17. Sick

54 2 0
                                    

It's been a month simula ng matanggap ng pamilya ko si Jimin and naging busy din si Jimin sa work niya. Gusto kong bumalik sa company ni Jin hyung para ituloy ang mga naiwang trabaho ko pero hindi ako pinayagan ni Jimin kaya naman bored na bored ako dito sa bahay.

Ngayon ay nakahiga lang ako dahil nahihilo na naman ako. Maya maya pa ay narinig kong bumukas ang kwarto at bago pa ako makadilat ay may dumamba na sa akin ng yakap.

"Yoooooooonnnnnnnnnnn namiss kitaaaaaa." Sa boses at tawag pa lang sa akin ay alam ko na agad kung sino iyon. Habang tumatagal ang yakap ay medyo naiirita ako sa amoy ng pabango niya kaya naman tinulak ko na siya palayo.

"Ang baho mo." Sa sinabi ko ay sinamaan niya agad ako ng tingin.

"Hoy Yoon naligo ako!" Bago pa ako makasagot sa kanya ay tinawag na kami ng katulong namin dito sa bahay na handa na ang hapunan kaya naman hinatak ko agad si Jisoo dahil nakaramdam na din ako ng gutom.

Sa pagbaba namin ay bumungad sa amin si Jimin na kakapasok pa lang  ng bahay. Hindi ko alam kung bakit bigla akong natuksong kurutin ang pisngi niya at dahil sa ginawa kong pagkurot ng pisngi ay napansin kong pinanliitan ako ng mata ni Jisoo.

"Kumain na tayo." sabi ko at agad na nauna sa kusina. Paupo pa lang ako ng makaramdam na naman ako ng hilo kaya naman napahawak ako ng wala sa oras sa pwede kong makapitan.

"Hyung ok ka lang ba?" Hindi ko namalayang si Jimin pala ang nakapitan ko. Tumango lang ako at umupo na sa tabi ni Jisoo.

"Bakit hindi mo nga pala kasama si Jin hyung?" Tanong ko kay Jisoo na ngayon ay ngumingiti ng kay lapad.

"Wag mong sabihing tumakas ka na naman kay Jin hyung!" Mas lalong lumapad ang ngiti nito at tumango tango sa tanong ko. Napailing  na lang ako dahil siguradong masesermunan na naman si Jisoo ni hyung.

Matapos kumain ay nagpaalam si Jimin na mauuna na daw siya sa kwarto kaya naman ngayon ay kasama ko si Jisoo sa garden.

"Yoon sure ka bang ok ka?"

"Oo ayos lang ako kaya wag kanang mag-alala pa tska baka trangkaso lang toh." Tinignan lang ako ni Jisoo na may pag-aalala kaya naman nginitian ko lang siya para sigurong ok lang talaga ako.

Sa pagpasok ko sa kwarto ay bumungad sa akin ang mahimbing na natutulog si Jimin. Hindi ko kung bakit nitong makalipas na araw ay gustong gusto ko siya laging nakikita yung tipong ayaw ko siyang umaalis sa tabi ko. Naweweirduhan na ako mismo sa sarili ko pero baka epekto lang ito ng sakit ko.

Jimin's Pov

Nagising ako sa alarm at sa pagmulat ko ay bumungad sa akin ang napaka gandang nilalang na nakakapag paganda lagi ng araw ko. Dahan dahan akong bumangon para hindi siya magising pero napabalik ako ng wala sa oras ng bigla niya akong hinatak pabalik sa kama at niyakap ng mahigpit.

"Hyung." Tawag ko sa kanya.

"5 more minutes." sabi niya in morning voice niya kaya naman niyakap ko din siya pabalik.

Andito ako ngayon sa office at muntik pa akong malate dahil ayaw akong pakawalan ni Yoongi hyung. Ngayon ko lang napansin na ilang araw na rin siyang clingy sa akin. Magheheat cycle na kaya siya?

"Mr. Park may bisita po kayo si Ms. Kim." Tumango lang ako sa secretary ko.

"May kailangan ka?" Bungad ko agad sa kanya.

"Yan agad? Hindi ka man lang nangamusta." Pabirong sabi nito kaya naman umiling iling ako habang nakangiti sa biro niya.

"Anyway I think you should pay more attention to Yoon." Tinignan ko lang siya ng may pagtataka.

"Ayoko ng dagdagan ang clue na binigay ko sayo so byeeeeeee." Bago pa ako magsalita ay nagmamadali na siyang lumabas ng opisina.

Tinawagan ko ang pangalawa ko ng ina na nag-alaga din sa akin noon na ngayon ay nagbabantay kay Yoongi. Maya maya pa ay sinagot niya agad ito.

"Hello Jimin anak."

"Ah Nay ano po lagay ngayon ni Yoongi?"

"Naku ilang araw ng nahihilo yun at sinasabing masama ang pakiramdam pero malakas naman siyang kumain kaso lagi nga lang nakakulong sa kwarto niyo o di kaya naman ay nakatambay sa garden."

"Thank you po paki-alagaan na lang po siya."

"Naku wala yun para ko na rin naman kayo anak ni Yoongi! Oh siya ibaba ko na dahil sigurado akong marami kapang gagawin."

"Sige po thank you ulit!"


A/N: Hi! Lagi kayong mag-iingat lalo na sa sitwasyon nating lahat. Sana matapos na itong corona virus anyways laging maghuhugas na kamay bago kumain lalo na kapag galing sa labas ng bahay.

Wine (Yoonmin ff) ✔✔Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon