18. Symptoms

63 2 0
                                    

It's been a week simula nung maging masama ang pakiramdam ko at ang masama nito ay kapag kumakain ako eh isinusuka minsan.

"Yoonnnnnn! " Napairap na lang ako sa kawalan ng makita kong tumatakbo palapit sa akin si Jisoo.

"Ano na naman bang ginagawa mo dito?!"

"Hmmf nagsusungit ka na naman Yoon! " Sinundan ko lang siya ng tingin na ngayon ay umupo na sa sofa na akala mo bahay niya ito.

"Tumakas ka na naman ba sa trabaho mo? "

"Yeah pero hindi naman ako papagalitan ni Kuya dahil pinapacheck niya health mo sa akin plus nabalitaan kong masama raw ang pakiramdam mo. Since may degree naman ako as a doctor ichecheck ko kung bakit ganyan pakiramdam mo. " Mahabang litanya niya. Tanging tango na lang ang sinagot ko sa kanya para matahimik na ito.

Makalipas pa ang ilang oras ay nakangiti itong lumapit sa akin at saka biglaang dinamba ng yakap pero agad din itong umayos kaya naman nagtataka ako sa kilos niya. Sabay kami ngayong dalawa kumain ng hapunan at ang pinagtataka ko ay para bang inaalagaan niya pa ako. Halos mapuno na ang plato ko sa mga pinaglalagay ni Jisoo.

"Hey tama na masyado ng marami yang nilalagay mo baka hindi ko maubos yan." Ngiti lang ang sinagot niya tsaka nagsimulang kumain.

Pagtapos kumain ay todo makangiti pa rin ito. Bago ito lumapit sa akin ay may sinulat muna siyang kung ano dun sa papel bago ako lapitan.

"Anong gagawin ko dito?" sabi ko habang tinitignan ang sandamak mak na vitamins at kung ano pang masusutansyang nakasulat dito.

"Aw wag kanang masyadong magpaka grumpy anways congrats Yoon magiging ganap na magulang na kayo ni Jimin! Almost 2 weeks pregnant kana plus need mong itake yang sinulat ko para maging healthy kayong dalawa ni baby." Todong ngiti niyang sinabi. Bago pa ako makapag salita ay nilayasan na niya ako dahil hinahanap na siya ni Jin hyung.

Hindi ko alam kung ano ba ang dapat kong maramdaman sa sinabi ni Jisoo masyadong nagulantang ang mundo ko.

Jimin's Pov

Bumungad sa akin ang tulalang si Yoongi at napatakbo ako ng wala sa oras dahil bigla itong nawalan ng malay.

"Hey hyung?!" gising ko sa kanya pero wala pa rin kaya naman binuhat ko na siya tsaka dinala sa kwarto naming dalawa.

Ngayon ko lang napansin na may hawak pala siyang papel kaya naman dahan dahang kinuha ko iyon. Bakit puro vitamins at gatas toh? Naputol ang pag-iisip ko ng mapansin kong dumilat na siya. Tinulungan ko siyang bumangon.

"J-Jimin."

"Ok ka lang ba? May masakit ba sayo?" Niyakap niya lang ako imbis na sagutin ang tanong ko.

"Jimin may sasabihin ako sayo." sabi niya habang nakayap pa rin sa akin.

"Ano yun?" sa tono ng pananalita niya kanina ay kinabahan na ako bigla. Mas lalong humigpit ang yakap niya sa akin.

"Nakalimutan ko na yung sasabihin ko sayo." Nawala lahat ng kabang nararamdaman ko ng dahil sa sinabi niya. Gusto ko siyang kulitin pero sa itsura niya kasi ay baka masermunan lang niya ako.

"M-Matulog na tayo." sabi niya tska ako hinatak pahiga.

Yoongi's Pov

Fuck Yoongi! Gustong gusto kong iuntog ang sarili ko ngayon sa pader dahil sa katangahan ko. Mas nangibabaw ang kaba kong sabihin sa kanya! Bakit ba kasi ako kinakabahan? Bakit ba ako natatakot na malaman niyang buntis ako? Matutuwa ba siya kapag nalaman niya? Nag-oover thinking na naman ako!

*Kinabukasan

Paggising ko ay as usual wala na naman siya sa tabi ko. Ginawa ko na ang morning routine ko at bumaba para kumain ng agahan dahil pakiramdam ko ay gutom na gutom na naman ako. Matapos ang agahan ay tinawagan ko agad si Jisoo para samahan ako ngayon dito sa bahay dahil alam ko namang hindi busy yun ngayon. Iidlip muna ako habang hinihintay ko siyang dumating.

"Yoonnnnnnnnnn!" Napadilat agad ako at umupo ng marinig ko na ang boses niya. Magsasalita pa lang sana siya pero inunahan ko na agad agad siya.

"Dala mo ba ang mga pinabili ko?" Tumango lang ito.

"Nasabi mo na ba kay Jimin?" Sa sinabi niya ay agad akong umiwas ng tingin.

"Oh come on don't tell me natatakot kang sabihin sa kanya?!" Huminga muna ako ng malalim bago tumango. Masyado akong kilalang kilala ni Jisoo kaya naman wala rin saysay kung magsisinungaling pa ako sa kanya.

"Hindi ko alam kung matatanggap niya ang anak namin. Paano kung hindi pa siya handa? PAano kung ayaw niya sa baby namin?"

"Alam mo Yoon parehas nating alam na hindi ganon si Jimin tsaka alam naman nating mahal na mahal ka nun. Kaya kung ako sayo dapat sabihin mo na sa kanya yang sitwasyon mo. Normal lang naman yang nararamdaman mo pero alam mong karapatan ni Jimin malaman ang tungkol sa baby niyo." Tumango na lang ako bilang sagot sa sinabi niya dahil alam kong tama ang sinabi niya sa akin.

"Pwede mo ba akong tulungan sabihin sa kanya? Gusto ko sanang isurprise siya." sa sinabi ko ay mas lumapad ang ngiti niya.

Wine (Yoonmin ff) ✔✔Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon