seven - pay back

872 17 1
                                    

Elien.

Simula kanina sa kotse niya at nang makarating na kami ng mall, tahimik lang kami. Kaya naman sa buong oras na magkasama kami, nagbasa nalang ako ng libro. Ang awkward ng paligid kapag kasama ko siya. Tsaka isa pa, kagabi lang yung aksidenteng nangyare samin.

"We're here!" Biglang niyang sigaw nang makarating na kami sa isang mamahaling store ng mga salamin. "And will you please stop reading? It still hurts my eyes, you know?"

Yep, he still hates me. Sinarado ko ang libro ko at nilagay yun sa bag ko. Nauna na siyang pumasok at naghanap ng salamin.

"Now, I want you to just stand up there and let me find some glasses that actually SUITS you and doesn't HURT MY EYES."

Napakagat nalang ako sa labi ko sa hiya dahil sa sinabi niya. *Sigh* baduy na ba talaga style ko?

Kumuha siya ng isang salamin at hinarap yun sa mata ko.

"Btw, gusto ko lang bumawi sa pagbali ko ng salamin mo...last night." The last words gave me chills throughout my body. Iba din kasi yung tingin niya nung sinabi niya ang 'last night'

"Ah, kahit wag ka ng bumawi. Bibilhan naman ako ng kuya ko eh."

Tinaas niya ang isang kilay niya at umiling saka binalik yung salamin. Kumuha ulit siya ng isa at hinarap ulit saakin.

"Ashken, sorry nga pala sa aksidenteng nangyare---"

"Wag kang magsorry because of what happened last night, happened..." He said cutting me off.

Eh famous ka eh. Kaya sorry.

"...Ako dapat yun, kasi di ko napigilan yung sarili ko. But, you see, I have something in mind. May kasalanan ka parin." Sabi niya sabay talikod at kuha ng dalawang bagong salamin.

"Uhm ha?" Nagisip ako ng iba kong nagawang mali at tumingin sa kanya. "Sorry dahil, hmm...hindi ko na alam. Dahil, pinisil ko yung 'ano'?"

Tumawa siya ng malakas at may napatingin na samin.

"Wtf?! Haha Pwede na but think again."

"Dahil, ikaw yung una ko? Syempre alam kong ayaw mo sakin tas ikaw una ko kaya pandidirihan mo ko. Yun ba?" I asked.

"Malapit na. Think deep." He said with a smirk. Patuloy lang siya sa paghanap ng salamin habang ako nagiisip.

"H-hindi ko na alam." Sagot ko nalang.

Tumingin ako sa kanya habang chinecheck niya kung ano ang bagay na salamin sakin.

"Hmm, ano mas gusto mo dito?" Pagiiba niya.

Tumingin ako sa mga salamin at pinili ko ang nasa kaliwang kamay niya. Umiling naman siya bilang sagot.

"Nope. Not that. Sabi na nga ba yun pipiliin mo eh. This is better."

Binalik niya ang isa at pumunta na kami sa counter. Chineck up na ang mata ko at kinausap na kami. Babalik daw kami bukas dito para kunin ang salamin. Nagbayad na siya saka kami umalis.

"Ano, Ashken, ako na kukuha ng salamin bukas." Pagpiprisinta ko.

"Nope, sabay na tayo."

"Ah, okay. Uy, salamat ah." Sabi ko habang naglalakad kami.

"Nah, wala yun. As long as you pay me back."

Ano daw? Akala ko ba, pambawi niya na to tas babayaran ko lang pala siya ulit?

"H-huh?"

"Diba sabi ko may malaking kasalanan ka sakin? The glasses is the only mistake I did to you and I paid it back. But yours is different. Now, keep thinking." Explain niya.

The Lust Of Ashken Lim (SPG)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon