8

596 28 0
                                    

STELL's

Huwebes ngayon at araw ng practice ng grupo. Lahat kami ay pagod na pagod dahil sa kailangan naming maka - thirty na pasada sa performance na nakaschedule sa practice ngayong araw. Lahat kami napahilata nalang sa sahig ng practice room ng matapos namin ang pang-thirty.

"Guys, saan tayo pagkatapos dito?"

"Sa condo ni Josh. Mas malapit eh." Suhestiyon ni Ken.

"Darating ang mga pinsan ko mamayang alas otso. Hindi pwede sakin."

"Alas kwatro palang Josh, sasaglit lang naman para magpahinga bago kami bumyahe pauwi."

"Para namang may magagawa pa ako kapag si Leader-nim na ang nagsalita diba."

"Guys, masakit loob niya."

"Basta bago alas otso, mag-uwian na."

"Deal!" Sigaw naming lahat.

Inayos na namin ang mga gamit namin at nilinis ang practice room. Pagkatapos no'n ay mabilis kaming lumabas at sumakay sa grab car na binook ni Justin.

Pagdating sa condo ni Josh, bumungad samin ang mga kahon-kahong alcohol in-cans. Pati sa refrigerator niya may nakapalamig na din.

"Endorser ka ba ng alak, Josh? Parang ang dami mong rasyon."

"Binili ko yan dahil nga darating mga pinsan ko."

"Wow, galante ka pala." Sagot ni Sejun sabay bukas ng isang lata.

"Kayo muna bahala jan, ligo muna ako." Sabay balibag ng jacket niya sa mesa, "Huwag niyong ubusin yan ah."

Dahil hindi namin inaalala ang bukas, no practice tuwing Friday dahil rest day namin bago ang mga tours, uminom muna kami.

Kontrolado naman namin maliban kay Justin na halos isang lagok lang sa kanya ang isang in-can.

"Hoy, Justin. Masama kang malasing ah."

"Di naman ako nalalasing."

"Wow, sabi nu'ng lalaking nagwawala dati."

"Ano ka ba? Ang tagal ko ng di umiinom, si Mama kasi bad for my health daw." Sabi niya sabay inom ulit.

Pinigilan naman namin siya halos ilock na nga namin ang refrigerator ni Josh para lang di na siya makakuha pero mabilis ang lalaking to.

Pakurap-kurap pa siya habang nakatingin nalang sa mesa at hawak ang isang lata.

"Justin? Okay ka lang?" Tanong ko.

"Okay lang ba ako kung namimiss ko na siya?"

Lahat kami tinignan ang bawat isa.

"Jah, umuwi na tayo." Tumayo ako at nilapitan siya. Hinimas himas ko pa ang likod niya para kahit papaano ay gumaan ang pakiramdam niya.

"Bakit ganon? Nakita ko naman siya nung nakaraan, pero bakit di pa rin sapat?" Bigla niyang idinantay ang ulo niya sa katawan ko. Lumapit na rin si Sejun at kinuha ang hawak niyang in-can. Hinawakan din niya ang braso ni Justin para itayo.

"Jah, tama na yan."

"Hindiiiiii. Miss na miss na miss na miss ko na siya. Bakit hindi na niya ako kinakamusta ngayon? Ayaw na ba niya sakin? Nagsawa na ba siya sakin? Star, galit ka pa ba?" Bigla niya akong yinakap at umiyak sa braso ko.

"Sorry, di ko naman ginustong sabihin 'yon. Pagod ka na ba sakin?" Napasinok pa siya, "Punta ka na dito, Star. Gustung-gusto na kitang makita."

Wala kaming magawa kundi ang aluin lang siya at pakinggan sa mga hinanakit niya. Sa totoo lang, matapos naming subukang tanungin sa kanya ng isang beses ang naging problema nila si Star ay hindi na kami umulit. Ayaw naming makialam at alam naming magkukusang magsasabi si Justin samin kung kailangan niya ng tulong namin.

Brightest Star [SB19 Justin FanFic]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon