3

651 22 0
                                    

Lumipas ang mga araw  at hindi pa rin daw bumabalik iyong sigla ni Justin. Kapag practice daw, practice lang. Kahit sa mga vlogs daw nila malimit na siya makigulo. Pagkatapos daw ng practice, konting pahinga lang daw ay magsa-shower na siya at di na makakausap.

♡♡♡♡♡


Sabado ngayon at may taping sila pa sa isang talk show. Hindi naman kailangan ng audience kaya two fansites each member lang ang tinawag ng road manager nilang si Kuya Tim.

"And cut!" The director yelled.

Pumunta ang lahat sa dressing room at ako naman ay sinundan si Justin sa paglalakad habang kinukuhanan siya ng litrato -- fansite duties. He isn't smiling, nakayuko lang siya unlike before na kapag ganito todo pose at smile pa siya -- he even give his wackiest of the wackiest shot of all time. Pero ngayon wala, ganito na ba talaga siya forever? Paano na iyong Justin na maloko na kilala ng mga fans niya? Ng mga tao sa paligid niya? We love him because of his talent and we even love him more because of his great personality. Hahayaan niya nalang bang mawala ng tuluyan iyong dating Justin na mahal namin?

"Justin, kahit isang ngiti lang for my shots." Sabi ko sa kanya habang naglalakad patalikod.

Inangat niya ang ulo niya at tinignan lamang ako. Hindi man lang siya ngumiti or tumigil man lang sa paglalakad.

I stopped. Linagpasan niya lang ako and I just threw his back body a glance.

Bumuntong hininga ako at sumunod nalang sa paglalakad.

Maagang natapos ang taping, alas-sais palang pack-up na kaya nag-aya si Kuya Tim sa condo niya para maghappy happy dahil yun na ang third to the last show nila sa ngayong taon. Bukas ng gabi sa isang festival at very light lang ng appearance nila dahil kakantahin lang nila iyong movie OST for promotion then next Saturday ay sa isang school event sa province.

Sampu lahat ng fansite na pumunta sa event ngayon. We are all invited kaya pinasabay na kami sa van ni Kuya Tim at ng SB19. Ate Jen, Ate Karen, Ate Tiffi and I will hop in SB19's van since di kami kasya sa van ni Kuya Tim.

I sat on the farthest back of the van with Kuya Ken and Ate Tiffi (Ken's fansite) Busy sila sa pagcheck ng pictures sa camera ni Ate Tiffi and talking about what pictures to release.

"Hoy, Justin. Miss na namin pasmado mong bunganga." Sabi ni Kuya Stell sabay tawa ng makapasok si Justin sa loob ng van. Sinulyapan ko siya, wala man lang siyang reaksyon.

"Baby Shark, miss ko na gilagid mo. Tawa ka naman jan oh."

"Sejun, ang daming pwedeng mamiss gilagid pa talaga." Josh commented.

"Miss na daw ng Brightest Star fansite-nim mo ang mga ngiti mo." Tukso ni Kuya Ken na nakaupo malapit sakin.

"Chicken, tumigil ka nga!" Sabay palo ko sa balikat niya, "Kita mong wala sa mood ang tao."

Una kaming nakarating sa condo unit ni Kuya Tim. Naipit daw sila sa traffic dahil sa isang aksidente sa daan. Buti nalang at na kay Kuya Sejun ang bag niya, hindi na kami naghintay pa sa labas para sa susi.

"Bili na daw tayo ng pagkain sa baba sabi ni Kuya Tim." Sabi ni Kuya Stell na naglalakad palabas ng kusina habang hawak ang isang baso ng tubig.

"Wait lang, okay. Pahinga muna." Sagot naman ni Kuya Ken na humilata agad sa sahig.

"Ako nalang bibili, papasama ako kina ate Jen." Pagbo-volunteer ko.

"Nasa banyo si Jen, masakit tiyan. Kay Karen nalang o kaya kay Tiffi."

"Wait lang guys ah, nasira camera ko. Ayusin muna namin ni Tiffi." Ate Karen said habang kinakalikot nila ni ate Tiffi ang camera niya.

"So, okay. Rest well. Ako nalang bibili. Nasan pera?"

Brightest Star [SB19 Justin FanFic]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon