Dedicated to MarielLA037640
Pagpasok namin ni kuya Mark ay agad na bumungad sa amin ang isang mahalamang lugar. It's like we are in an indoor garden. Plants are everywhere, mga namumulaklak man o hindi. May mga palm trees din na nakatanim sa bawat gilid ng lugar. Pero ang makakaagaw talaga sa pansin mo ay ang manmade pond sa gilid na parang kumikinang dahil sa mga fairy lights na nakadesinyo rito. Para akong nasa isang mahiwagang lugar. I didn't know that this place existed inside this building.
Ito ang napili nina mommy at daddy na pagdausan nitong party para daw tuluyan akong i-welcome sa Millennium lalo na't ilang linggo nalang mula ngayon ay tuluyan na akong papasok doon. But actually, this is an early celebration for my 27th birthday na ilang araw na lang mula ngayon ay ipagdiriwang ko na. And since magiging busy na rin ako sa mga susunod na araw ay napagdesisyonan na lamang nilang gawin ito ngayon.
Actually, halos makalimutan ko na nga na malapit na pala ang birthday ko. Sa dami kadi ng problemang iniisip ko sa mga nakalipas na buwan ay hindi ko na gaanong napagtutuunan ng pansin ang mga events na nangyari sa buhay ko.
Pero kung ako lang talaga ang magdedesisyon ay hindi na talaga ako magpapa-party nang ganito. Events like this is too much for me. I prefer to celebrate with my family and friends, have dinner with them o kahit na simpleng bonding lang tulad nalang noong celebration ng kambal. But since dad wants this, wala na akong magagawa. Ang dami ko pang problema para idagdag ang pakikipagtalo tungkol dito sa listahan ng iisipin ko.
“Good evening po Miss Khiana,” isang malamig na boses ang naging rason para mapahinto ako sa pag-iisip.
Nagbaling ako ng tingin sa may sabi noon at agad kong nakita ang assistant kong si Sierra. Nakatayo siya sa may gilid ko at bahagyang nakayuko sa akin.
She’s also dressed for the party pero mapapansin mo agad ang dala niyang planner na hindi talaga bumagay sa ayos niya ngayon. She looks really elegant with her white dress and her black leather planner ruined her almost perfect look. Sana clutch nalang ang dinala niya kaysa sa planner niyang iyan. Bakit niya na kasi iyan dinala?
“Good evening Sierra!” bati ko nalang pabalik sa kanya at saka ko siya nginitian.
Pilit ko nalang ring ipinagsawalang bahala ang nakikita ko sa kanya. Ngayon lang ulit kasi ako naging fashion freak. Maybe going to Miss Clarissa's shop awakens this passion of mine na matagal ko nang nakalimutan. But I should better stop this bago pa ako may masabing kung ano sa kanya.
“Nasa baba na po sina Sir Tuff at ang mommy niyo,” she informe me kaya napatango ako.
Kanina pa nauna sina mommy at daddy sa pagpunta rito dahil gusto nilang sila mismo ang bumati sa mga bisitang dadating. Dapat nga ay kasama ko rin silang pupunta rito pero muli na naman kasing sumama ang pakiramdam ko kaya nagpahuli ako. Mabuti na nga lang at okay na ako ngayon.
BINABASA MO ANG
Married No More [#Wattys2019 Winner]
RomanceWattys 2019 Winner under the Romance category . Be My Daddy's Sequel. Genre: Romance Status: Completed (Under Revision) "Marriage is sacred and so as love." Khiana Leslie Ricks is the second child of Anrie Lee-Ricks and Tuff Ken Ricks. She run aw...