20: Ending

77 1 0
                                    

Lumipas pa ang ilang buwan at ngayon ang buwan ng kapanganakan ko na kahit anong araw ay puwede na akong manganak. Ngayon ay ako lang mag-isa dahil pinagbakasyon namin lahat ng katulong namin dito nung isang buwan pa kaya naman halos wala akong makausap kasi lahat sila ay busy sa kani kanilang trabaho. Ngayon ko lang napansin na ang dahilan ng pagkikita naming dalawa ni Jimin ay dahil sa wine at nagpakita siya sa akin noon na ang order ay wine nakakatawang isipin na tuwing pagtatagpuin kami ay laging may wine. Napahinto ako sa paglalakad ng makaramdam ako ng matinding kirot.

Jimin's Pov

Nagising ako sa ingay ng cellphone ko kaya naman sinagot ko iyon ng hindi na tinitignan kung sino ang caller id.

"J-Jimin--arrrrggg"

Nawala ang antok ko ng mabosesan ko siya. Sa tono ng pananalita niya ay parang nahihirapan siya.

"Hyung anong problema?! Anong masakit sayo?!" Tanong ko habang tumatakbo papuntang parking lot.

"J-imin m-manganganak na ako!!!!" Sa sinabi niya ay halos paliparin ko na sa bilis ngayon ang kotse ko.

"Shit!! Hyung kaya mo bang pumunta sa pintuan man lang?" tanong ko habang mas binibilisan ko pa ang pagmamaneho.

"A-asa pintuan na ako." pilit niyang sagot. Dinig na dinig ko kung paano siya nahihirapan kaya naman hindi ko na pinark ang kotse ko at dali daling pinuntahan siya. Bumungad sa akin si Yoongi na nakahiga na sa sahig at namimilipit sa sakit kaya naman nagmamadaling binuhat siya.

Pagpasok namin sa kotse ay nagmamadali akong magdrive pero habang nagmamaneho ay sinasabunutan ako ni Yoongi dala ng pamimilipit sa sakit na nararamdaman niya.

Yoongi's Pov

Fuck pakiramdam ko mamatay na ako sa sobrang sakit. Ngayon ay nasa hospital na ako at mas lalo kong hinigpitan ang pagkapit ko sa buhok niya ng makaramdam ako ng mas masakit pa sa nararamdaman ko.

"JIMIN!!!!" panggigil na sigaw ko at mas lalong hinigpitan ang pagsabunot.

Hindi ko alam kung ilang oras kong ininda ang matinding kirot na nararamdaman ko bago ako mawalan ng malay kanina. Sa paggising ko ay parang naubos lahat ng lakas ko at bumungad sa akin ang mahimbing na natutulog si Jimin. Hindi ko napigilan ang sarili kong hindi hawakan ang mukha niya at dahil sun ay nagising ito.

"Ano pakiramdam mo? May kailangan ka ba?" sunod sunod na tanong niya kaya naman napangiti ako sa kanya.

"Ok lang ako... Jimin.. asan yung baby natin?" sa pagtanong ko sa kanya ay siya namang saktong pagbukas ng pintuan ng kwarto ko. Lumapad ang ngiti ko ng makita kong buhat ng nurse ang anak namin ni Jimin.

"Halos kamukha mo siya." sa sinabi ko ay mas lumapad ang ngiti sa labi niya.

"Syempre ako tatay eh!" nagmamalaking sagot niya sa akin kaya naman napairap na lang ako sa kawalan.

*6 Months later

Ngayon ay ang binyag ng anak namin ni Jimin at ang sabi ni Jisoo ay kasama niya daw ang isa niyang best friend na ipapakilala sa akin dahil alam niyang makakasundo ko din daw siya. Andito ako ngayon sa kwarto namin ng anak ko at nagtatago sa mga tao sa baba dahil masyado silang marami. Sa paglapag ko kay Hyun Ki ay siya namang pagbukas ng pintuan.

"Yoonn!!" Bungad ni Jisoo kaya naman sinamaan ko siya ng tingin at dahil dun ay tska lang niya narealized na may natutulog.

"Sorry!" Nakangiting sabi niya.

"Bakit mo ko ginugulo dito?" Tanong ko sa kanya habang inaayos ang mga gamit ni Hyun Ki.

"Well meet Jane Caporal! Siya yung sinasabi kong another best friend ko na nakilala ko sa America."

Wine (Yoonmin ff) ✔✔Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon