Twenty One - Confession

450 10 11
                                    

Kinaumagahan, hinatid na muna ako nila kuya sa school bago sila umalis. As usual, puro si Ashken ang bukambibig niya.

"Kapag may kailangan ka, hingi ka tulong kay Ashken."

"Kung may nasira sa bahay, magpatulong ka din kay Ashken."

"Magpahatid ka kay Ashken."

"Sumabay ka kay Ashken pauwi."

Ashken, Ashken, Ashken! Puro nalang Ashken. Kuya, I'm strong and independent. I don't need Ashken for me to be able to do some stuff. Ano ba tingin ni kuya kay Ashken? Boyfriend ko?

...

O___O

No, no! Don't think about such stupid stuff.

Anyway, iba ang set up ngayong araw. Sa ngayon nagsi-pasok muna kami sa bawat subject namin para magpost ng excuse letters sa teacher's table at sa ganung paraan ay maimbitahan namin sila kahit papaano sa competition.

For sure naman madaming pupunta. Lalo na andun si Klein. At kapag nandun si Klein, nandoon ang 4k AT kapat nandun ang 4k, nandoon halos lahat ng estudyante.

Pumasok ako sa room at may iilan na ding nandun, including the 2Ks. Wala si Yukiro. At nasaan si Ashken? Kung kelan naman magpapasalamat na ako.

Umupo na ako sa pwesto ko at nagbasa ng reviewers ko hanggang sa may umupo sa tabi ko.

"You look so serious."

Napatingin ako sa kanya at bumungad sakin ang ngumingiting si Kype. Napangiti agad ako bilang pagbati sa kanya.

"Kailangan eh. Importante kay Klein na manalo ulit."

"Yeah, I know that. He's always so competitive."

I think it's time to start a new day with good company.

"Kamusta ka? Kamusta yung mga kamay mo?" I asked at nilapag ko ang reviewer ko.

"Eto, I look like I do boxing." Sabi niya at ipinakita sakin ang dalawang kamay niya na may bandage. "But it's healing, so, you don't have to worry about it."

Tumango ako bilang sagot at siya naman ang nagtanong sakin.

"Ikaw? How's the preparations?"

"Ayun, pinipilit ko parin mag-focus. Medyo pressured lang kasi, ako yung representative."

"Not Klein? That's a surprise." Sabi niya at napaisip.

Well I was surprised too nung nalaman kong alam ni Klein yung ginawa ko last time sa examination day kaya napagdesisyonan niyang gawin akong representative.

"Anyway, let's talk about something else. I'm sure gusto mong lumayo layo sa topic about your competition." Pag-iiba niya. "Is someone still bullying you?"

Yung mga masasamang tingin hindi nawawala pero yung bully na nakasanayan ko na? Wala. Nakakapanibago.

"Kung meron pa, di na ko aalis sa tabi mo."

Nanlaki ang mata ko at napatingin ako kay Kype.

Biglang tumibok ng mabilis ang puso ko sa sinabi niya. Seryoso ba yung sinabi niya?

"E-eh? Haha! Wala na. Wala ng nambubully sakin."

Ngumiti siya sakin at tumango.

"Good to know."

Pagkatapos niyang sabihin yun, dumating na ang prof namin at nagsimula na siya. Napabuntong hininga naman ako dahil di maalis sa isip ko yung sinabi ni Kype.

The Lust Of Ashken Lim (SPG)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon