1

1.6K 38 1
                                    

Hi! It's my first SB19 short story. Mabilis lang ang phasing nito since gusto ko lang sana mapoint out yung mga important scene.

I hope you leave comments.

ENJOY!

♡♡♡♡♡

"Good morning po."

"Yes, good morning. Please take a seat."

"Thank you po." Hinila ko ang isa sa mga silya at umupo. Sa oras na dumampi ang pisngi ng pwetan ko sa upuan ay bumukas naman ang pinto sa likuran ko. Dahil likas na sa akin ang pagiging usisera mabilis akong lumingon at doon nakita si Ate Karen na may mga kasamang iba. Nasa anim siguro sila o mas marami pa.

"Star, sila pala mga iba nating magiging kasama." Sambit ni Ate Karen.

"Hello po."

"So let's start." Singit ng lalaki na nasa harapan ng upuan ko. Siya Sir Tim, ang road manager ng SB19.

"Since bago lang siya at ayoko na ng paulit-ulit na explanation, kayo na ang bahala sa kanya. Basta Karen, you guaranteed me ha. I don't want any trouble."

"Yes, Kuya."

Umupo na ang lahat sa harapan ng mahabang mesa. Corporate table ito sa paningin ko dahil ganito ang nakikita ko sa office tuwing may meeting ang team namin.

He discusses the group's schedule for the rest of the year. Mula sa upcoming album na ire-release nila, fan signing events, mall tours and shows, guesting and everything that a fansite must know.

Yes, today I am officially signing in as Brightest Star -- the newest fansite of the group's youngest member -- Justin de Dios.

Nakilala ko sila thru ate Karen and social media. Trending sila anywhere mula sa Facebook news feed, Twitter and even Youtube. I wasn't interested  before since I am just head-over-heels to one KPop girl group only. Lahat ng bagong lumalabas na group, be it boys or girls, wala akong pakialam.

Not until ate Karen, gave me a picture of SB19 when I went back to our province for a short vacation. Hindi ko alam pero tinanggap ko 'yon at nang umuwi ako sa bahay hinanap ko sila sa Internet.

And boom, it started.

♡♡♡♡♡

"Ate Karen, kelan ang next tour nila?" Tanong ko noong makita ko siya sa harap ng tindahan.

"Next Sunday, punta ka?"

"Saan?"

"Sa Harbor Point."

"Olongapo?"

"Oo yata. Di ko alam eh. Nag-arkila lang ng service ang mga fansite para di na kami maproblema sa byahe."

"Ah," patango-tango kong sambit, "sige."

"Punta ka? Sabihan mo ako ha. Para kung sakali pag-uwi sabay ka na saken."

"Oo sana, kaso di ko alam puntahan 'yon."

"Kung pwede lang sana kitang isabay eh kaso kasi mine-meet pa kami ng management sa office nila bago ang tour na 'yon."

"Okay lang, chat kita."

♡♡♡♡♡

When a fangirl wants, she gets.

Hindi ko alam kung paano ako nakarating dito sa mall na 'to mag-isa habang bitbit ang mga paper bag na regalo ko para sa kanila. Basta ang alam ko lang ngayon masaya akong sumisigaw at nakikikanta sa SB19.

"Hope you guys enjoy the show, pero syempre po may inihanda din po kami para sa inyo." Hingal na sabi ni Sejun.

Sabay-sabay silang naglakad sa backstage at pagbalik nila ay may mga dalang rosas. They are singing softly.

The versatility inside each of them--.. Powerful voice to the softest among all. Kahit sino yata lulutang kapag narinig silang kumanta.

Sa kalagitnaan ng pakikinig ko sa boses nila ay ang paglitaw ng rosas sa harapan ko. I grabbed it and everyone around me squealed.

It was Stell, he sang and smiled at me. I muttered him "Thank you" at bumalik na sa stage.

Pagkatapos ng show ay ang meet and greet. Everyone who got photocard set on the entrance were eligible for the meet and greet at syempre may pagka sa manok ako, maaga ako kanina and I got one.

Kinakabahan pa akong umakyat sa stage kung saan naka - assemble ang mahabang mesa na kinaroroonan ng lima.

Una kong kinausap si Ken na parang mahiyain pero he tried his best to talk, pinirmahan niya 'yung photo card. Then, it's Josh, sa una aakalain mong si Hu Yi Tian siya na lumayas ng China at naisipan nalang mag-umpisa ng career sa Pinas, but no, meron sa kanya na nagpapatunay na si Josh siya ng SB19 at wala ng iba. Third one is Sejun, we both laughed nang tawagin ko pa siyang "Sejun oppa," he's good on entertaining a fan, I even got a  hug from him na talaga nga namang makakagaan ng pakiramdam mo.

"Oh, ikaw." Stell happily pointed me. Hawak ko pa ang paper bags na natitira kasama iyong rose na bigay niya kanina at nginitian siya. Bigla akong nahiya kasi Justin is watching us noong matapos niyang pirmahan iyong photo card ng isang fan. Justin's my ultimate bias on SB19.

"Kuya, thank you po." I shyly said.

"Mahiyain, bago ka lang ba?"

"Medyo po. But I already attended three shows."

"Yan yung sinasabi ni Ate Karen kanina." Singit ni Justin.

Stell looked at him and crooked his brows and suddenly a bulb lit on his head, "Ah! Oo. Ikaw yung kapit-bahay ni Karen na patay na patay daw kay Justin?"

Bigla akong nahiya na para bang lahat ng dugo ko mula sa katawan eh umakyat na sa mukha ko. Pati yata iyong nasa napkin ko pumasok ulit at nagaligagang papulahin ako.

"Huwag kang mag-alala kung patay na patay ka sakin, nandito na ako para buhayin ka." Banat ni Justin at biglang tumawa ng malakas. Binatukan siya ni Stell at tumuloy sa pagpirma ng photo card ko.

Umusog ako ng kaunti at hinarap si Justin. Bigla akong kinabahan, ito kasi ang kauna-unahang pagkakataon na makaharap ko siya ng malapitan. Usually kasi kapag pumupunta ako sa mga shows nila ay bawal silang lapitan o kaya naman ay hindi ako nakakakuha ng meet and greet pass.

"Nahihiya ka ba?" He asked.

I just bit my lower lip at ngumiti sa kanya. Hindi ko alam kung bakit ganito ako, nag practice pa naman ako ng gagawin at sasabihin ko kagabi kapag nasa harap ko na siya. Pero wala rin, olats ang practice kapag nasa harapan ko na siya.

"Para sayo," I said and handed him the remaining paper bag. Sinilip niya yung sa loob at kinalkal.

"Wow, love letter." Sabi niya at inilabas ang papel sa loob. Binuksan niya ito at para bang binabasa.

"Hoy po," Basa niya at biglang tumawa. Tinakpan ko nalang ang mukha ko gamit ang isa kong kamay at sinilip siya.

He was reading the letter on his mind and smile at me when, I assumed, he finished reading.

"Thank you ah. See you sa next tour. Sabihin mo kay ate Karen, isama ka niya next time."

"Sige,"

"Anong pangalan mo?" Tanong niya pagkabukas niya ng pansulat.

"Star,"

"Wow, Star. Bagay sayo, para kang nanggaling sa langit. Ayie, kikiligin na yan."

Pinigilan ko nalang ang kilig ko at kinagat ang loob ng pisngi ko.

Justin, ano ka ba. Huwag mo ako masyadong pakiligin.

Brightest Star [SB19 Justin FanFic]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon