Banyo

24 3 0
                                    

Nakaupo sa malamig na sahig ng banyo.
Iniisip kung bakit ganito ang mundo.
Bakit lahat ay kasalanan ko?
Bakit lahat ng gawin ko ay mali sa paningin ninyo?
Kulang pa 'yan sa lahat ng tanong sa tumatakbo sa utak ko.

Nakaupo sa malamig na sahig ng banyo.
Nalulungkot ako.
Pakiramdam ko ay mag-isa ako.
Kung sabagay ay sino ba namang magtya-tyaga sa isang tulad ko?

Napakagulo ko.
Maraming bagay ang tumatakbo lagi sa utak ko.
Minsan ay madilim na ang nakikita ko na miski ako'y natatakot na sa sarili ko.
Ayokong dumating sa puntong hindi ko na makilala ang sarili ko kaya kailangan kong tumayo.

Nakaharap sa salamin sa banyo.
Kausap ko ang sarili ko.
Lalabas ako ng banyong ito at hindi na babalik para magtago.
Hindi na dapat ako umiyak sa banyo.

Nocte VerbaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon