PART 7

12 5 0
                                    

CHLOE’S POV

Buti nalang natapos na yung last song namin nung biglang sumakit yung paa ko, muntik na akong matumba doon ah. Buti nalang lumapit ako kay Gab Napakapit tuloy ako sakanya. Hindi na talaga kinaya ng paa ko yung sakit.

“Oh, ok ka lang.?” tanong ni Gab sa akin habang inaalalayan parin ako sa pagbaba ng stage.

“Oo, ok lang biglang sumakit lang ‘yung paa ko.” Sagot ko sakanya.

Ganon din naman ‘yung mga tanong sa akin ng mga kabanda ko pati si Darvien ganon din ang tanong na talagang inabangan kami na matapos. Halata na din kasi na parang iba na ‘yung lakad ko. Nakaupo na kami ngayon sa table na pinagdalhan sa amin ni Darvien. Pinakilala kami isa isa ni Marc sa kaibigan nilang nakaupo ngayon sa table din namin.

“So you are Darvien’s Girlfriend huh,” di ko sinasadyang maibuga ko yung iniinum kong tubig. Shockings, nakakahiya kaya yun. Buti nalang walang natamaan.

“You okay?” Tanong sa akin Darvien na katabi ko lang, binigyan niya ako nang tissue tsaka niya hinagod ang likod ko, para kasing may bumara sa lalamunan ko. Ikaw kaya tanungin nila nang ganyan, hindi ka kaya maumid sa ginagawa mo.

“Hahahah, Nice to meet you I’m Matthew Salleda.” Lahad niya nang kamay sa akin. Aabutin ko nasana ‘yung kamay niyang nakalahad ng biglang hinawi ni Darvien ang kamay ni Matt palayo sa akin. Mataman kong tinignan si Darvien na masama ang tingin kay Matt.

“Hahah. Easy dude hindi ko aagawin girlfriend mo”

Sa sinabi ni Matt namilog ang mata ng mga kabanda ko sa akin, Tinignan ko naman si Darvien ng nakakapagtatakang look. Sinong hindi magugulat sa mga sinasabi nang Matthew na ito sa harapan namin. Hello? I have no idea kung anong nangyayari.

“It seems like they don’t know that you are in a relationship with her Darvien, Look at their faces. Tell me? Are you just making me jealous? Ha?”

“No? Stop dreaming that I’m making you jealous. Excuse me, Babe Let’s go dance with me.” Sabay hila niya sa kamay ko palayo sakanila. Ano daw girlfriend? Ako girlfriend niya. Nagpapatawa ka ata Darvien, at ano to hilaan factor? Hindi ko kayang iabsorb lahat ito, did he just call me Babe? Ang dami nang tanong na nagsisilabasan sa isip ko, pero wala akong makuhang sagot. Where are the answers?               

Iginaya niya ako sa gitna tsaka hinapit palapit sakanya. Nasusufocate na ako, Tssk. Ano bang  nangyayari? Bakit niya ako tinawag na Babe? Nagugulat ako sa kinikilos nitong lalaking ‘to. Kanina kung magalit wagas pero ang babaw naman ng rason, tapos ngayon naman tinawag niya akong Babe, tapos hinila nalang ako sa gitna para sumayaw at ngayon sa sobrang dikit nang katawan niya sa akin, para akong mahihimatay. Mataman ko lang siyang tinitigan, ganon din siya. and I saw his eyes, Shiz!, ang ganda nang pilikmata niya. Back to reality, Kailangan mong makakuha nang sagot.

“Masakit pa ba ang paa mo?” I nodded and he continued talking “That shoes, looks perfect on you” saad niya. Naguguluhan ako sakanya, kanina badtrip ngayon bakit bumait, di ba dapat galit pa siya sa akin, ang weird.

“Bakit ano ‘yung mga sinasabi nila doon, ano ‘yung girlfriend thing na naririnig ko sa mga bunganga nila.” Diretso kong tanong sakanya. He tooked a deep breath.

“tssk” Tinaasan ko siya nang kilay.

“Answer my question”

“Fine, I told them that you are my girlfriend”

“Ano!?” sigaw ko saka napatigil sa pagsasayaw namin, okay, nakakahiya na ata ako, lahat nang mga taong nandoon nagyon napatingin sa gawi namin nang marinig nila ang malakas kong sigaw.

“tssk. Ang ingay mo.” sabi niya. hinampas ko siya sa dibdib niya, but ‘aaawww’ ako pa ata nasaktan doon ah. ngumisi lang siya sa akin “You hit me again. Nakakadalawa ka na. Make it three and I will kiss you right here” I bite my lip and realize na ayaw pala niyang hinahampas. Ako nga ‘yung nasaktan sa paghampas ko sa dibdib niya eh. Teka, what did he say he will kiss me.

Humalukipkip ako sa pagkakatayo. Sa ngayon kasi natigil na kami sa pagsasayaw sa gitna at walang sabing hinapit ako palapit sakany.

Halos hindi ko marinig ang pagbilis ng tibok ng puso ko. Para itong naguunahan nag maramdaman ko ang katawan niya.

“Act as my girlfriend for tonight” Nanlalaki ang mga mata ko sa sinabi niya. Ansabe nang mokong na ‘to?

“what!?” Gulat kong sagot, yeah I know right, dinig na dinig ko naman ang sinabi niya eh, pero hindi nagfufunction sa utak ko ‘yung sinabi niya.

“You heard me, so don’t make me repeat those words again.”

“what!?” panguulit ko.

“just go with the flow" bulong niya sa tainga ko. Dahilan para maramdaman ko ang kiliting dumaloy sa buong katawan ko.

“You know that girl earlier? That’s my Ex fling, I don’t how to call our relationgship before. Her name is Catherine Ruiz and I want to get rid of her.” Simple niyang sagot. “There, nasagot ko na, can we go back to our table, before your feet get swollen?” dagdag pa niya. Anong mapapala ko kung pumayag ako sa kalokohan niyang pagpapanggap aber.? Ngayong gabi lang naman siguro eh. Pero paano si Vince paano kapag nalaman niya, Sheettey! bahala na si batman. Kung hindi lang kami nakikitira ngayon sa bahay nila at kung hindi lang siya pinsan ni Marc baka nakatikim na siya nang masasakit na salita sa akin. Kahit gwapo, nakakabanas din pala pagkamahangin nito.

“May choice pa ba ako. Bwisit!”

“Yes. Thank you,” sabay yakap niya sa akin, LUNOK. Kanina kung umasta napakabossy tapos biglang yayakapin ako. Hindi naman ito kasama sa favor niya. Aaaay tanga. Act as girlfriend nga di ba malamang, pero bakit ako kinakabahan sa ginawa niya.

Kumalas siya sa pagkakayakap sa akin tsaka ako hinila pabalik sa dating table namin. Nakita ko na agad silang nakatingin sa amin habang papalapit kami na magkahawak ang kamay. Umupo si Darvien malayo sa tabi ni Cathy na ex niya kuno pinaupo din niya ako sa tabi niya. Pagkaupo ko palang una ko nang nasulyapan si Liz. Alam ko madami dami nanamang tatanongin yan sa akin. I saw the look in their facesand a big QUESTION MARKED was written on their forehead. Napatingin naman ako sa gawi ni Cathy na masama ang tingin sa akin. Ok Para ata akong aatakihin nito eh. Pati si Matt na kanina maingay pero mataman akong tinititigan, ang weird naman nang feeling na ganito. Samantalang ‘tong lokong katabi ko ngayon cool lang. Ano ba Chloe, siya nga may idea nito eh, ako naman kasi si gaga pumayag magdusa ka ngayon. Oo magdudusa ako hindi dahil pumayag ako, because he gave no choice.

“Matt, stop staring at my Girlfriend” madiin niyang sabi kay Matt

“Boyfriend mo ba siya miss?” Tanong niya sa akin.

“Ha?? Ahh.. Oo-oo He’s My Boyfriend” sagot ko

“Talaga, Boyfriend mo siya? Since when?” singit na tanong sa akin ni Cathy na titig na titig parin sa akin na parang hinihintay niyang magkamali ako sa mga kilos at sagot ko.

“4 months Cathy.” Sagot agad ni Darvien sakanya tsaka ako hinapit sa beywang palapit sakanya, kaya naman medyo napasandal ako ng konti sa dibdib niya. What exactly is he doing? Wala sa usapan ang ganito bakit bigla bigla nalang niyang ginagawa ito. Namamawis at nilalamig na kamay ko sa ginagawa nitong lalaking to sa akin. I can’t even breath. 

“I still don’t believe you.” tsaka siya tumayo naglakad palayo sa table namin.

Nakaalis na si Cathy at Matt pero hindi parin niya binibitiwan kamay niya sa baywang ko wala naman na sila eh. Kinalabit ko siya para matuon ang pansin niya sa akin.

“Bakit?” tanong niya.

“Wala na sila oh. Baka gusto mo nang bitawan kamay ko, tapos yung kamay mo sa baywang ko. Masiyado ka nang nageenjoy” Bulong ko sakanya, seryoso naman na nakatingin sa amin sina Liz, Marc, Gab at Jonas.

“You’re my girl tonight Chloe, remember that” He said in a husky voice na mas lalong nagpainit sa mukha ko kasi naman ang lakas ng pagkakasabi niya eh binulong ko lang naman sinabi ko sakanya.Namilog ang mga mata nitong mga kasama namin, lalong lalao na si Liz. Haayy siguradong raratratin ako nito mamaya ng mga tanong niya.

Sino ba naman kasi nagsabing pumayag ka Chloe, haay…

Save me, I'm Falling...Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon