CHLOE'S POV
"Chloe.!" Tawag sa akin ni Liz habang kumakatok sa pintuan. Tsk. Ano naman kaya kailangan nitong babaeng ‘to.
"Saglit lang nagbibihis ako." Pagkatapos kong magbihis binuksan ko ‘yung pinto ng kwarto ko.
"Ang tagal mo naman buksan..” sabi niya habang pumapasok sa loob nang kwarto ko. “KYAAAAHHH.Bhez!! ang gwapo niya." sabay yug yug niya sa balikat ko. Ang landi lang, may Boyfriend na nga nagpapantasya pa nang iba "Ohhh maahh Goodness! nagkiss talaga kayo? seriously.Grabe hahaha wala pa nga tayong 24 hours dito sa Tagaytay maharot ka na, abah! At sa pinsan pa ni Marc ha. Ikaw na Bhez."
Halos mabingi na ako sa sigaw niya sa akin, kaloka din itong babaeng ‘to wagas kung makasigaw. Tapos sasabihan niya akong maharot. Sarap sabunutan eh.
"Anong maharot ako, baka gusto mo supalpalan ko ‘yang bunganga mo Bhez.” Pagbabanta ko sakanya.
Napanguso naman nang wala sa oras ‘tong babaeng ‘to. “Bhez, naman eh. Gagawin mo ‘yun? Seryoso ka?” sabi niya na mukhang natatakot na gawin ko nga iyon.
“Oo gagawin ko ‘yung sinabi ko, kaya kung ayaw mong mangyari ‘yun manahimik ka”
“Ang hard mo naman, grabe, Chloe! ang sweet sweet mo talagang Bestfriend. Sarap mo din bigwasan.” Litanya niya habang sinisiringanako ng tingin.
“Kasi naman Bhez hindi naman sinasadya ‘yun. Okay!? Nahulog ako, kaya ‘yun bigla nalang nagdikit ‘yung ano…’yung alam mo na ‘yun”
“hahaha. ‘yung labi niyo?” tatawa niyang sabi, inirapan ko lang siya saka nagpatuloy sa pagkwento ko sakanya.
“Kaya walang ibig sabihin ‘yun. That was just a kiss Bhez. ."
Napa-pout siya at pabagsak siyang humiga sa kama ko tsaka muling bumaling sa akin ng matalim. Naningkit ang mga mata niya habang diretsong nakatingin sa mukha ko.
"Kahit hindi sinasadya, nagkiss parin kayo and sa lips pa. Shunga ka ba? wala kang naramdam na kakaiba sa kiss niyo. Errr! Whatever you call that kiss.Aminin baka nagslow motion din yun. Malay natin hindi si Vince baka siya na nga talaga...aahhhh!!!" sigaw pa niya sa akin.
"Ano ba Bhez! Ang ingay mo para lang doon. Tsskk. Well oo gwapo siya pero hinding hindi mangyayari ang mga nasa isip mo. Dahil alam ko sa sarili ko na mahal ko si Vince at mahal niya ako sapat na ba ‘yun ha Bhez? Kaya itigil mo yang iniisip mo." Sabay irap ko sakanya dahil alam na alam ko na kung ano nasa isip nitong babaeng ‘to. Lagyan ko nalang kaya nang tape ‘yung bunganga niya nang sa ganon hindi na makapagsalita pa.
"Whatever bhez. tsssk,. Baka pagdating nang araw kainin mo iyang sinabi mo"saka siya tumingin sa cellphone ko na nakalapag lang sa mesa na katabi ng higaan ko.
Agad ko namang kinuha iyon. Napangisi nalang ako dahil finally tumawag na din siya sa akin. Siguradong ok na siya at hindi na galit, Mabilis kong sinagot ang tawag niya.
'hello hon.'
'I'm sorry kung walang akong txt kahit isa. Nagtatampo lang talaga ako, Kumaen ka na ba?"
"Hayy naku makaalis na nga. pagkatpos mo diyan baba ka na agad ng makakaen na tayo" tsaka umirap nanaman sa akin at pasalampak niyang sinara ‘yung pintuan. Seriously, bakit napapadalas ang irap nitong babaeng ‘to sa akin. Sarap dukutin ang mga mata eh.
“Ah, Hindi pa eh. Medyo late na din kasi sila nagising kaya ayon hindi pa kami nakakaen. Ikaw? kumaen ka na ba? "
"Kanina pa, dito na nga ako sa office lumabas lang ako saglit para tawagan ka." dinig na dinig ko pa ang buntong hininga niyang malalim saka nagpatuloy ulit.
BINABASA MO ANG
Save me, I'm Falling...
RandomTwo people that fell in Love in the wrong place at the wrong time. A simple girl who lives a simple life, happy and contented but everythings changed, her feelings for his Boyfriend bacame cold until the time that she has fall out of love and reali...