Eighteen - Math/Klein Day

499 8 8
                                    

ELI.

Kinabukasan ay nagmadali akong kumilos dahil male-late na ako sa group study namin. Sigurado din akong wala na si Ashken dahil almost 30mins late na ako.

Magpapahatid na sana ako sa kuya ko pero maaga nanaman siyang umalis. Dali dali ako ngayong lumabas ng bahay habang sinusuot ang salamin ko at inaayos ang buhok ko.

Napatigil naman ako nang nakaharang si auntie sa gate at mukhang may kausap siya.

"Nako, wala yun. Bisita ka kaya kailangan talaga ay maasikaso ka. Pagpasensyahan mo na yung pamangkin ko. Iresponsable talaga yun..."

Wow! I heard that.

Napalingon sa akin si Auntie Mina kaya napaayos ako ng tayo. Nawala ang ngiti niya at napalitan ng isang mapanghusgang tingin.

Bumalik ang ngiti niya nang kinausap niya ulit ang kausap niya sa labas na di ko naman makita dahil nakaharang nga si Auntie Mina sa gate.

"Ay! Andito na pala siya. Ingat kayo sa pag-alis."

Hinila ako ni Auntie Mina at maingat na ipinalabas sa gate. Saka ko lang nakita kung sino ang kausap niya.

"Goodmorning, Eli Reign."

W-what? Eli Reign. He called me Eli Reign.

"A-shken?"

Narinig kong bumulong ang Auntie ko sa likod ko.

"Ano pa ang tinatayo tayo mo dyan? Kanina pa yan naghihintay sayo! Wag mo ng paghintayin lalo! Nakakahiya sa anak ng boss ng kuya mo!" Napalitan naman ang galit na boses niya sa malumanay nang kausapin niya naman si Ashken. "Pasensya na talaga sa pamangkin ko, ijo."

"I don't mind, actually."

Di na ako nagtagal doon at sumakay na ako.

"Hinintay mo pala ako? Anong oras na ah." Sabi ko nang makaupo na agad ako.

"Uh...late din naman ako. So I thought maybe I should just fetch you."

Oh! That was so thoughtful of him.

But no, this has to stop. Nakapagdesisyon na ako kagabi na kailangan na muna tong ihinto. Tama si Yukiro. Nagiging katulad na ako ng iba.

Huminga ako ng malalim at napakagat ako sa labi ko bago ko naisipang magsalita.

"So, are you feeling better now?" Di natuloy ang sasabihin ko ng kamustahin niya ako. "You seemed to be troubled from something last night."

"Okay na ako." Tangi ko sinabi.

"That's good to know."

Natahimik kami ulit. May iba sa pakikitungo ni Ashken sakin ngayon na nagpahirap ng sitwasyon ko. Hindi ko nalang pinansin yun at doon ko kinuha ang pagkakataon para magsalita.

The Lust Of Ashken Lim (SPG)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon