Dedicated to pinkyxie
Umagang-umaga palang ay nakatutok na sa telebisyon sina mommy at daddy. Hindi ako sanay na makita silang ganito lalo na't kapag ganitong oras ay tumutulong na si mommy kay manang na maghanda ng agahan at si daddy naman ay naghahanda na for work.
But now, here they are...si mommy ay hawak ang isang mug na sa tingin ko'y may lamang kape habang balisang nakatutok sa TV, and dad's still in his pajama at hawak-hawak naman sa kanang kamay ang kanyang cell phone.
They are really waiting for the official statement na ipapalabas ng M-Dez tungkol sa kumakalat na issue namin ni Sir Christopher. Gaya nga ng sinabi sa akin ni Geoffrey kahapon, ipapalabas ang nasabing statement ngayon sa morning talk show ng isang sikat na station sa telebisyon kaya nga ito inaabangan ng dalawa.
Instead of joining my parents sa paghihintay na ilabas iyon ay nagtungo na lamang ako sa dining room para makapag-agahan na. Kahit na grounded ako ay hindi naman ako pinagbawalan ni dad na pumasok sa trabaho kaya nga't kailangan ko nang maghanda para hindi ako mahuli. Nag-take na ako ng day off kahapon kaya hindi na ako pwedeng mag-absent ngayon.
"Sina Tuff at Anrie? Hindi ba sila sasabay sayo?" tanong ni manang pagpasok ko ng kusina. Agad akong napalapit sa dining table at naupo.
"Mauuna nalang po ako. Baka mamaya pa po sila kakain."
"Ganoon ba? O sige, kumain ka na." Napangiti ako kay manang at saka ako nagsalin ng pagkain sa plato ko.
I am in the middle of eating nang bigla nalang mag-ring ang phone ko kaya napahinto ako sa pagsubo. Kinuha ko ang phone ko sa aking bag at saka tiningnan kung sino ang tumatawag. Naikunot ko agad ang aking noo nang makita ko ang pangalan ni Jessica sa screen.
"Hello Jess!" sabi ko nang sagutin ko ang tawag.
("Hello! Khiana, tumawag kasi sa akin si ma'am Senajon. Ipinapa-contact ka niya sa akin...")
Ma'am Senajon is looking for me?
"Bakit? May problema ba?"
("Uhm...may nangyari na naman kasi.")
"What happened?" Mabilis akong tumayo sa inuupuan ko at saka ako dumungaw sa pinto ng kusina kung saan ko kita ang sala. Nakatutok pa rin sina mommy at daddy sa TV at mukhang hinihintay pa rin ang statement ng M-Dez.
("May bago na namang issue tungkol kay sir Chris. Hindi pa ito inilalabas but it will be aired kasabay ng official statement ng M-Dez.")
"Another issue?" Don't tell me na tungkol na naman ito sa amin?!
("Yes! It's a big problem Khiana. The board is coming to M-Dez dahil may emergency meeting sila tungkol dito. And...there's one more problem.") Naningkit ang mga mata ko sa huling tinuran ni Jessica. More? ("Miss Nancy is nowhere to be found kaya nga pinapapunta ka ni Ma'am Senajon. Can you come to work a little bit earlier?")
BINABASA MO ANG
Married No More [#Wattys2019 Winner]
RomanceWattys 2019 Winner under the Romance category . Be My Daddy's Sequel. Genre: Romance Status: Completed (Under Revision) "Marriage is sacred and so as love." Khiana Leslie Ricks is the second child of Anrie Lee-Ricks and Tuff Ken Ricks. She run aw...