9. Bond

72 5 0
                                    

"Yoongs. "

"Bakit hyung? "

"May problema tayo. " Kinabahan ako bigla sa sinabi niyang problema... Sana wag sila please..

"A-ano yun hyung? "

"Hindi pa rin sila humihintong hanapin ka. Nakarating na din sa Seoul yung ibang tauhan ng pamilya mo. " Hindi pwede ito! Ayokong bumalik sa kanila! Ayoko ng tupamapak sa lugar na iyon!

"Hyung... Anong gagawin natin?! "

"Kumalma ka Yoongs gamitin mo na lang yung pabango ni Jimin para hindi ka nila maamoy sa pagbalik natin ng Seoul. " Tumango na lang ako sa kanya at pumasok na sa kwarto ko dito.

Nalintikan na! Ano pa bang habol nila sa akin?! Hindi ba sila masaya na wala ng omega sa puder nila?! Wala naman silang mapapala sa akin!

"Hyung. "

"Jimin... "

"Mukhang malalim yang iniisip mo ah. May problema kaba? "

"W-wala naman. " Ayokong malaman niya... Ayokong malaman ng magulang ko ang tungkol kay Jimin... Ayokong gamitin nila si Jimin laban sa akin.

"Eh bakit seryosong seryoso yang itsura m kung wala naman pala. "

"Iniisip ko lang kung ano ng mangyayare kapag bumalik na tayo sa Seoul. "

"Walang magbabago pagbalik natin dun. " Sabi niya tska niya ako niyakap. Sana nga Jimin... Sana walang magbago.

"Hyung... "

"Yes Jimin? "

"Do you want me to mark you? " Napalayo ako sa kanya bigla sa gulat.

"S-seryoso ka?! "

"Oo naman!"

"H-hindi ba't parang ang bilis naman natin para mapunta na dun? " Mark will be permanent forever and it symbolizes na nahanap muna ang mate mo plus walang gagalaw na ibang alpha sayo kapag omega ka na may mark.

"I know na masyadong mabilis ang lahat para sayo pero I don't want to loose mate and ikaw yun Yoongi hyung. I know na nararamdaman mo ang strong bond natin para sa isa't isa. "

*Kinabukasan

Andito ako ngayon sa salamin at tinititigan ang bite mark na ginawa niya sa akin kagabi. Hindi ko alam kung anong gayuma ang meron si Jimin at napapayag niya ako na lagyan ng mark. Hindi ko alam kung paano ko haharapin si Jimin dahil sa nangyare sa amin kagabi dahil takte andami niyang kiss mark na ginawa sa katawan ko lalo na sa leeg ko!

"Yoon?! " Dali dali akong nagbihis ng marinig ko ang boses ni Jisoo.

"Bakit? " bungad ko sa kanya at kahit kelan ata hindi na naalis ang kakaibang ngiti niya na tulad ngayon.

"Balot na balot ka ah... May nangyare ba sa inyo ni Jimin? " Mas lumapad ang ngiti niya dahil sa pamumula ng mukha ko at pag-iwas ng tingin.

"W-wala ah! "

"Sus wala daw eh balot na balot ka nga! HAHAHAHAHAHA! "

"Shush wag kang ano diyan Jisoo! "

"I'm sure na may mark kana ni Jimin dahil naaamoy ko siya sayo. " nauna akong lumabas ng kwarto dahil naaalala ko lang ang nangyare kagabi!

Sa pagbaba ko ay bumungad sa akin si Jin hyung na naka ngiti.

"Good morning Jin hyung. "

"May mark kana ni Jimin. " Lumapad ang ngiti niya. Magkapatid nga talaga sila ni Jisoo.

"O-opo hyung. "

"Basta't kapag sinaktan ka ni Jimin sabihan mo lang ako at uupakan ko siya ok? " Natatawang tumango ako sa kanya bago kami dumiretso sa kusina na mukhang kanina pa kami hinihintay ni Jisoo at Jimin.

Matapos mag-agahan ay nasa byahe na kami ngayon at kasalukuyang kinukulit ako ni Jin hyung na tumira muna ako kay Jimin.

"Jin hyung naman ayoko dun please! "

"Hindi Yoongs mas ok ng andun ka sa puder ni Jimin dahil hindi ka nila hahanapin dun. Alam nilang ako ang pwede mong takbuhan sa Seoul kaya posibleng puntahan ka nila dun. Yoongs hindi ko kayang pigilan ang mga tauhan ng pamilya mo kapag kinuha ka nila... Si Jimin pwede pa! " Huminga muna ako ng malalim bago tuluyang tumango.

"Samahan mo muna diyan si Jisoo at kakausapin ko lang si Jimin na dun ka muna sa kanya titira." Bago siya tuluyang umalis ay hinatak ko muna siya kaya naman tinignan niya ako ng nagtataka.

"Jin hyung... Wag mong sasabihin kay Jimin ang tungkol sa sitwasyon ko. Please. " Tumango muna siya bago tuluyang umalis sa harapan ko.

Ayokong malaman ni Jimin... Ayokong madamay siya. Ayokong gamitin nila si Jimin para maibalik ako sa puder nila.

Wine (Yoonmin ff) ✔✔Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon