Dedicated to Imang1228
I flinched when I felt a soft but warm air through my neck. Naimulat ko ang aking mga mata at doon ko lang napagtanto na katabi ko pala si Geoffrey at ang hininga niya ang nararamdaman ko sa aking leeg. Nakasiksik ang kanyang mukha sa aking leeg at mahigpit akong yakap. I can even feel his arms touching my bare skin.
Napapikit ako nang maalala ko ang mga nangyari kagabi. I can't believe that I just gave in. People might think that I'm a hypocrite...that I keep telling myself and everyone that knew about us that I don't want to be with Geoffrey anymore pero sa isang halik lamang niya ay bumigay na agad ako. But...but what can I do? Mismong puso ko na ang nagtaksil sa akin.
Five years, inakala ko na wala na talaga pero lahat ng pilit kong isiniksik sa utak ko ay naglaho na parang bula.
Khiana, you have move on. Khiana, okay ka na. Khiana, wala na siya para sayo. Khiana, hindi mo na siya mahal!
Lahat ng iyan ay pilit kong ipinapasok sa isipan ko. I keep telling myself this things that I thought is true pero kasinungalingan pala itong lahat.
Lies, I filled my life with lies for five years.
I breathed deeply at saka ko hinawakan ang kamay ni Geoffrey na nakahawak ngayon sa tiyan ko. Maingat ko itong hinawakan para hindi ko siya magising. Bahagya pa siyang gumalaw nang ginawa ko iyon kaya natigilan ako, but when I hear his soft snore ay ipinagpatuloy ko na ang pag-angat rito.
Nang tuluyan kong maalis ang kamay ni Geoffrey ay dahan-dahan rin naman akong bumangon. Luckily ay hindi nga siya nagising.
Agad kong pinulot ang damit ko na nagkalat sa sahig at mabilis na nagbihis. When I finished ay agad akong napalingon kay Geoffrey na mahimbing pa ring natutulog. I'm glad that he didn't wake up at all.
Dahan-dahan akong lumapit sa kanya still keeping my moves as quiet as possible. Nang nasa harapan na ako ng kama ay agad akong lumuhod para magpantay kami.
Mapakla akong napangiti saka ko iniangat ang kamay ko but I stopped midway dahil bigla akong nagdalawang isip. But when Geoffrey moved at napaharap sa akin ay doon na ako napaluha.
Tuluyan ko na ngang inabot ang mukha ni Geoffrey. Maingat kong hinawi ang buhok niyang tumatakip nang bahagya sa kanyang mga mata. Napapangiti pa ako habang ginagawa iyon.
Ngayon, lahat ng pilit kong inaalis sa puso ko sa mga nakalipas na mga taon ay sabay-sabay na naglabasan. D*mn! Miss na miss ko pala siya.
I miss seeing this face everytime I wake up in the morning. I miss cuddling with him. I miss everything about him.
Mabilis kong inilayo ang kamay ko at saka ako napayuko nang maramdaman ko ang pagtulo ng luha sa aking mga mata.
I want to be with you again, so d*mn much. But I can't! I can't do that anymore. If I choose you again Geoffrey, things might go in disarray again. And if I go back to you...paano si Andy?
BINABASA MO ANG
Married No More [#Wattys2019 Winner]
RomansaWattys 2019 Winner under the Romance category . Be My Daddy's Sequel. Genre: Romance Status: Completed (Under Revision) "Marriage is sacred and so as love." Khiana Leslie Ricks is the second child of Anrie Lee-Ricks and Tuff Ken Ricks. She run aw...