13. Present

61 3 0
                                    

Yoongi's Pov

Ngayon ay parang lintang naka kapit sa akin si Jimin na para bang mawawala ako sa isang iglap.

"Paano mo nga pala ako nahanap? " sa sinabi kong yun ay naramdaman kong medyo lumuwag ang pagkakayakap niya sa akin.

"K-kay... "

"Kay?"

"T-taehyung. " Yung batang iyon talaga!

"Kelan mo pa nalaman kay Taehyung? "

"5 years ago pa. " Sabi niya habang nakamot ng ulo niya.

"Matagal mo ng alam kung nasaan ako! " Naiilang siyang tumango sa sinabi ko.

Linayasan ko siya at pumunta sa sarili kong kwarto sa bahay niya para ipagpatuloy ang pag-aayos ko ng gamit at makapag-isip isip. So all this time todo tago ako sa pamilya ko at sa kanya pero sa umpisa pa lang ay alam niya na kung nasaan ako!

"Hyung sorry na. " Inalis ko ang pagkakayakap niya sa akin at lumabas ng kwarto.

"Ano pang alam mo? "

"Arrange marriage niyo ni Taehyung. "

Sasagot pa sana ako para itanong kung may alam na din ba siya tungkol sa pamilya ko pero nahinto iyon ng may tumawag sa amin. 

"Sir Park nasa baba po si Mr. Kim." sabi ng katulong niya. Sa pagbaba namin ay bumungad agad sa akin ang nakangiting si Taehyung.

"Hyung!" masayang tawag niya sa akin at akmang yayakapin ako ng binatukan ko siya.

"Aray ko naman hyung! Ano bang ginawa ko?" Daing niya.

"Buti nga at batok lang yang ginawa ko! Ang usapan nating dalawa walang makakaalam kahit na sino kung nasaan ako tapos malalaman kong alam na ni Jimin!" Sa sinabi ko ay bigla niya akong niyakap.

"Sorry na Yoongi hyung si Pandak kasi ng blackmail!"

"Taehyung Kim! " sigaw ni Jimin at hinabol si Tae.

Iniwan ko na sila sa living room dahil maghaharumbahan lang sila panigurado. Bumalik ako sa kwarto ko at humilata.

Magiging ok na ba ang lahat? Magiging malaya na ba ako? Napapagod na akong magtago at tumakas. Nakakasawa na.

Jimin's Pov

Matapos ang nakakapagod na habulan ay ngayon naka higa na kami ni Taehyung sa sahig sa hingal at pagod.

"Hyung sa tingin ko dapat suyuin mo ang Min family. I'm sure magugustuhan ka nila at mahinto na din ang paghagilap kay Yoongi hyung. "

Liningon ko siya dahil sa sinabi niya. Matanggap kaya talaga nila ako? Masyadong malakas ang Min family. Siguro nga ay dapat harapin ko ang pamilya ni Yoongi hyung para hindi siya mahirapan mamuhay ng ganito... na palagi na lang nagtatago na akala mo ay isang kriminal.

Tumayo ako at pinuntahan sa kwarto niya para kausapin sa tungkol sa naisip ni Taehyung pero ang bumungad sa akin ay ang maamong mukha niya na natutulog kaya naman iniwan ko na lang siya dahil alam kong pagod yun sa byahe. Pagbaba ko ay pinuntahan ko si Taehyung na kumakain na naman ng mga pagkain ko dito.

"Kapag humarap kami sa pamilya ni Yoongi hyung dapat kasama ka para na rin mahinto ang away sa pamilya niyo." Tumango lang siya sa sinabi dahil punong puno ang bibig niya ng pagkain.

Mahigit 1 oras ng tulog si Yoongi hyung at kanina pa kami ni Taehyung naglalaro ng video games sa living room. Napahinto kaming dalawa sa ginagawa namin ng tawagin na naman ako ng katulong ko dito.

"Sir Park may bisita po kayo." Tumango ako at tumayo na. Sa pagpunta ko ng living room ay hindi ko inaasahang makita si Jin hyung at Jisoo.

"Jimin."

"A-anong ginagawa mo dito Jin hyung?"

"Binibisita lang namin si Yoon and it's been 5 years." sabi ni Jisoo na ngayon ay nakaupo na sa sofa.

"Tatawagin ko lang si Yoongi hyung." sabi ko at akmang papanik na ako ng may humawak sa balikat ko.

"Thank you Jimin." sabi ni Jin hyung kaya naman tumango na lamang ako bago tuluyang pumanik sa kwarto niya.

Sa pagpasok ko sa kwarto niya ay bumungad sa akin ang maamo niyang mukha na hanggang ngayon ay natutulog pa rin. Linapitan ko siya para gisingin ng makita niya sila Jisoo sa baba at makakasalo sa hapunan.

"Hyung." bulong ko sa kanya habang yinuyugyog ko ang balikat niya.

"Bakit?" naiiritang tanong niya sa akin. Alam kong ayaw na ayaw niyang sinisira ang tulog niya pero may naghihintay din kasi sa kanya sa baba.

"Andyan sila Jisoo sa baba." sa sinabi ko ay bigla siyang bumangon kaya dumaing ito na nahilo siya bigla pero maya maya lang ay  kumaripas ng takbo pababa kahit pa medyo magulo ang buhok niya .

Wine (Yoonmin ff) ✔✔Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon