Secret Council Prologue

5.4K 134 60
                                    

PROLOGUE

Dito sa ilalim ng puno sa likod ng School kami nagkakilala ni Riku. Isa siyang graduating college student at ako naman ay first year pa lang. Nakaupo ako sa ilalim ng puno nang may bumagsak na libro. I looked up at nakita ko ang isang lalaking nakahiga sa sanga ng puno. Dahan-dahan siyang umupo at yumuko para kausapin ako.

“Pwede bang ihagis mo sakin pabalik ang libro ko?” Inaantok na sabi ng lalaki.

"Aahh." Napanganga na lang ako. Isang napaka-gwapong lalaki na tila anghel ang nakipagusap sa akin! Is this for real? Inayos ko ang salamin ko para makita ko ng maayos ang hitsura niya. Wow! ang cool nya.

Bagay na bagay sa maputi at makinis niyang kutis ang sikat ng araw na dumadampi sa kanyang katawan. Naka-uniform siya at alam kong estudyante rin siya ng paaralang pinapasukan ko. Hinahangin ang malalambot niyang mga buhok. Nakakainlove din ang boses niya.

“Ah.. Opo.” Sabi ko sabay abot ng libro. Wait? Am I blushing?! umiling iling na lang ako at napatingin ako sa cover ng libro. May nakasulat na pangalan.

“Riku?” Tanong ko. He leaned down at bigla niyang hinablot ang libro mula sa akin. Then he smiled.

“Bakit? Inlove ka na ba sa akin at ganyan ka makatingin?” Ngumisi lang siya.

Eeehh?! Nabigla naman ako sa sinabi niya. Alam kong nakakainlove talaga ang itsura niya pero bakit naman ako maiinlove agad e hindi pa nga kami gaanong magkakilala!?

Aaminin ko, gwapo siya pero... Basta! nababaliw na ba siya? Hindi ako yung tipo ng babaeng naiinlove at first sight. Sa sobrang kakisigan niya marahil sandamakmak na ang naghahabol sa kanya. Maraming karibal.

Ay! ano ba naman tong iniisip ko! Pero seriously. Iba ako sa mga iyon dahil hindi ako basta-basta maiinlove! ipinangako ko yan sa sarili ko.

“Ba’t ka natigilan? Nagbibiro lang ako." Sabi niya. "Tama ka. Ako si Akira Riku. Fourth year student. At ikaw? Ngayon lang kita nakita dito. Bago ka lang ba?” Dagdag nito.

“Ahh... ehhh... Opo. Nice meeting you Riku.” Bati ko sa kanya.

Biglang tumalon si Riku pababa ng puno. Tumingin siya sa akin. Nakatitig lang siya kaya ibinaling ko ang tingin ko sa ibang bagay.

Samantala, narinig ata kami ng medical doctor ng school namin. Si sir Oscar. Paano ko siya nakilala? Well, bago pa man magsimula ang first class ko, nahihilo na ako. siguro dahil sa salamin ko. So, pumunta ako ng Clinic. Sakto naman at naroon ang university doctor.

“Oh Riku, nandito ka pala." Sabi niya.  "Kamusta? Ayos na ba ang pakiramdam mo?Naiwan mo pala ang gamot na nireseta ko sayo sa clinic."

Masyadong focused si sir Oscar kay Riku kaya parang hindi niya ako napapansin. Sinamantala ko na ang panahong iyon para umalis pero masyadong maingay ang paglalakad ko kaya napatingin sa akin si sir Oscar.

“Aba, at may bago ka atang kaibigan ah. Hi Erica, nagkita na tayo sa Clinic kanina hindi ba?" tanong niya sa akin.

“Ah hehe... opo. Nice meeting you po sir Oscar.” ngumiti naman ako.

AY! ano ba yan! may klase pa naman ako. baka ma late na ako! I was thinking how to get out pero hindi ko inaasahan ang sunod na pangyayari. Inakbayan ako ni Riku at hinigit papalapit sa kanya. Masyadong mabilis ang pangyayari kaya hindi ko na napigilan pa.

Nakatingin parin si Riku kay sir Oscar. “Ah, Sir wala ka pa bang gagawin? Pasensya na pero busy kasi kami eh. May pinag-uusapan lang kami.” Nakangiti si Riku pero halata namang ayaw niyang makausap si sir Oscar sa oras na iyon ngunit ang pinagtataka ko ay kung bakit kelangan kasali pa ako sa alibi niya. Pwede naman niyang sabihin na may gagawin siya at mauna na siyang umalis?

Umalis na si sir Oscar. Napabuntong hininga naman kami pareho nang bigla kong naalala na nakaakbay parin sa akin si Riku.

*Lub-dub! lub-dub!*.

Nataranta ako kaya naitulak ko siya palayo sa akin.  Bigla niya akong hinawakan sa kamay at pareho kaming natumba. Napapikit ako.

*Blag!*

“Ahh… Aray… ambigat..”

Dumilat ako. Hindi ko namalayang nadaganan ko pala ang braso niya. Sinubukan kong tumayo agad at tulungan din siyang makatayo pero bigla niyang hinigit ang Ribbon sa damit ko at napasubsob na naman ako. Waaahh!! Ano ba!

Masyadong magkalapit ang mga mukha namin nang bigla siyang ngumiti.

*Lub dub! lub dub!*  Bumilis ang tibok ng puso ko.

“Ayos ka din pala kapag nahihiya. Masyadong namumula ang mga pisngi mo. Bakit di natin alisin ang salamin mo para makita ko ng lubos ang mukha mo?” Sabay tawa. Sinubukan niyang tanggalin ang salamin ko pero nagpumiglas ako.

Binitawan na niya ako. Mabilis akong tumayo at inayos ang damit ko. “Bakit mo ba ako inaasar?” kanina pa to ah?! Napipikon na ako.

“Masaya lang ako. Masama ba?” Malakas ang pagkakatawa niya. Nakatitig parin siya sa akin. Umupo na siya at tila may sasabihin pa ngunit inunahan ko na siyang magsalita.

“Sige na, Mauna na ako. May klase pa ako.” Halata ang pagkainis ko sa pangyayari. Ikaw ba naman ang pag tripan sa unang pagkikita ninyo. hindi ka ba maiinis?

“Ah ganon ba?” Biglang sumeryoso ang mukha ni Riku. May bahid ng lungkot ang mukha niya kaya naman nag alangan akong umalis. Teka?! bakit ba ako affected?

“May ayaw ka ba sa akin? Galit ka ba?” tanong ni Riku. Natigilan ako. Alam kong nakakainis ang ginawa niyang pangaasar pero hindi naman dahilan iyon para ayawan ko siya lalo naman ang magalit sa kanya.

“H-Hindi ah. Wala naman akong ayaw sa iyo. Hindi rin ako galit.”

“kung ganon, May gusto ka sa akin?” Bigla siyang ngumiti. Eeehh? Tumayo siya at lumapit sa akin. “Ansarap mo talagang asarin! Ha-ha-ha!” tumawa na naman siya. Sa sobrang inis ko ay itinulak ko siya uli at tumakbo na ako palayo.

Secret CouncilTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon