Nais kong tumakbo,
lumayo,
at takasan ang lahat
ng nararamdaman ko.Ngunit paano?
Paano ko tatakasan ang sarili ko?
Paano ko aalisin ang
lahat ng bigat na dala ko?Paano ako makakatulog ng mahimbing at hindi mamomroblema sa aking paggising?
Paano ko tatakasan
ang sariling damdamin?Paano ako titigil sa pagkwestiyon sa sariling kakayanan
kung mismong pamilya ko ang naglulugmok sa'kin sa putikan?
BINABASA MO ANG
Nocte Verba
PoetryAng nocte verba ay hango sa salitang latin na ang ibig sabihin ay mga salita sa madaling araw.