4. It's been a long time

98 3 0
                                    

Jimin's Pov

Nagising ako sa sinag ng araw at pagtingin ko ay wala ako sa kwarto ko. Napalingon ako sa umungol at bumungad sa akin ang mahimbing na natutulog na si Yoongi. Dito pala ako nakatulog kakabantay sa kanya na umepekto ang gamot.

Aalis pa lang ako sa kama ng mas nauna pa siya sa akin makabangon. Nilingon niya ako ng nanlalaki ang mata niya.

"M-Mr. P-Park?!" gulat na sabi niya.

"Yes Mr. Min? "

"A-anong ginagawa mo di--" napahinto siya sa sasabihin niya sa akin at tinignan ako ng nanlalaki ang singkit niyang mata.

Mas mabilis pa kay flash na kumaripas siya ng takbo. Mukhang naalala niya ang nangyare sa kanya kagabi. Tumayo na ako't pumunta sa kwarto ko.

Yoongi's Pov

SHIT SHIT! BAKIT KAILANGAN SIYA PA ANG MAKA WITNESSED NUN!

"Yoongi? " Napahinto ako sa pagtakbo ng marinig ko si Jin hyung.

"B-bakit hyung? " Sigurado akong nalaman niya ang nangyare sa akin kagabi!

"Bakit ka tumatakbo? Saan ka pupunta ng naka paa? " Dahil sa sinabi niya ay ngayon ko lang naramdam ang lamig ng sahig.

"H-hindi ko din alam. "

"Magbihis kana at baka magkasakit kapa. " Tumango na ako at sinilip ko muna kung andun pa si Mr. Park. Nakahinga ako ng maluwag ng makita kong wala siya duon.

Dali dali kong ginawa ang ginagawa ko tuwing umaga. Sa pagbaba ko ay mukhang kumakain na sila. Nakaka hiya naman kung eentra pa ako dun kaya mas mabuti pang sa labas na lang ako kumain tutal may natira pa naman akong pera.

"Saan ka pupunta Mr. Min? " Hindi ako makasagot dahil naalala ko na naman ang nangyari kagabi.

"Sumabay kanang kumain sa amin Yoongi. " Nakayukong lumapit ako sa kanila at nagsimula ng kumain.

Makalipas pa ng ilang oras ay hindi ko alam kung bakit hindi ako pinasama ni Jin hyung sa kanila ni Mr. Park. Andito nga pala ako sa garden nakaupo sa damuhan.

"It's been a long time Yoon. "

Napatayo ako ng wala sa oras ng makilala ko kung sino ang nagmamay-ari ng boses na yun at ang nag-iisang tao na tumatawag sa akin nun.

"Jisoo?! " ngumiti siya ng kay tamis.

"Well wala bang welcome back diyan Yoon? " Tumawa lang ako at nilapitan siya tska pinat ang ulo niya kaya naman tinapik niya agad iyon.

"Yoon naman eh baka magulo buhok ko. " napangiti na lang ako sa sinabi niya.

"Kamusta naman ang buhay america Jisoo. "

"Well sa una mahirap pero habang tumatagal nakakasanayan na rin anyway asan pala si Kuya?" sabi niya habang lumilingon lingon sa paligid.

"Kasama niya si Mr. Park mukhang may pag-uusapan tska anong ginagawa mo sa rest house ni Mr. Park?! "

"Well business partner din ako ni kuya plus yun din ang dahilan kung bakit ako bumalik dito sa Korea. "

"Teka alam ba niyang nadito kana? " imbis na  sumagot ay ngumiti lang siya sa akin ng pilya.

Sesermunan ko na sana siya dahil hindi niya pinaalam kay Jin hyung ang pagdating niya pero biglang tumawag si Jin hyung kaya naman habang sinagot ang tawag ay tinignan ko si Jisoo na ngayon ay mukhang kinakabahan. Ano na naman bang kapilyahan ang ginawa niya?

"Yoongi. "

"Bakit hyung? "

"Andyan ba si Jisoo? " at dahil dyan ay muli kong nilingon si Jisoo na halos hindi na mapakali.

"Oo hyung bakit?! " narinig kong napamura siya sa kabilang linya kahit pa inilayo niya sa akin ang phone niya.

"Wag na wag kamo siya aalis dyan! " hindi na ako sumagot at tska ko hinarap si Jisoo.

"Anong kapilyahan ang ginawa mo?! "

"Ah... Eh.. K-kasi susunduin nila ako dapat sa airport kaso ang tagal nilang dumating kaya pumunta na ako dito mag-isa! Sasabihan ko naman sila eh. " napahawak na lang ako sa noo ko at pakiramdam ko ay sumasakit ata ulo ko sa kanya.

Wine (Yoonmin ff) ✔✔Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon