Pagpasok ko sa loob ng taxi ay agad akong pumwesto sa likod ng upuan ng driver at sinabi ang address ko.
I sent Kuya Stell a message saying I'm home kahit na ang totoo ay nasa kalsada pa ako.
♡♡♡♡♡
Akala ko nailabas ko na lahat ng luha ko sa taxi kanina pero pagdating sa apartment ko, may ibubuhos pa pala itong mga mata ko.
Masakit pala talaga na masampal ka ng katotohanan, ano? Na malaman mo sa mismong bibig ng taong mahal mo na wala ka lang sa kanya. Na isa lang akong hamak na fan na walang ginawa kung hindi ang sumunod sa kung saang lugar man siya kakanta at sasayaw. Though hindi man niya diretsahang sinabi pero that's his point diba?
Sorry self, I shouldn't exerted too much. Kasalanan ko naman, hindi dapat ako lumagpas sa guhit sa gitna ng isang fan at idol. Masyado kong tinulak ang sarili ko sa kanya. Sorry self, nasasaktan ka tuloy ngayon.
♡♡♡♡♡
The next day, sinabihan ko sila na hindi ako makakapunta today.
From: Kuya Manok
Bakit? Anong nangyari?
To: Kuya Manok
May ginagawa pa kasi ako. I need to finish it.
From: Kuya Manok
Sad naman, iyong camera mo pala. Na kay Justin. Sa kanya nalang namin pinauwi since mga mukha lang naman niya ang nandon.
To: Kuya Manok
Ok. Sabihan ko nalang si Kuya Sejun, sa kanya ko nalang kunin sa next event.
From: Kuya Manok
Bakit di nalang kay Justin?
He asked. I ignored it and put my phone on the side table.
Dahil ako lang mag-isa sa apartment at bored na bored ako. Binuksan ko iyong TV at wala sa sariling nanuod. I got bored, still.
I stood up at kumuha ng damit sa cabinet. I took a shower. I went inside my car after and drove off to the festival.
♡♡♡♡♡
Ang daming tao, medyo nakakapanibago na yung pakiramdam na nakikipagsiksikan ka sa mga fans. Everyone is wild, singing and chanting. Meron pang sumasaway. Sa kabilang corner ng festival ay mga booths.
Ilang minuto pa ay nagsalita na ang host sa stage saying that the stage event will start in a minute.
May mga groups na sumayaw, may mga kumanta, magic show and even perform a drama.
"And now, let's give it up for SB19!"
I took my phone on my bag at nakangiting kinuhanan sila ng litrato. I even captured a solo shot for Justin. After they performed umalis na ako at umuwi ng bahay.
Nag-edit ako ng pictures ni Justin at gumawa ng dummy account and uploaded them.
lucid_sky
[Photo]
You're doing well, Justin. ☺
#SB19_JUSTINLiked by universejunjun and 27 others
sb9teen: new fansite?
awesome19: waaaaah!! ang puge nemen ne Josten!
esbinayntin: Ganda ng mga kuha, parang mga kuha ni @/brightest.star
awesomeJoy: Akin ka nalang justin!! Uwi na kita. Love you!
BINABASA MO ANG
Brightest Star [SB19 Justin FanFic]
FanfictionTypical Aurum but until when will she be a typical fan to her favorite SB19 member named Justin de Dios? A/N: Mabilis lang ang phasing nito since gusto ko lang sana mapoint out yung mga important scene.