3. Mr. Park

116 3 0
                                    

"Finally andito kana Mr. Park. " masayang bungad sa kanya ni Jin hyung.

"Shall we? " sabi niya sabay turo sa upuan at nagsimula na silang magtaste test. Kung titignan mo siya ng mabuti ay mukhang sanay na sanay na siya sa gawain niya.

Makalipas pa ang ilang minuto ay nagkasundo din silang dalawa sa gagawin nila sa wine. Andito nga pala ako sa restroom. Lalabas pa lang ako ay biglang may kumakatok ng malakas sa pinto.

"Yoongs. " si Jin hyung lang pala.

"Bakit hyung? " bungad ko sa kanya.

"Akala ko kung saan kana napunta. " Napangiti na lang ako dahil alam kong nag-aalala lang siya para sa akin.

"Tara na hyung kailangan mo ng magpahinga dahil may business trip kapa kasama si Mr. Park. " Tumango na lang siya at nauna ng maglakad.

Bago kami makalabas ay pakiramdam ko ay may nakasunod na pares ng mga mata ang nakatingin sa akin pero baka guni guni ko lang yun kaya hindi ko na pinansin at patuloy sumunod kay Jin hyung. Pagkadating ko sa bahay ay sumalampak na ako agad.

Kung hindi ba nila nalaman ang result ng test ko hindi magkakagulo ang buhay ko? Kung hindi nila nalaman na omega ako? Kung naging alpha din ba ako katulad nilang lahat hindi ko mararanasan lahat ito?

Bumangon ako at dumiretso sa kusina para kumuha ng gatas... Pampatulog dahil 3 am na ng umaga hindi pa ako nakakatulog kakaisip sa kanila.

"Oh ang aga mo naman magising Yoongs. " muntik ko ng maibuga ang iniinom ko sa gulat.

"Hindi pa ako natutulog hyung. "

"Matulog kana at wag mo na silang isipin pa. "

"Thank you Jin hyung." tumango lang siya kaya naman sumalampak na ako sa kama at tuluyan ng nilamon ng antok.

*Time skip

Nagising ako sa tumatapik tapik sa pisngi ko at bumungad sa akin ang mukha ni Jin hyung.

"Aalis na tayo Yoongs magready kana." Tumangk ako at ginawa na ang dapat gawin.

Maya maya pa ay nakarating na kami sa busan dahil dun daw kami sa rest house ni Mr. Park. Bumungad sa amin ang malaking mansion at ang mga nakapilang tauhan niya.

Sa pagbukas ng pintuan ay bumungad sa amin ang nakasuit na si Mr. Park na mukhang kanina pa kami inaasahan dumating. Napaiwas ako bigla ng tingin ng biglang nagtama ang paningin naming dalawa.

Sa pagkabored ko sa mansion ay napadpad ako sa garden na parang maliligaw na ata ako kapag nagpatuloy pa akong maglakad. Sa paglalakad ko ay hindi ko na namalayan na magdidilim na pala. Hindi ko man lang napansin ang oras.

"Yoongi right? " Napalingon ako sa pamilyar na boses na yun...

"Yes... Mr. Park may kailangan ka po ba? " imbis na sumagot ay ngumiti lang siya ng ubod ng tamis.

"Wala naman... Nagustuhan mo ba yung garden?" Sabi niya habang naka tingala sa langit at pinagmamasdan ang mga bituin.

"Opo... Mauna na po ako sa loob Mr. Park. " tinignan niya ako sa mata at saka sinabing...

"Just call me Jimin and wag kanang mag po dahil hindi naman ako matanda. " tumango lang ako at muling nagpaalam sa kanya.

Hindi pa man ako nakakapanik ng tuluyan sa kwartong naka assigned sa akin ay inatake na ako HEAT CYCLE KO! SHIT SHIT! Kahit pa nanghihina na ako ay kumaripas na ako ng takbo papanik sa kwarto kahit pa halos madapa na ako sa hagdan.

"SHIT SHIT HINDI PWEDE ITO! " pagpasok ko sa kwarto ay natumba ako dahil hinang hina na ako.

"Puta! " mura ko ng hindi ko makapa ang pills na iniinom ko sa gantong sitwasyon. Napahinto ako sa pagkapa ng biglang bumukas ang pintuan ng kwartong tinutuluyan ko.

"Yoongi ayos--" napahinto siya dahil nakita niya ang kalagayan ko. Nagsimula na siyang lumapit sa akin kaya naman nagsimula na akong umatras. Masama ito!

"W-wag ka-ng lalapit Jimin! " banta ko pero hindi siya nakikinig. Nilapitan niya ako't binuhat papunta sa kama ko.

"Shh tutulungan kita. " bulong niya at may kung ano akong naramdaman kahit pa bulong lang iyon. Napansin kong may kinukuha siya sa drawer ng side table.

"Here take it.... Matutulungan ka niyan. " Kinuha ko iyon at ininom. Maya maya pa ay nababawasan na ang kakaibang nararamdaman ko sa katawan at nilalamon na ako ng antok.

Wine (Yoonmin ff) ✔✔Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon