Nineteen - Cold Hearts

482 11 6
                                    

"Eli!"

Napatingin ako sa tumawag sakin at bumungad sakin si Hannah.

"Pinapasabi ni Klein na magready ka daw ng mga special reviewers mo dahil ikaw yung representative. Magrereview daw kayo bukas after ng group study."

"Okay sige, thank you."

Nagpatuloy ako sa paglalakad sa labas ng school. Umupo ako saglit sa waiting shed para hintayin si Ash---

Wait...

Bakit ako nandito? Bakit ko siya hinihintay? Nevermind! Di na pala kami sabay uuwi. Well, it's okay. I'm not bothered at all.

Nagpatuloy ako sa paglalakad hanggang sa makarating ako sa entrance ng village namin at doon ko nakita ang kotse ni Ashken na nakaparada.

Hinihintay kaya niya ako? Ah! Hindi! Imposible.

Inayos ko ang salamin ko at nagpatuloy lang sa paglalakad. Yumuko ako para kahit papano ay matago ko ang mukha ko.

Nang makalagpas ako sa kotse niya bigla siyang bumusina ng mahaba na ikinagulat ko at ng ibang dumadaan. Muntik pa akong matisod sa ginawa niya at muntik narin mahulog ang mga gamit ko na ngayon ay komplikado kong hawak hawak dahil mahuhulog na talaga. Galit na galit akong tumingin sa kanya kahit di ko siya makita.

Mabilis naman nitong pinaandar ang kotse niya at pinaharurot at hindi manlang nag-sorry sa mga nagulat niya. Lalo na sakin.

"Tss! Jerk!" Sambit ko nalang.

Mabilis na akong naglakad pauwi habang iniisip ang kalokohang ginawa ni Ashken.

Naiinis ako ngayon ng sobra. Paano kung may matanda doon tas may sakit sa puso, edi inatake na? Paano kung may bata doon, edi nagsi-iyakan na? Ang sama talagan nito ni Ashken. Gwapo lang! He's rich but can't afford manners.

Muli akong napatigil ng matanaw ko mula sa aking kinaroroonan ang kotse ni Ashken na nasa tapat naman ngayon ng bahay ko at kausap ang kuya ko. Now what?

Tumakbo ako papalapit sa kanila at napatingin naman silang dalawa sakin nang napansin nila ako.

Nakita kong ngumisi si Ashken sakin bago pumasok sa kotse niya at umalis. Ibinaling ko naman ang pansin ko sa kuya ko na ngayon ay nakatitig na din ng masama sakin.

Ano nanamang kademonyohan ang sinabi ni Ashken sa kuya Daff ko?

Inalis ko ang pagaalala sa isip ko at ngumiti ako sa kuya ko bago ako tumakbo at yakapin siya.

"Hi kuya!"

Nanatali siyang nakapamaywang. Ni di manlang siya gumalaw para yakapin ako pabalik.

"Hmm, may problema ba?"

"Sinong lalake yung kasama mo kanina?"

Napabitaw ako kay kuya Daff at nagtatakang tumingin sa kanya.

"Lalake?"

"Don't play silly games with me, young lady. I don't have time for that."

Anong ibig sabihin niya? Yun ba yung sinabi ni Ashken sa kuya ko? Na may kasama akong lalake?

"A-anong lalake?"

"Sabi sakin ni Ashken na nakita ka daw niyang may kasamang lalake at naghiwalay kayo sa labas ng village."

The Lust Of Ashken Lim (SPG)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon