"ANG GANDA MO NAMAN PO!"
Isang maliit at matinis na boses ang nag pagising na naglalakbay na diwa ni Pamela.
Alas otso na ng umaga nang maisipan niyang maglakad-lakad sa labas ng kanilang mansion. Nakatira sila sa isang exclusive Village sa Makati, tahimik at maaliwalas ang labas st rin wala masyadong tao ang makikita may mangilan-nginlan subalit abala ang mga ito sa pag eexcersise. May mga nag jo-jogging at dumadaan na mga nakabike.
Dumako ang tingin niya sa batang babae na biglang sumulpot sa harap niya. Nakasuot ito ng pink na t-shirt na may barbie na print at itim na short. Pink din ang suot nitong tsinelas nakangiti ito kaya bumungad sa kaniya ang bungi nitong ngipin.
Nginitian niya ang bata at lumuhod para makapantay ito. Bigla ay nawala ang bumabagabag kay Pamela ang kanina'y mabigat na pakiramdam ay napalitan ng pagkaaliw. Lalo niya nang masalubong niya ang kulay tsokolate at mapupungay na mga mata nito.
"Thank you, baby girl what's your name?"
"Nabi po."
Mas lalo siyang napangiti. Nabi means butterfly in korea.
"Your name suits you."
Mas lalong lumawak ang ngiti ng batang babae.
"Thank you po, pero mas maganda po kayo ma'am."
"Thankyou."
"Saan po kayo nakatira?"
Naaliw siya sa kainosentihan ng bata. Para itong angel.
"D'yan lang."
Ngiting-ngiti si Pamela nang inguso ang Mansion sa di kalayuan makikita agad ang bahay dahil ito ang pinaka mataas na bahay sa buong village.
"Yaman ka po pala?"
Natawa siya.
"Hindi naman po akin 'yan."
" 'Nino po pala?"
"Sa a-asawa ko ang bahay na 'yan."
"May asawa kana po?"
Masayang tumango si Pamela.
"Bakit sad po pala kayo kanina?"
She opened her lips but couldn't utter a word. Bigla siyang natigilan. Sa sobrang lutang ay napadako ang tingin niya sedan na papalapit sa kanila. HIndi tinted ang salamin ng kotse kaya kita ang sakay sa loob. Palabas ng village ang direksyon ng sasakyan.
She knows the owner of that car. Nang dumako ang tinigin niya sa driver seat hindi na siya nagulat nang makita si Jackson sa loob, Bagaman seryoso ang mukha hindi mawawala ang pagkamaaliwalas nito sa suot na white t-shirt.
Bumagal ang pag andar ng kotse nang dumaan sa harap nila. Hindi na niya inaasahang lilingon sa kanya ang nakasakay sa loob dahil tila mayroon itong malalim na iniisip. Subalit nagulat siya nang lumingon ang lalaki sa kanya malakas na kumabaog ang dibidib niya nang mag tama ang mga mata nila. Sandali niyang nakita ang pag kunot ng noo nito bago ito tuluyang lumagpas sa kanila. Hindi nakaligtas sa paningin ni Pamela kung gaano ka kataas ang bridge ng matangos nitong ilong at kung gaano kapila ang manipis na mga labi.
Sinundan niya ng tingin ang sasakyan hanggang sa unti-onti itong nawala sa paningin niya. Napabuga siya ng hangin.
" Nabi."
"Kuya!"
Napukaw ang atensyon nila nang may baritonong boses ang tumawag sa pangalan ng batang kasama niya. Isang matangkad na lalaki ang naghihikahos na lumapit sa kanila mahahaba ang mga biyas nito kaya ilang hakbang lang ay nasa harap na nila ang lalaki Salubong ang makakapal na kilay itong tumigil sa harap ni Nabi. Kahit pawis na pawis ay naamoy parin ang men's perfume na ginamit nito.
BINABASA MO ANG
LOVING MY BEAST HUSBAND
RomanceAnonymous Society 1: Her body wanted to give up. Subalit ang puso niya ay nanatiling matatag. Even their marriage was just an arrangement but for Pamela it was a nice gift. Kahit ibang babae ang nag mamay-ari ni Jackson hindi niya ito susukuan hangg...