Bukang-Liwayway

19 3 0
                                    

Ang huni ng mga ibon sa himpapawid,
Ang dagat ng mga ulap sa langit,
Ang iyong mga kapatid na naghahagikhikan sa gilid,
At ang pagiging kalmado ng paligid.

Hindi ba't kay ganda naman ng mundo?
Bakit iniisip mo na malupit ito?
Bakit nagkukulong ka sa banyo?
Dahil ba sa nakaraan mong negatibo?

Maaari ka namang bumangon mula rito.
Maraming nagmamahal sa'yo.
Tulungan mo ang sarili mo.
Gagabayan ka ng mga minamahal mo.

Hindi ka nag-iisa.
Nariyan ang iyong mga kaibigan at pamilya.
Maiksi lang ang buhay para sayangin ito.
Tumayo ka at gawin ang mga bagay na magpapasaya sa'yo.

Hindi ang pananakit mo sa sarili mo.
Kundi ang mga bagay na dati ay hilig mo.
Napakalaki ng mundo para magpalamon ka sa negatibo.
Bumangon ka na at harapin ang mundo.

Nocte VerbaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon