[ CHAPTER 2 ]

13.8K 213 11
                                    

MAAGANG umalis si Jackson sa kanilang bahay. Tulog pa siya nang umalis ito.

 Pababa na ng hagdan si Pamela nang mabungaran niya ang madrasta suot ang pekeng mga ngiti sa mukha.

"Surprise?"untag nito at sinalubong siya ng halik sa pisngi.

"Ano po ang ginagawa niyo dito?"alam niyang plastic ang pakikitungo nito sa kanya subalit sinasabayan niya na lang.

  years simula nang mamatay ang kanyang ina dahil sa isang car accident but after 10 years muli itong nag-asawa dahil sa kagustuhan nitong magkaroon muli ng isang masayang pamilya.

 "Nandito ako para bisitahin ka."

Naglakad sila patungong sala at naupo sa sofa.

"Ano po ba ang meron?"

"Birthday ni Cassie sa friday, nandito ako para personal kayong imbitahan,  nasaan ang asawa mo?"luminga-linga ito sa buong paligid.

"Ah, nasa office na po."

"Ganun ba?"

Nangunot ang noo nito.

Bakit napaka aga naman? parang may iba namang dinadaanan ang asawa mo."ngumisi ang ginang.

Nakaramdam ng pagkainis si Pamela ngunit gayon pa man ay  pilit niyang pinakalma ang sarili. Hindi niya nagustuhan ang biro nito sa kanya. "Marami kasi ang ginagawa sa munisipyo."

"Ganun ba? O sige, sasabihin ko na lang kay Cassie na daanan ang asawa mo para sabihin dito ang magaganap sa friday."tumayo na ito.

"Ako na po ang magsasabi."tumayo narin siya.

"Ay hindi na! si Cassie na."nakangiti nitong winagay-way ang kamay.

Bumuga siya ng hangin. "Sige po. hatid ko na po kayo."hinatid niya ito sa harap ng kanilang bahay, naroon ang sasakyan nito na nakaparada. May isang bodyguard doon na naghihintay sa tabi ng pinto ng sasakyan.

Muli itong humarap sa kanya at ngumiti.

"Alis na 'ko, 'yong sinabi ko sayo. pumunta ka ha?"kimi siyang ngumiti at tumango.

Sumakay na ito sa kotse na ngayon ay tuluyan ng umandar. Muli siyang bumuga ng hangin bago pumasok sa loob ng bahay.

Dumiretso siya sa dinning room at naupo sa harap ng maraming masasarap na pagkain. Kakain siyang mag-isa. she use to it. ang mag-isa. Labing dalawang taong gulang siya  nang mawala ang kaniyang ina. Naging abala ang kanyang ama sa kanilang negosyo para makalimutan ang trahedyang nangyare sa kanila. Taon-taon itong nasa ibang bansa. Uuwi lamang ito tuwing kaarawan niya.

Halos hindi malunok ni Pamela ang pagkain.

Nainis siya sa kanyang sarili. Napasarap kasi ang kanyang pagtulog kaya hindi na niya ito naabutan sa pagpasok subalit nag-isip siya kung paano niya ito makikita. Pag kuwan ay napangiti siya nang maisipan niyang dalhan na lamang ito ng pagkain sa opisina nito. Binilisan ang pagkain.

Matapos niyang kumain dali-dali siyang nag bihis. nagbilin narin siya na ipagbalot ng pagkain si Jackson at hahatiran niya ito sa munisipiyo. Sigurado siyang hindi ito kumain kagabi dahil sabi ni manang trining ay dumiretso na agad ito sa kanyang kwarto.

Lingid sa kanyang kaalaman ang kasama nito nitong babae kagabi at katabing matulog.

Hindi na  sinabi ni manang trining ang tungkol sa kasama kagabi ni Jackson dahil ayaw siya nitong nakikitang nasasaktan.  Hindi dahil sa kinukunsinti ng ginang ang pagdadala ng babae ni Hernan sa kanilang tahanan ayaw narin niya makisali sa buhay ng mag-asawa at makitang masaktan ang babae. Anak narin kung turing nito sa kanya kung kaya't labis din itong naghihirap sa twing lumuluha si Pamela.

LOVING MY BEAST HUSBANDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon