[ CHAPTER 6 ]

11.7K 183 10
                                    

"STAY AWAY FROM HIM."


Nang makauwi sa Mansion sina Jackson at Pamela. Tinungo agad nila ang silid ni Pamela ang akala  niya ay hindi na ito papasok sa loob ng silid subalit nagulat siya nang pati ito ay pumasok at dire-diretsong huminto sa gitna ng malawak na kwarto ni Pamela.Noon kasi kahit pagdaan sa kwarto ni Pamela o kaya'y sumilip man lang ay hind nito magawa. Ngayon nakakailan na itong pasok sa kwarto niya.


Hanggang ngayon ay hindi magkanda-ugaga sa pagkabog ang dibidb niya lalo na nang makita nya na mas sumeryoso ang mukha ni Jackson."Pero hindi ko siya kilala, Jackson."


Nang tingalain niya ang lalaki ay taimtim itong nakamasid sa kanya. Feeling niya kahit anong oras matutumba sya kung magiging matagal sila sa ganitong sitwasyon. Lakas loob niyang sinalubong ang nakakapanlambot nitong mga tingin.Nakapamulsa ang lalaki sa harap niya.


"You have to be careful Pamela.."


Mababaw ang boses ng lalaki subalit ramdam niya ang babala sa tinig nito. Bigla tuloy siyang kinilabutan.


Biglang nag bago ang kulay tsokolate nitong mga mata. Nakita niya ang galit at ang pagliyab sa mga mata nito."Lahat ng taong nakapaligid sa'kin, gusto akong pabagsakin."


Subalit mabilis rin itong nag bago nang tumingin si Jackson sa kanya. Namungay ang mga mata nito.


"Magulo ang mundong meron ako."


"They will do everything to get everything I have."


Pagkuwa'y biglang lumamlam ang mga mata nito at buong init iyong tumitig sa kanya.


"But you.."


Napalunok siya nang mas lumalim ang titig nito sa kanya.


"I won't let them touch you, I will protect you even if I might look bad in your eyes."Tila naging bingi si Pamela sa mga oras na 'yon. Hindi maproseso sa kanyang utak ang lahat ng sinabi nito. Parang sasabog ang dibdib niya sa sobrang lakas ng kabog.

...


HINDI MAKATULOG


Kanina pa pagulong-gulong si Pamela sa kanyang higaan. Ilang episode na ang natapos niyang K-drama subalit hindi niya maintindihan ang pinapanood. Nakatutok ang mata niya sa flat screen na nakasabit sa kwarto niya subalit ang isip niya ay nag-lalakbay. Hanggang ngayong kasi ay hindi mawala sa isip niya ang sinabi ni Jackson.


Ang buong akala niya noong makita siya ni Jacskon na kasama si Logan ay magagalit io sa kanya. Subalit taliwas iyon sa iniisip niya. Mas lalo siyang naguluhan nang gumuhit sa mga mata nito ang sakit. Bago siya nito tuluyang iwan sa silid.


Tumayo siya nang maramdaman niya ang pagka-uhaw. Nauhaw siya sa kakaisip. Tinahak niya ang daan patungo sa kusina madilim subalit hindi na siya nag-aala na buksan ang ilaw dahil mula sa sinag ng buwan na nag mumula sa glass window ng kusina. May sinag ng liwanag na tumatama sa loob.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Dec 11, 2023 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

LOVING MY BEAST HUSBANDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon