"Ano di ka talaga pupunta?"
"Hindi eh. May pupuntahan kami ni Mama."
"Sayang naman, namiss ka ng mga boys. Nung gathering di ka na nakapunta eh."
"Sorry ate Karen, baka next year ko na ulit sila mami-meet. Pakisabi nalang Merry Christmas." Nakangiti kong sabi sabay abot sa kanya ng limang paper bag na may lamang Christmas gifts.
"Sige, sige. Balitaan nalang kita."
"Salamat ate ha. Bawi ako next time."
Isang buwan na yata ang nakalipas mula nung last meet ko sa SB19, yung last event pa nila. Hindi ako um-attend ng gathering dahil umuwi ako kina Mama noon --.. o baka ayaw ko lang talaga at nagdahilan lang ako?
Hindi ko alam, ang lakas talaga ng impact sa akin nung pagsigaw ni Justin, pati narin iyong mga salitang binitawan niya.
Hindi naman ako galit sa kanya, marupok ang ate niyo syempre kahit wala pa siyang sabihin -- okay na siya sakin. Ang akin lang, nasaktan lang ako at ngayon hindi ko alam kung nahihiya ba ako sa inasal ko noong oras na 'yon o ayoko lang mag-initiate na kausapin siya dahil natatakot akong mareject.
Baka kasi kapag naglakas-loob ako at kinausap siya, baka di niya lang ako pansinin.
So minabuti ko nalang na umiwas sa kanya. Wala naman siguro sa kanila 'yon diba, fan lang ako, marami pa silang ibang fans diyan, di sila kawalan sa isang tulad.
Lumipas ang pasko at bagong taon na "Merry Christmas" at "Happy New Year" lang ang pinadala kong messages sa kanila this holiday season. Kinumusta pa nila ako at nagpasalamat sa mga regalo na bigay ko pero hindi ko na sila nireplyan.
Maliban sa isa.
From: Baby Shark
Happy New Year to my Brightest Star. I'm praying for your genuine happiness. Miss na kita.
From: Baby Shark
Miss ka na namin.
I smiled and typed.
To: Baby Shark
Thank you. Happy new year. More blessings to come.
Syempre, marupok.
Gusto ko din sanang sabihin na miss ko na siya pero pinigilan ko ang kalandian sa katawan ko.
From: Baby Shark
See you soon. Sa February ang first event namin.
To: Baby Shark
Ok.
From: Baby Shark
:)
♡♡♡♡♡
My January went smoothly and February entered.
"Bakit ba hindi mo inimbita ang mga boys?"
"Nako, malayo 'tong bahay namin sa Manila. Chaka, diba sabi mo may gathering ulit mga Aurums today bago ulit mag-umpisa tour nila. Alangan namang papuntahin ko sila at may sched sila."
"Hay nako, kung di ko lang alam, iniwasan mo pa rin ba si Justin?" Tanong niya sabay subo ng shanghai sa bibig niya.
"Hindi no. Busy lang talaga ako."
"Sus! Ang tagal na ng LQ niyo ha. In all fairness din sa inyo, ang galing niyo magkimkim ng issue. Isipin mo, ilang months na wala pa ring nakakaalam kung bakit kayo ganyan."
BINABASA MO ANG
Brightest Star [SB19 Justin FanFic]
FanfictionTypical Aurum but until when will she be a typical fan to her favorite SB19 member named Justin de Dios? A/N: Mabilis lang ang phasing nito since gusto ko lang sana mapoint out yung mga important scene.