[ CHAPTER 5 ]

11.4K 181 8
                                    


HER BODY WANTED TO GIVE UP

Pero ang puso niya ay nanatiling matatatag kahit gabi-gabi ay iba't ibang babae ang kasama nito sa t'wing umuuwi ng bahay. 

At  sa bawat pagtatagpo na 'yon ay gusto niyang hilain si Jackson palayo sa mga babaeng kasama. Gusto niyang sabihin sa babaeng nasa harapan nito na siya ang asawa nito sa t'wing tatanungin ng mga ito kung sino siya.

 Subalit para siyang naubusan ng boses. hindi niya maisantinig ang nais na sabihin. Minsan ay maaga na ito kung umuwi at agad din umaalis. Ni hindi ito nagtatagal sa kanilang bahay ng limang minuto. Kung minsan nasa bahay ito ngunit nagkukulong lang sa library o di kaya'y sa  office nito sa kanilang bahay.

Hindi siya nito kinakausap maski tinatapunan ng tingin. Para siyang hangin dito.

Bagaman naghihirap ang kanyang kalooban. Pinipilit niya paring ngumiti sa harapan nito. Pinapakita niya sa kanyang asawa na hindi siya natitinag kahit anong gawin nito. Pinapakita niya na kahit anong mangyari ay hindi siya magsasawang hintayin at mahalin ang asawa kahit durog na durog na siya.

Hindi siya nag sasawang dalhan ito ng nilutong pagkain sa opisina kahit pinagtutulakan siya nito paalis.

Laylay ang kanyang balikan ng tahakin niya ang daan pauwi sa kanila. Hindi kasi siya nagpasundo kay Domingo dahil mas gusto niyang maglakad-lakad. Makulimlim naman ang panahon kaya hindi mainit. Inabutan niya ang opisina ni Jackson na walang tao. Ang sabi ng mga tao doon ay umalis ito at hindi nila alam kung saan nagpunta.

Bitbit niya ang paper bags na may mga lamang pagkain.

Maaga pa naman siyang gumusing para ipagluto ito ng pagkain kahit alam niyang masasayang lang ito.

Bago umuwi, pumunta muna siya sa isang bangketa, balak niya kasing ipamigay na lang ang pagkain sa mga homeless people na natutulog lang sa tabi ng kalsada. Sayang naman kasi kung itatapon lang ito. Inabutan niyang mga tulog ang mga ito kaya iniwan niya na lang ito sa tabi ng matandang babae saka tahimik na umalis.

Mabagal ang kanyang paglalakad. Dinadama kasi ni Pamela ang sariwang hangin. Maraming puno ang nakapalibot sa nilalakaran niya kaya malamig ang hanging dumadampi sa kanyang balat. Nagmumuni-muni siya.

"Excuse me miss."napatigil siya nang may kumalabit sa kanyang likuran. Tumingin siya sa taong iyon subalit halos hindi niya makita ang mukha nito dahil sa suot na sumbrero. Mapupulang labi lang nito ang kanyang nabubungadan. Sa hitsura nito ay parang may pinagtataguan.

Subalit pakiramdam niya'y pamilyar ang stranghero. 

"Y-Yes?"

"If you don't mind, can I ask you something?"

Tumango si Pamela.

"Saan ko ba makikita ang hotel na 'to."may inabot ang lalaki na maliit na papel kay pamela binasa niya iyon.

'Prologue Hotel.'

Alam niya ang lugar na hinahanap nito. Isa ito sa mga pagmamay-ari ni Jackson.

"Medyo malayo kapa dito."

Hindi inaalis ni Pamela ang tingin sa maliit na papel.

"Sumakay ka ng taxi tapos sabihin mo sa driver sa 30th Street sa Prologue Hotel. Alam na agad ng driver 'yun."binalik niya sa lalaki ang papel.

Lingid sa kaalaman ni Pamela, nakatitig lamang ang stranghero sa kanya. Halos hindi na ito kumurap.

Nang hindi sumagot ang lalaki, sinilip niya ang mukha nito. Para kasi itong naistatwa sa kinatatayuan nito. Subalit mabilis itong yumuko para itago ang mukha. Bahagya pa nitong inayos ang sumbrerong suot.

"Hello?"

Pumitik siya sa mukha nito.

"Thanks."

Mabilis nitong sambit.

Ngumiti lang siya dito at saka tumalikod. Naglakad siyang muli habang palingon-lingon sa buong paligid.

Napadako ang tingin niya sa isang coffee shop. Salamin ang ding-ding nito kaya kita niya ang isang taong pamilyar na nakaupo doon habang nasa harapan nito ang isang babae. Agad niyang naramdaman ang paninikip ng dibdib.

Hindi niya namalayan na tinatahak na ng mga paa niya ang coffee shop at wala sa sariling pumasok doon. Naupo siya sa bakanteng upuan malapit kay Jackson. Nakatalikod ito sa kanya kaya hindi siya nito nakita.

"How's married life?"rinig niyang tanong ng babaeng kasama ni Jackson.

"It's boring."naramdaman ni Pamela na parang pinupunit ang puso niya.

"Pero kung ako ang napangasawa mo, hindi ka maboboring."malambing ang boses ng babae.

"I know that, babe."sagot ni Jackson.

Huminto ang kanyang paghinga ng mapagtanto ni Pamela ang mga narinig. Nanigas siya habang nakatitig sa lamesang nasa harapan niya.

Hindi na siya nakatiis. Tumayo siya at tumayo sa gilid ni Jackson. Naikuyom niya ang kamao. Bahagya pang nagulat ang babaeng kasama nito at napatayo.

Tumingin sa kanya si Jackson, hindi man lang nagbago ang reaksyon ng mukha nito. Blangko ang mukha nito ng lingunin siya. Nakita na kasi siya nito sa labas.

"What the hell are you doing here, Pam."mariing sambit ni Jackson.

Hindi siya nakapagsalita. Nakatingin lang siya kay Jackson. Gusto niya itong sigawan subalit naubos ang kanyang boses. Nanlalabo ang kanyang paningin habang nakatitig siya dito subalit malinaw sa kanya ang pandidiring tingin habang nakatunghay sa kanya. Napakurap siya pumatak ang kanyang luha.

Naramdaman niya ang isang kamay na humawak sa kanyang pulso saka siya nito hinila palabas ng coffee shop. Dinala siya nito sa lugar kung saan wala masyadong tao. Kung sino man ang taong gumawa nun ay malaki ang kanyang pasasalamat sa ginawa nito. Nang mahimasmasan siya. Inangat niya ang tingin sa taong humila sa kanya.

Iyong lalaking nakasumbrero kanina ang bumungad sa kanya.

"Bakit kayong mga babae, ang hilig niyong saktan ang sarili niyo."napakurap siya.

Hinubad nito ang itim na leather jacket at isinuot sa kanya. Inalis nito ang suot na sumbrero dahilan para makilala niya ang stranghero. Ito ang lalaking nakausap niya noong isang araw.

Si Logan..

"You?"

Nanlaki ang mata ni Pamela.

"Yes it's me.."

Nakangisi ang mapupulang ng lalaki labi.

"I know I don't have the right to ask, boyfriend mo ba 'yon?"tanong nito. Sandaling naglikot ang mata mga ni Pamela. Napayuko na lamang siya at tumitig sa lupa.

"A-Asawa.. a-asawa ko siya."

Mahina niyang sambit. Nanlulumo si Pamela.

Hindi nakaimik ang lalaki.

"She's right, I'm her husband."nanigas si Pamela ng maramdaman niya ang mahigpit siyang hawakan sa pulso ni Jackson.

Inalis ni Jackson ang jacket na nakapatong sa balikat ni Pamela. Nalaglag iyon sa lupa. Sinundan pala sila nito. Pakiramdam ni Pamela ay may pakielam ito sa kanya. Subalit mabilis na nawala ang masayang naramdaman ni Pamela ng maalala muli niya ang nangyari kanina.

"Stay away from my wife, Logan."mahinahon subalit mariing sambit ni Jackson. Nagulat pa si Pamela dahil kilala nito ang lalaki.

Hindi na nito hinintay na magsalita si Logan, hinila na siya nito paalis sa lugar kung nasan man sila at pinasok sa kotseng nakaabang. May nakatayong guards doon at pinagbuksan sila ng pinto.

Sa hitsura ni Jackson ay mukhang hindi nito nagustuhan ang nangyari bigla ay parang nanginig ang tuhod ni Pamela. Tahimik lang ito sa buong byahe ni walang nagsasalita sa kanilang dalawa. Pakiramdam niya tuloy ay napakalaki ng kanyang kasalanang nagawa. Mariin siyang napapikit.

LOVING MY BEAST HUSBANDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon