulo ko LUNOK, hindi ko sinasadya bigla nalang nagtama ang mga labi namin. Sa sobrang gulat ko nanlaki ang mata ko at nagkatinginan lang kami sa isat isa dahil sa gulat. I'm kissing a stranger waahhhhhh, tapos dikit na dikit pati katawan. Naloloka ako bumibilis ang tibok ng puso ko dahil sa pangyayaring ito. Matagal bago ako nakarecover ng biglang tumahol na yung aso sa tabi namin. Agad akong tumayo at inayos ang sarili ko. Hindi ako makatingin sakanya dahil sa kahihiyan gusto ko nalang tumakbo pabalik sa bahay. pero pag apak ko ng kaliwang paa ko.
"Ouchh" bulalas ko. sheteeeyyy! anong nangyari ang sakit nabali pa ata paa ko ah.
"You okay?"
Hahawakan na niya sana ako pero lumayo ako sakanya. "ah okay lang ako." matabang kong sagot habang di siya tinitignan. Nahihiya ako ng dahil sa nangyari at the same time para akong maghahypervintilate nito. Nagmadali akong umalis palayo doon. Ininda ko lang ang sakit ng paa ko makalayo lang sa lugar na iyon. Bakit naman kasi lumabas pa ako eh. Hindi mangyayari sa akin ito kung nagstay nalang ako sa loob ng kwarto ko at hinintay magising mga kasama ko. But wait, infairness ang gwapo niya, hindi ko man masyadong nakita ang buo niyang mukha pero the way his eyes look, masasabi kung napakagwapo niya, plus ang bango niya.
"Oh anong nangyari sayo Bhez?" pambungad na tanong sa akin ni Liz pagkapasok ko ng bahay na iika ika. Gising na pala silang lahat at nakaupo sila sa sofa habang hinihintay ang sagot ko
" Ah wala. may aso kasi kanina eh ayun nahulog ako."
"Nahulog ng hindi man lang tinitignan kung ano na yung inaatrasan"
LUNOK. at nasa likod ko na pala yung lalaki. Nanlalaki yung mga mata ko nang makita siya sa bungad nang pintuan. Sinundan niya pa ako, teka sino ba tong gwapong lalaking to. Nakakainlove, wait no! kung makapaglandi lang eh parang wala akong boyfriend.
"Oh Insan." masayang bati ni Marc sa lalaking ngayon ay nakatayo sa bungad nang pintuan. "nagkakilala na kayo? anong nangyari sa kamay mo? bakit magkasama kayo ni chloe?" Nameet mo na pala pinsan ko chloe?" sunod sunod na tanong ni Marc.
"Pinsan? Siya yung pinsan mo Marc?" gulat na tanong ko
"Oo"
"tssk." dinig kong singhal niya, at ngumisi.
BINABASA MO ANG
Save me, I'm Falling...
SonstigesTwo people that fell in Love in the wrong place at the wrong time. A simple girl who lives a simple life, happy and contented but everythings changed, her feelings for his Boyfriend bacame cold until the time that she has fall out of love and reali...