6

578 23 0
                                    

Kinabukasan matapos ang celebration ko ay hindi rin ako nakabyahe pauwi sa Manila and yes, hindi rin ako nakapasok sa trabaho.

My whole body feels like a whole world. Ang bigat ng pakiramdam ko at hindi ako makatayo ng maayos. Hindi rin nakapagbukas ng pet shop si Mama ng maaga dahil na rin sa pag-aasikaso sakin. I feel like a burden and I can't do anything about it.

"Anak, inumin mo muna 'tong gamit at pagkatapos magpahinga ka na sa kwarto mo." Nag-aalalang sabi ni Mama habang bitbit ang isang baso ng tubig at gamot.

"Ma, pwede po bang pasaksak ng TV." Dahan-dahan akong umupo sa sofa namin sa sala habang bitbit ang kumot ko na mula pa sa kwarto.

Para akong baliw sa itsura ko. I just tied myself hair in a messy bun, wearing a large white shirt, pajama pants and socks on. Hindi ko alam, lamig na lamig pa rin ako at parang kulang pa rin ang kumot.

Binuksan ni Mama iyong TV at inilipat sa Morning News.

"Star." Rinig ko sa labas. Mabilis namang lumabas si Mama at pinagbuksan ng gate ang maagang bisita.

Mukhang makikipag-almusal pa yata.

"Karen, ang aga mo ineng. Kamusta?"

"Okay lang po, nakaalis na po sa si Star?" Rinig kong tanong niya sa Mama ko.

"Nako, hindi siya makakaluwas ng Maynila ngayon. Ang taas ng lagnat."

Inabangan ko ang pagpasok nila sa pintuan. Nang makita ako ni Ate Karen ay pabigla siyang nagsalita.

"Star! Anong nangyari sayo?"

"Hay nako, ineng. Natyempuhan yata. Kahapon kasi nung hinatid niya yung pansit kay Manang Claring jan sa labas, hindi nagdala ng payong at nadatnan ng ulan."

"Para kang lumpiang di nabalot ng maayos sa itsura mo."

"Ate naman eh. Bakit ka na napadaan?"

"Sasabihin ko lang sana na may guesting ngayon ang SB19 sa Morning Rush."

"Oh, akala ko bang wala silang schedule?"

"Biglaan nga lang daw pagcontact sa kanila. Ginrab na rin daw ng management para dagdag promotion and exposure."

"Sinong fansite nandon?"

"Ayon na nga. Si Tiffi lang at Jen. Super biglaan. Kaninang madaling araw lang yata ang pasabi. Sakto pa namang umuwi ako dito kagabi after ng gathering. Sayang tuloy."

"Anong channel ba yon?" Tanong ko at inabot iyong remote sa tabi ko. Nilipat lipat ko ang TV channels.

"Eight yata, check mo. Mauna na ako ha. Baka madaanan ko pa sila kung sakaling walang traffic."

"Sige, salamat. Ingat ate Karen."

♡♡♡♡♡

Alas sais palang ng umaga at halos kakagising ko lang pero parang pagod na pagod na ang katawan. Gayunpaman, pinilit ko paring magstay sa sala para mapanuod ang ang guesting ng SB19 sa morning rush. Dahan-dahan pa akong humiga sa sofa.

"Dahil mahal namin kayong mga rushers, we'll going to present something special for breakfast."

"I think partner, umaga palang mabubuo na araw nila kapag nakita nila ang pa-almusal natin sa kanila."

"That's right, partner. So this morning, we're presenting to you SB19!"

At sunod sunod silang lumabas. They assembled and started to perform.

They never fail to amaze me. Everytime na napapanuod ko sila, napapangiti ako and everything always go well. Their soft harmony, parang ang gaan ng pagdaloy ng dugo ko sa mga ugat kapag niririnig ko.

Brightest Star [SB19 Justin FanFic]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon