Bagyo at Bahaghari

24 3 0
                                    

Napakaraming kabataan ang nahihirapan ngunit ni isa sa mga magulang ay ayaw silang tulungan.
Gabi-gabing umiiyak dahil sa bigat na nararamdaman ngunit patuloy pa ring humahalakhak sa harap ng mga kaibigan.
Araw-araw pilit ang mga ngiti dahil sa sakit na nakakubli.

Bakit ganito ang mundo?
Mistulang pinaglalaruan tayo.
Bakit hindi nila maintindihan na may nararamdaman din tayo?
Bakit akala nila'y sila lang ang may karapatang magreklamo?

Sige't tumahan ka na...
Lagi mong tatandaan na pagtapos ng bagyo'y may bahagharing kumukulay sa kalangitan at muling magpapasaya sa mga mata mo.

Nocte VerbaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon