Sila, Ikaw at Ako

39 4 2
                                    

Hatinggabi,
at tinatanong mo ang sarili.
Nakaharap sa salamin
at nakatitig ng mabuti.

"Ano nga bang meron sila
na sa akin ay wala?"
malungkot mong tanong
sa iyong repleksyon.

Animo'y isang mahika
ang nagpagalaw sa iyong repleksyon
nang ito'y ngumiti
at marahang haplusin ang iyong pisngi.

"Bakit hindi mo makita na ika'y maganda?
Bakit nakatutok ka sa mukha ng iba?
Paano nila matatanggap ang iyong mukha kung ito'y iyong kinahihiya?

Lahat ng meron sila'y wala ka pagka't ika'y kakaiba.
Kakaiba sa pinakamagandang paraan.
Pinakamaganda sa mata ng iilan.
Tama na ang pagkuwestiyon sa sarili dahil ikaw ay espesyal."

Nocte VerbaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon