Mapanlinlang na mga mata.
Mapanlinlang na mga tawa.
Mapanlinlang na mga salita.
Bakit walang nakakakita?Isa akong huwad na
nagtatago sa maskara.
Isa akong huwad na
nagpapanggap na masaya.Nais ko sanang makita nila ang
tunay na nadarama.
Ngunit sa mga oras na ako'y handa,
lagi silang wala.Mapanlinlang na mga mata.
Mapanlinlang na mga tawa.
Mapanlinlang na mga salita.
Sino ang makakakita?
BINABASA MO ANG
Nocte Verba
PoetryAng nocte verba ay hango sa salitang latin na ang ibig sabihin ay mga salita sa madaling araw.