7

576 25 0
                                    

[Special Chapter for my Special Boy -- Justin]

I love you.

Yan ang huling mga salita na nakasulat sa love letter na binigay niya sakin noong unang pagkikita namin.

Sa una, isa lang siyang tipikal na Aurum sa mga manunuod. Lagi siya nandoon sa baba sumisigaw, kumakanta habang hawak ang mukha kong nakaprint sa isang board at ang camera niya.

Lagi siyang nandoon, nakangiti. Hanggang sa makasanayan na siya ng mga mata ko. Sobrang sanay nila, siya nalang ang hinahanap ng mga 'to tuwing nasa isang show kami. Hindi kumpleto ang pagiging SB19 Justin ko kung hindi ko siya masilayan.

Hindi ko alam kung kailan pa. Kung kailan magmula noong hanapin siya ng buong pagkatao ko.

Hindi ko na pinag-isip ang sarili ko. Basta ang alam ko lang, isang araw, importante na siya sa buhay ko. Hindi lang bilang isang fansite o fangirl, kundi siya mismo.

Hindi ko naman talaga sinasadyang idamay siya sa kung ano mang stress na nararamdaman ko dahil sa mga issues na kakambal ng mga bashers ko. Pagod ako noon, hindi gumagana ang utak ko. Ang gusto ko lang ay mablangko at pansamantalang i-shut down ang isip ko.

Hindi ko sinasadyang sigawan siya.

Hindi ko gustong masaktan siya ng mga masasakit na salita na sa akin mismo galing.

"Sino ka ba ha?"

Isang tanong na gusto ko ako mismo ang sumagot para sa kanya.

Sino ba siya ha?

Siya lang naman ang Star na nagbibigay ng liwanag sa madilim kong kalangitan.

Hindi ko kailangang makita ang buwan tuwing gabi, siya lang nagpapaganda ng kalingatan ko.

Korni ba?

Ganun yata talaga kapag in love.

Sa tuwing umaga, pwede na niyang palitan ang pinakamalapit na bituin sa kalangitan na nagbibigay ng liwanag sa mundo.

Pero pwede bang sa mundo ko nalang siya magbigay ng liwanag? Huwag na sa iba.

Malulungkot ako sa tuwing masaya siya kasama ang iba. Gusto ko sana sa'kin lang siya masaya. Gusto ko sana ako lang.

Handa akong kumanta at ngumiti hanggang sa dulo kahit mga lente niya lang sa mata ang tititigan ko.

Makasarili ba ako kung gusto ko ako lang sana? Ako lang sana magpapasaya sa kanya kasi siya ang nagpapasaya sa'kin ngayon.

Nang makita ko siyang iba ang kinukuhanan niya ng litrato. Para gusto kong magwala. Parang nawala sakin lahat. Parang gusto ko siya hilain at ipagdamot sa iba.

Pero hindi ko naman magagawa iyon. Hindi naman siya sakin, hindi ko naman siya pag-aari.

Gusto ko sana na ako nalang ang SB19 Boy niya. Siya kasi ang Brightest Star ko.

Pero ngayon pa ba ako hihiling ng ganito? Kung kailan nasaktan ko na siya? Kung kelan hindi na ako ang nagpapasaya sa kanya.

Ako nalang 'yung Justin na minsang idolo niya at ngayo'y nanakit sa damdamin niya.



"Kinamusta niyo na ba si Star?"

"Kahapon, bakit Karen?" Tanong ni Sejun habang naglalakad palabas ng building.

Kakatapos lang ng TV appearance namin at lahat kami nag-aaligaga ng makauwi. Bitin ang tulog namin, halos alas dose na kami nakauwi galing sa gathering at pagkatapos ay may biglaang sched pala kami kinaumagahan. Biglaan lang, kaya kahit antok na antok pa ay tumayo nakami ng alas kwatro para mag-ayos.

Brightest Star [SB19 Justin FanFic]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon