Anong Klaseng Manunulat Ka

7.9K 78 7
                                    

This is not an update for Married No More. Gusto ko lang pong i-share itong sanaysay na isinulat ko for ManunulatPH. I hope may malaman kayo tungkol sa akin kahit na konte and for those writers na nagbabasa nito, I hope na may natutunan kayo kahit papano. Enjoy!

—ate sak

~❇~

Anong klaseng writer ka?

I've been writing since I was thirteen but that question never crossed my mind. Ngayong tinatanong ko iyan sa aking sarili ay labis akong napapaisip. Anong klase nga ba akong manunulat?

Una sa lahat, hindi ko naisip na magiging manunulat ako. When I was a child, hindi ko naging hobby ang pagsusulat. Yes, ako iyong batang laging may hawak na lapis at papel pero hindi ko iyon ginagamit upang magsulat kundi para gumuhit. I'm a kid who really loves to draw na halos lahat ng notebook ko sa school ay ginagawa ko nang drawing book.

But when writing was introduced to me by my bestfriend (anneyuka) when I was a second year high school, doon ko na minahal nang sobra ang pagsusulat.

Kung tatanungin ako, ako siguro iyong writer na hindi nauubusan ng ideya para sa isang bagong kwento pero hirap na hirap namang tapusin ang mga on-going stories ko. Mas marami pa akong drafts kesa sa mga natapos ko nang kwento sa Wattpad dahil everytime na may napapanood akong palabas o kaya ay napapanaginipan o naiisip ay agad akong nakakabuo ng bagong concept ng kwento sa utak ko.

Ang plot nga ng kwento kong Married No More na nanalo sa Wattys 2019 came up in mind after watching the Korean drama series "Emergency Couple" and "My Secret Romance". I just so love the idea of a story where a couple got separated at muling nagkita sa hindi inaasahang pagkakataon, kaya nga nagdecide ako na gumawa ng kwentong may ganitong konsepto.

And since marami ang nagsasabi na nabitin sila sa kwento kong Be My Daddy ay nagdecide akong gawan ito ng sequel. That concept I have about married couple who ended up separating and meeting again after several years ay ginawa kong kwento ng anak ng bida sa kwento kong Be My Daddy.

I'm a writer who imagines then create a story in mind, I decide for characters, and then make some plots.

Kapag nakakaisip ako ng panibagong concept sa utak ko ay agad ko itong isinusulat sa notebook ko o kaya ay gagawa ako ng panibagong libro sa wattpad na hindi ko naman agad pina-publish. When I'm hooked with the concept I created ay agad akong gagawa ng mga characters para dito. Isusulat ko ang mga traits nila, kung ilang taong gulang na sila o kung ano ang career nila sa buhay. I even write the things like who they'll end up with o kung sino-sino ang mga character na mali-link sa kanila. At kapag handa na akong simulan ito ay doon na papasok ang pagsusulat ko ng mga possible plots.

I'm definitely a writer who plans and make outlines for my stories. Hindi ko matatapos ang kwento ko kung hindi ko napagplanuhan ang magiging takbo ng kwento. Creating a plan for my story is the best way for me para hindi ako malito sa takbo ng kwento, it is also a way for me para maiwasan ko ang pagkakaroon ng plot holes sa kwento. Pero hindi din naman lahat ng napagplanuhan ko ay nasusunod ko sa pagsusulat lalo na't lagi akong nakakaisip ng bagong plot habang isinusulat ko na ang bawat kabanata ng kwento.

Ako rin iyong writer na nagre-research talaga. Marami kasi akong hindi alam kaya nagreresearch talaga ako. There's nothing wrong about asking help, right?

Iyong kapatid ko nga ay naiinis na minsan dahil sa kanya talaga ako nagtatanong ng ilang bagay, tulad nalang kung paano i-spell ang ganitong word. Madalas din kasi akong magkaroon ng writers block kaya nga hindi ko talaga kinakalimutang magtanong para makapagpatuloy ako sa pagsusulat, sa ibang tao man ito o kaya kay google.

Married No More [#Wattys2019 Winner]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon