Gamu-gamo

16 3 0
                                    

Ano ba talagang
nais mong mangyari?
Ang umarte akong animo'y
naniniwala sa iyong mga sinasabi?

Nais mo bang patuloy akong umasa sa'yo?
Hindi ko makuha ang takbo ng utak mo.
Hindi ko gusto ang patutunguhan nito.

Parang awa mo na...
Patayin na natin ang kandilang iyong sinindihan
pagka't ito'y masama sa katulad kong gamu-gamong hindi ka pwedeng lapitan.




Maihahalintulad kita sa isang apoy ng kandila at ilaw sa sala.
Ako naman itong gamu-gamong pinagmamasdan ka.
Hindi tayo maaaring mag-isa pagka't sa oras na lapitan kita, ako'y mawawala.

Nocte VerbaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon