Dedicated to GJS1996
GEOFFREY
Mabagal ang naging lakad ko. I can feel my hands shaking habang pilit kong inihahakbang ang aking mga paa.
Marahan kong inilibot ang paningin ko sa buong paligid. There are white flowers everywhere, mapa-rosas man o white tulips na nagpapaalala talaga sa amin kay Khiana. Tulips are her favorite flower.
Mabilis akong napayuko as I felt a sudden sting in my chest. Isang malalim na buntong hininga ang aking pinakawalan bago ako muling nag-angat ng tingin. Pilit ko ngang pinipigilan ang luhang nagpupumilit na kumawala sa aking mga mata.
Nang mapakalma ang sarili ay saka lamang ako muling naglibot ng tingin. I saw a lot of people seated at each side of the place. Everyone is wearing white. Mapababae o lalake, bata man o matanda. And everyone who are here are people connected to Khiana. People who have seen how she spent this life...a life that is full of heartaches and despair that she shouldn't have experienced.
Agad na bumaling ang tingin ko sa mommy ni Khiana na nakaupo sa pinakaharap ng lugar. Beside her is her daughter-in-law na nakahawak sa braso niya at inaalo siya sa pag-iyak. Karga-karga naman niya ang apo niya na hindi alintanan ang pag-iyak niya.
Mabilis akong napayuko. Seeing Khiana's mom crying makes me want to cry too.
I'm really sorry...I'm sorry for the heartaches that I've brought to your daughter. I love her so much pero nagawa ko pa rin siyang saktan.
Nagpatuloy ako sa paglalakad at hindi ko na talaga napigilan ang pagtulo ng mga luha sa aking mga mata nang makita ang nakapwesto sa harapan...painted in white na napapalibutan rin ng mga puting bulaklak.
"Hoy!"
Isang sapok sa aking ulo ang naging rason para mapaayos ako ng tayo at mawala sa malalim na pag-iisip. Agad kong tingnan ang lalakeng nakasuot ng itim na suit sa harapan ko na siyang may gawa noon sa akin. Halos magkapareho lang ang suot namin, ngunit necktie ang suot niya tulad ng iba pang nakatayo sa likuran niya habang bow tie naman ang akin.
"Para ka namang namatayan!" reklamo niya na nagpangiwi sa akin. "Hindi ka nga umiyak noong unang beses, ngayon nag-iemote ka?"
Agad kong naikunot ang aking noo saka siya sinamaan ng tingin.
"Tumahimik ka nga Stephen. Kasal ko 'to kaya huwag kang mangealam!" Maybe choosing him as my best man is not the best idea.
Masama bang maging emotional sa mismong araw ng kasal ko? Kahit anong pilit ko ay hindi ko talaga mapigilang maalala ang lahat ng pinagdaanan namin ni Khiana para marating namin ang puntong 'to sa buhay namin. Kaya nga't hindi ko talaga mapigilang mapaiyak lalo na't alam kong malapit na kami sa finish line.
BINABASA MO ANG
Married No More [#Wattys2019 Winner]
RomanceWattys 2019 Winner under the Romance category . Be My Daddy's Sequel. Genre: Romance Status: Completed (Under Revision) "Marriage is sacred and so as love." Khiana Leslie Ricks is the second child of Anrie Lee-Ricks and Tuff Ken Ricks. She run aw...